Candy Pangilinan on how she knew ex-husband cheated on her: "Kasi totoong hindi ko bra yun."

by Rachelle Siazon
5 days ago
Candy Pangilinan on ex-husband who cheated on her: "After a month I gave birth, hindi na siya umuwi."
PHOTO/S: @candypangilinan Instagram

Malungkot man ang kuwento ni Candy Pangilinan kung paano siya iniwan ng asawa, kinalaunan ay napagtanto raw niyang "blessing" iyon sa kanyang buhay.

Ayon kay Candy, sampung taon silang magkasintahan bago sila nagpakasal ng kanyang mister na hindi niya pinangalanan at hindi rin naman taga-showbiz.

Hindi pa raw sila kasal ay may insidenteng nahuli niyang nambababae ito, pero sinunod pa rin daw ni Candy ang kanyang puso.

Nagpakasal si Candy noong siya ay 31 years old, at nabuntis siya makalipas ang isang taon.

Balik-tanaw ng 48-year-old comedienne: "Even before kami kinasal, meron na akong mga nahuli.

"Pero kasi, di ba, yung babae, feeling mo people change? Feeling ko a baby will save it—so nabuntis ako—but no."

Sa kasagsagan ng pagbubuntis niya ay magulo na raw ang buhay nilang mag-asawa.

Hanggang sa prinangka raw siya ng asawang nais na nitong makipagkalas sa kanya.

"Before I gave birth, nandiyan pa naman siya, pero sinasabi niya sa akin na iiwanan niya ako," diretsong sabi ni Candy.

Continue reading below ↓

Sabay hirit niya, "At least, nag-aabiso! In-inform niya ako."

Tila mapagmataas pa raw ang kanyang asawa nang sabihing ang supling nila ang iiwan niyang "souvenir" kay Candy.

"Hindi ko makakalimutan yun. I was very pregnant then," sabi ni Candy tungkol sa pag-aaway nilang mag-asawa noon.

Kahit na siya ay buntis ay patuloy pa raw nagtatrabaho si Candy sa defunct ABS-CBN sitcom na Whattamen.

Iyon daw ang nagsalba sa kanyang "sanity" sa kabila ng pinagdadaanang problema.

Ikinuwento ito ni Candy sa YouTube vlog ni Toni Gonzaga na "ToniTalks" nitong Linggo, May 2.

HUSBAND LEAVES CANDY A MONTH AFTER SHE GAVE BIRTH

Ayon kay Candy, naging mitsa ng hiwalayan nila ng mister ang biglang pag-alis nito sa bahay na animo'y may pupuntahan lang na kung saan pero wala na palang balak umuwi pa.

"To make the long story short, I gave birth. After a month I gave birth, hindi na siya umuwi."

Continue reading below ↓

May halong sarkasmo na sabi pa ni Candy: "Nagpaalam naman siya sa akin. Sinabi niya maggo-golf siya.

"Tapos yun, hindi ko na alam kung anong butas ang tinira niya."

Nag-sorry pa si Candy sa kanyang tinuran sabay hirit niya uli, "Hindi na siya umuwi. Baka nakalaban niya si Tiger Woods. Hindi ako na-inform."

Sa kabila ng pagpapatawa ni Candy tungkol sa dinanas na marital breakup, inamin niyang dumaan siya sa matinding depression noon lalo pa't kapapanganak lang niya.

Nagpatingin na rin daw siya sa doktor dahil pilit umanong minamanipula ng kanyang mister na hindi totoo ang hinala niyang nambababae ito.

"Nagpa-psychologist ako. Kasi, sinasabi ng ex ko before, baliw daw ako.

"Sabi niya, 'Baliw ka. Kasi pinaghihinalaan mo ako may babae.' Sabi ko, 'So, baliw ako?'

"Kaya siya umalis dahil baliw ako. Pero feeling ko talaga, meron. So, nagpa-check talaga ako sa doctor kung talagang baliw ako."

Ano ang sabi sa kanya ng psychologist?

Continue reading below ↓

Sagot ni Candy, "Hindi naman daw. Kasi totoong hindi ko bra yun. Hindi talaga, e."

Pero panay pa rin daw ang deny ng kanyang asawa.

"Naniniwala naman ako," sabi ni Candy.

ON HOW SHE DEALT WITH THE BREAKUP

Bago sila naghiwalay ay may pagkakataong pilit daw niyang pinatawad ang asawa sa kabila ng kalokohan nito.

Kuwento pa ni Candy: "Alam mo yung minsan, kasi when you get everything you want, feeling mo kontrolado mo. 'Hindi, kaya ko ito. Para siyang laruan na di ko makuha.

"'Tsaka in love ako. Pinakasalan ko.

"Umabot ako sa, 'Kailangan ko patawarin. Sabi sa Bible, patawarin ko ito.'"

Noong una ay in denial pa raw si Candy, at umasa pa ring magkakabalikan sila ng asawa.

Hanggang sa isinama raw si Candy ng kanyang kapatid sa isang spiritual counselor na pinayuhan siyang "dignity is a gift."

"Sabi ng spiritual counselor ko, 'You know, Candy, ganito lang iyan. Kunwari regaluhan mo ako ng [branded] na shirt. Tapos pagpunta sa bahay ko, nakita mo na yung [branded] na shirt na bagong-bagong binigay mo sa akin, ginawa mong basahan.

Continue reading below ↓

"'Sasama ba ang loob mo sa akin?' Sabi ko, 'Opo.'

"'Ganun din ang pakiramdam ng Diyos sa iyo kasi ginagawa mong basahan yung buhay mo 'tsaka yung dignity mo.'"

Doon daw niya unti-unting napagtanto na huwag na niyang ipilit ang sariling kagustuhan.

Giit ni Candy: "There were so many signs in front of us, pero dahil sa tigas ng ulo, dahil gusto natin, we still continue what we want.

"Even though God is sending us so many signs. Alam mo na, e. Pero ang tigas ng ulo mo.

"You don't want to follow God's will."

Naniniwala si Candy na ibinigay sa kanya ang matinding pagsubok na iyon para makayanan niya ang pagpapalaki sa anak na may special needs.

Hindi man daw madali ang pagiging solo parent, hindi raw kinuwestiyon ni Candy ang kalagayan niya.

Bagkus ay naniniwala siyang "ticket to heaven" niya ang anak na nagturo sa kanyang maging pasensyosa at makuntento sa simpleng pamumuhay.

Continue reading below ↓

Ang anak ni Candy na si Quentin ay 17 taong gulang na ngayon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Candy Pangilinan on ex-husband who cheated on her: "After a month I gave birth, hindi na siya umuwi."
PHOTO/S: @candypangilinan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results