Luis Manzano coolly answers bashers calling him gay over crying photo

by Rachelle Siazon
May 4, 2021
Luis Manzano gets a sweet kiss from wife Jessy Mendiola while they were addressing mean comments about Luis crying on their wedding day.
PHOTO/S: Jessy Mendiola YouTube

Hindi isyu kay Luis Manzano, 40, ang pang-iintriga sa kanya na siya ay gay nang dahil lang sa viral niyang pag-iyak noong kasal nila ni Jessy Mendiola, 28.

Ginanap ang intimate wedding ceremony nila sa isang wellness resort sa Batangas noong February 21, 2021.

Noong April 4 nila ibinahagi ang kanilang wedding video, at naging meme ang kuha kay Luis na umiiyak habang nakatanaw kay Jessy na nagmamartsa palapit sa kanya.

Si Luis pa mismo ang nagpasimuno ng kuwelang punchlines tungkol sa kanyang viral meme.

Pero may ibang binigyang-kulay ang madamdaming emosyon ng TV host noong wedding day nito.

Nitong April 29, naglabas ng YouTube vlog si Jessy kasama si Luis para ipagdiwang ang kaarawan ni Luis habang nagbabasa sila ng mean comments mula sa social media.

Komento ng isang basher sa pag-iyak ni Luis: "hahahaha lalaki kasi ang gusto tapos babae pinakasalan."

Halatang hindi tinablan si Luis, at sanay na raw siya sa bashers.

Continue reading below ↓

Sabi lang niya, "Luma na 'yan, yung gay issue. Inaalmusal ko iyan. Dati ko pa naririnig 'yan, yung gay issue."

Nag-wacky face lang si Luis para ipahiwatig na deadma siya sa gay issue.

Sa puntong ito ay hinalikan ni Jessy sa pisngi ang mister dahil sa nakitang pagiging chill nito.

Ipinakita rin ng mag-asawa ang screenshot mula sa isang netizen na nagsabing "Parang girl makaemote si luiz."

Kuwelang sagot naman ni Luis, "Okay, unang-una, bago ka mag-comment ng kahit ano, available naman sa 'yo ang Internet, available sa 'yo ang Google, may mata ka naman, nakaka-type ka.

"L-U-I-S ako, hindi Z. Sayang yung Internet connection, madaming walang Internet connection."

ON LUIS'S PINK SUIT

May kumuwestiyon kung bakit pink ang kulay ng kanyang suit.

Komento ng isang netizen, "Pink ang suit.. alam na bkit naiyak."

Bago sumagot si Luis, nilinaw ni Jessy ang exact color ng suit ni Luis ay old rose.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Jessy, "Ang dami-dami kayang grooms na nagpi-pink.

"At ako talaga ang nag-decide ng color motif. Gusto ko lang maiba lang kasi may isa pa tayong wedding na ibang colors naman. So, naisip ko para lang maiba, burgundy and old rose."

Sabay hirit uli ni Luis, "Mas magulat ka kung wala akong suot sa wedding. Dun ka maiyak. Dun ka magulat. Paglabas ni Jessy nandun ako hubo't hubad."

Kasabay nito ay nag-flash ang litrato ni Luis bilang Cosmo Bachelor na na-feature sa Cosmopolitan Magazine 2003 Centerfolds.

Youtube screenshot: Luis Manzano, Jessy Mendiola answer bashers

Continue reading below ↓

Nilinaw naman ni Luis na happy tears ang iniluha niya noong wedding day nila ni Jessy.

"Pangit lang talaga ako umiyak. Actually na-miss ko 'yan, si Direk Wenn, na nag-handle ng mga teleserye ko. Sinasabi sa akin, 'Manzano, ang pangit mo umiyak.'

"Ako tumutupi yung mukha ko, e. Yung parang lahat sinisipsip ng ilong ko."

Ilan sa mga pinagsamahang teleserye nina Luis at Direk Wenn ay Kampanerang Kuba (2005) at Dyosa (2008-2009).

Nagkatrabaho rin sila sa mga pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo (2007) at Who's That Girl (2011).

Pumanaw si Direk Wenn noong February 29, 2016.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano gets a sweet kiss from wife Jessy Mendiola while they were addressing mean comments about Luis crying on their wedding day.
PHOTO/S: Jessy Mendiola YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results