Richard Gomez faithful husband to wife Lucy Torres quips, "Hindi ako aaswangin, Honey."

by Rachelle Siazon
May 3, 2021
Richard Gomez gives wife Lucy Torres a sweet kiss (left photo) before preparing grilled tuna and fresh basil and tomato pasta for their 23rd wedding anniversary.
PHOTO/S: @lucytgomez Instagram / Richard Gomez YouTube

Pinaglutuan ni Richard Gomez ng nakakatakam na grilled tuna at pasta ang asawa niyang si Lucy Torres para sa pagdiriwang nila ng kanilang 23rd wedding anniversary noong April 28.

Si Richard, 55, ay kasalukuyang alkalde sa Ormoc City; habang si Lucy, 46, ay fourth district representative ng Leyte.

Nag-setup sila ng makeshift kitchen at dining table for two sa kanilang malawak na hardin sa bahay nila sa Ormoc.

Special request ni Lucy na damihan ang bawang sa fresh tomato and basil pasta na inihanda ni Richard.

Habang kumakain sila, nagkomento si Richard na mas luminamnam ang pasta dahil sa pagdagdag niya ng bawang.

Nagbiruan silang hindi makakalapit ang aswang dahil sinasabing bawang ang isang pangontra rito.

Sabay biro ni Richard, "Hindi ako aaswangin, Honey."

Mabining tanong ni Lucy, "Anong ibig sabihin nun?"

Paliwanag ni Richard, "In street lingó, hindi ako lalapitan ng mga babae."

Mabilis na tugon ni Lucy, "Ay, hindi talaga, Honey! Hahaha!"

Continue reading below ↓

Ipinunto ni Lucy na malakas ang intuition ng babae pagdating sa mga nais umaligid sa kanilang asawa.

Sabi ni Lucy: "Binabalak pa lang nila, alam ko na.

"Alam mo, kaming mga asawa nakakaamoy ng mga aswang. Gi plano palang ninyo, abort mission na."

Sa puntong ito direktang sinabi ni Richard na hindi kailanman magiging isyu ang third party sa kanilang mag-asawa.

"Pero never kong ginawa yun," ani Richard.

Inihayag ito ni Richard sa kanyang YouTube vlog na "Goma at Home" noong Linggo, May 2.

Richard Gomez, Lucy Torres wedding anniversary date

Continue reading below ↓

BLISSFUL MARRIED LIFE FOR 23 YEARS

Halatang kilig na kilig pa rin ang dalawa sa isa't isa kahit na lampas dalawang dekada na silang mag-asawa.

Sabi pa ni Lucy, masuwerte siyang mahilig magluto si Richard dahil hindi raw niya forte iyon.

Simple pero masarap daw magluto si Richard.

Puri ni Lucy kay Richard, "Your cooking is like you. Straightforward. Not complicated."

Sang-ayon naman ni Richard, "Pag sinabi kong I love you, I love you ibig sabihin nun."

Sweet na balik-sagot ni Lucy, "You're an easy man to love, Honey. You don't like drama, which I love."

Taong 1993 nang unang magkakilala sina Richard at Lucy sa pinagsamahan nilang shampoo commercial.

Ikinasal sila sa St. Peter and St. Paul Church sa Ormoc City, Leyte noong April 28, 1998.

Ang kanilang unica hija na si Juliana ay 20 years old na ngayon.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gomez gives wife Lucy Torres a sweet kiss (left photo) before preparing grilled tuna and fresh basil and tomato pasta for their 23rd wedding anniversary.
PHOTO/S: @lucytgomez Instagram / Richard Gomez YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results