Ruffa Gutierrez reveals who between Jordan Mouyal and John Lloyd Cruz she loved more

by Rachelle Siazon
5 days ago
Ruffa Gutierrez says her relationship with Jordan Mouyal (left) lasted for six and a half years while the one with John Lloyd Cruz (right) only lasted for less than a year.
PHOTO/S: Harvey Biscuits

Hindi nakaligtas si Ruffa Gutierrez sa pang-uusisa ng kaibigang si Aiko Melendez tungkol sa ex-boyfriends niyang sina John Lloyd Cruz at Jordan Mouyal.

Nang i-guest ni Aiko si Ruffa sa kanyang YouTube vlog, hindi nabigkas ni Ruffa nang tama ang isang tongue twister kaya napilitan siyang sumalang sa truth or dare.

Tanong sa kanya ni Aiko: "Sino ang mas minahal mo, si John Lloyd or yung isang J?"

Ang tinutukoy ni Aiko na isang "J" ay ang French-Israeli ex-boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal.

Pinili ni Ruffa si Jordan.

Paliwanag ni Ruffa, "Yung isang J naman. Kasi matagal kami nun, e. Six and a half years, di ba? So, yung isang J.

"Si John Lloyd naman, okay naman siya. Pero siyempre mas minahal ko yung isa. Kasi siyempre ang tagal, six and a half years yun."

March 2009 hanggang February 2010, o halos isang taon lamang ang itinagal ng relasyon nina John Lloyd at Ruffa.

Continue reading below ↓

Nagkatrabaho sila sa ABS-CBN prime-time series na I Love Betty La Fea, na umere mula September 2008 hanggang April 2009.

Tila taong 2014 nang maging nobyo ni Ruffa si Jordan, at February 2021 nang aminin ng aktres na hiwalay na sila.

"Para akong nabunutan ng tinik," paglalarawan ni Ruffa sa breakup nila ni Jordan nang dumalo siya sa isang virtual presscon noong February 6, 2021.

Hindi niya idinetalye kung anong mitsa ng kanilang hiwalayan, pero ipinahiwatig ng beauty queen-actress na marahil ay hindi lang talaga sila para sa isa't isa.

"I always learn something from each and every person that I’ve fallen in love with.

"And sometimes, minsan, wala naman talaga silang kasalanan, you know, but it’s time to just close the page.

"Move on to the next chapter and you just thank them for the reason that they have brought you happiness.”

IS RUFFA DATING AGAIN?

Sa pagpapatuloy ng vlog ni Aiko kasama si Ruffa, tawa naman nang tawa si Ruffa nang tanungin siya kung may dine-date na siya uli ngayon.

Continue reading below ↓

"Hahaha! Grabe naman. Puwedeng dare na lang?" iwas na saad ni Ruffa.

Sabay sinabi niyang bukas naman daw siya sa mga manliligaw.

Pa-safe na paliwanag ni Ruffa, "I'm welcoming new friendships.

"So, in terms of seryoso na together na kayo or magpapakasal na kayo, hindi pa.

"I'm just welcoming the new friendships that are coming into my life."

Napapangiting dagdag niya, "Kung may nagbibigay sa akin ng atensiyon at hindi naman nila ako binibigyan ng stress, kung magpapadala sila ng food, okay lang, sige, tanggapin, di ba?"

no more dating younger guys?

Natatawang inamin ni Ruffa na base sa kanyang dating history ay "mahilig ako sa younger" guys.

Thirteen years ang age gap ni Ruffa kay Jordan, at nine years kay John Lloyd noon.

Si Ruffa ay 46 years old na ngayon.

Sabay sabi niya, "Pero I'm changing na nga my peg, e."

Posible rin daw na Pinoy ang kanyang maging susunod na pag-ibig.

Continue reading below ↓

"And would you believe, ngayon tumitingin-tingin ako sa paligid ko? Tumitingin ako sa mga Pinoy.

"Kasi naka-lock borders tayo, e, di ba? So, tumitingin-tingin ako sa paligid ko, baka nandiyan lang siya."

Pero ang mahalagang katangiang hinahanap daw niya sa isang potential boyfriend ay iyong pareho sila ng core values at beliefs.

Sabi pa ni Ruffa, "Definitely I wanna grow old with someone... So I'm open for those that are serious in their intentions. Kasi we're not getting any younger."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez says her relationship with Jordan Mouyal (left) lasted for six and a half years while the one with John Lloyd Cruz (right) only lasted for less than a year.
PHOTO/S: Harvey Biscuits
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results