Julia Barretto apologizes to host of online live interview over nasty comments from bashers

by Bernie V. Franco
May 4, 2021
Julia Barretto (left) to host Mikaela Martinez (inset, top) during their Instagram Live interview: “I’m so sorry for some of these nasty comments coming up on your screen. Please don’t mind them. These people just probably have nothing better to do in their lives.”
PHOTO/S: @juliabarretto, @mikaelamartinez on Instagram

Nag-sorry si Julia Barretto sa host ng isang Instagram Live dahil biglang nagsulputan ang “nasty” at “bad” comments habang ongoing ang kanilang interview.

Hindi na binasa pa kung ano ang mga komento, pero pati ang hitsura ng host ay pinuntirya ng netizens.

In-interview si Julia ng model-entrepreneur na si Mikaela Lagdameo Martinez nitong Sabado, May 1, 2021.

Kadalasan ay mga artista ang tampok sa weekly online show na ito ni Mikaela.

Sa interview, sinabi ni Mikaela kay Julia na nasubaybayan niya kung paano ito lumaki.

Minsan din daw siyang naging stylist ni Julia noong bata pa ito para sa isang photo shoot.

Pinuri ni Mikaela si Julia dahil sa katatagan nito sa kabila ng mga isyung ipinupukol sa kanya ngayon.

Nagpasalamat naman si Julia sa papuri ni Mikaela.

OFFENSIVE COMMENTS

Pagkatapos nito ay humingi ng paumanhin si Julia dahil may ilang netizens na nag-iwan ng mga pangit na komento habang ongoing ang kanilang Instagram live.

Continue reading below ↓

Sabi ni Julia, “I’m so sorry for some of these nasty comments coming up on your screen.

“Please don’t mind them. These people just probably have nothing better to do in their lives.”

Hindi na binasa ni Julia ang mga komento, pero nabanggit ni Mikaela na may lumait sa kanyang hitsura. Mag-ayos daw si Mikaela dahil magulo ang kanyang buhok.

Pinatutsadahan naman ni Julia ang bashers ng kanilang live interview.

Hirit ng aktres, “The funny thing is they’re leaving comments, bad comments, but they’re still watching the live.

“Let’s just be grateful to these people who are watching this live and taking time out of their day.

Malaman ang sumunod na pahayag ni Julia: “They don’t have anything better to do.”

Mukhang hindi sanay si Mikaela dahil nagsunud-sunod pa raw ang pamumuna sa kanya.

Paniniyak ni Julia pagdating sa bashers, “They hate seeing you happy. Just keep remembering, these bashers have nothing better to do.”

Continue reading below ↓

Bukod sa na-overwhelm, inamin ni Mikaela na na-shock siya dahil sa masasamang comments na nagsulputan sa interview niya kay Julia.

Nabanggit din ni Mikaela sa isang komento na kinailangan niyang mag-filter ng comments dahil sa dami ng bashing sa interview.

Julia Barretto on Mikaela Lagdameo Martinez online interview

JULIA SAYS IT IS NOT HER GOAL TO PLEASE EVERYBODY

Samantala, akma namang isa sa mga itinanong kay Julia sa live interview ay kung paano siya nagre-react sa matinding batikos sa kanya sa social media.

Continue reading below ↓

Ayon kay Julia, tanggap niyang hindi naman lahat ay matutuwa sa kanya. Wala rin daw siyang balak na i-please ang lahat.

Saad niya, “From the very beginning, I don’t think I made it a goal of mine to really have to please everybody.

“For example, I mean, right now I could just be sitting here, right in front of you and there would be comments trying to put me down or make me feel bad about myself.

“But what good would come out of it if I let it affect me?

“I just don’t believe in making it a goal to please everybody because then you’re not gonna live your life according to you and according to what you wanna do in life.”

Ang gusto raw ni Julia ay magpakatotoo siya at masaya na siya kung sino man ang nais siyang suportahan.

“I think it’s just important from the very beginning to stay true to who you are, because there will be people who will love you and definitely there will be some that won’t, and that’s fine.

Continue reading below ↓

“I think it’s all about perspective at the end of the day.

“So, where will you shift your focus? Either with the people who don’t like you or the people who like you.

“The people who will deserve your energy or the people who appreciate you.

“So, I feel like it’s all about perspective also,” pahayag ni Julia.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto (left) to host Mikaela Martinez (inset, top) during their Instagram Live interview: “I’m so sorry for some of these nasty comments coming up on your screen. Please don’t mind them. These people just probably have nothing better to do in their lives.”
PHOTO/S: @juliabarretto, @mikaelamartinez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results