Barbie Imperial, Diego Loyzaga trade sweet messages and photos while away from each other

by Rachelle Siazon
May 4, 2021
Barbie Imperial tells boyfriend Diego Loyzaga that she's gonna miss his "hugs and small kisses."
PHOTO/S: @msbarbieimperial / @diegoloyzaga Instagram

Hindi nagpapigil si Barbie Imperial, 22, sa paghayag ng pagmamahal para sa kasintahang si Diego Loyzaga, 25.

Kahapon, May 4, nag-post si Barbie sa Instagram ng mga litrato ni Diego kunsaan litaw sa ngiti nito ang lubos na kasiyahan.

May litrato ring magkasama silang dalawa at makikitang yakap siya ng nobyo.

Couple Diego Loyzaga and Barbie Imperial

Continue reading below ↓

Caption ni Barbie, "If there’s something I wanna give you, I'd give you the ability to see yourself through my eyes so you know how special you are to me.

"How happy my heart feels when I see you happy when I’m with you."

Komento ni Diego, "I love you my baby gurl [smile emoji] thanks for making my day."

DIEGO'S "BB GURL"

Tila isang buwang hindi magkikita sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga dahil sa kani-kanilang trabaho kaya miss na miss na nila ang isa't isa.

Noong April 27, unang nag-post si Diego ng sweet message para sa nobya.

Ani Diego, "I'm gonna miss you BB gurl. See you in a month's time. Do great at work today! Thank you to these beautiful people who made our last trip memorable."

Reply ni Barbie sa comments section: "See u sooon babe!!!! Am gonna miss ur hugs & smol kisses."

Kalakip ng post ni Diego ay ilang couple photos ng magkasintahan na kuha sa isang boat.

Continue reading below ↓

Barbie Imperial and Diego Loyzaga

Kasama nila si Angelica Panganiban at non-showbiz boyfriend nitong si Greg Hoffman na taga-Subic. Si Angelica ay malapit na kaibigan ni Barbie.

Barbie Imperial, Diego Loyzaga with Angelica Panganiban and boyfriend Greg Hoffman

Continue reading below ↓

CONSISTENTLY SWEET

Consistent si Diego sa pagiging sweet kay Barbie.

Noong April 9, o bago ang bakasyon nila sa Subic, si Diego ang nag-post ng sweet photo kandong niya ang nobya at masuyong nakatingin sila sa isa't isa.

"Missing you more n more baby girl," caption ni Diego.

Sagot ni Barbie, kalakip ng crying at heart emojis, "Awww I miss you sooo much my sweet love!!!!"

Naging magkasintahan sina Barbie at Diego bago natapos ang taong 2020.

Unang napansin ang pagsinta ni Diego kay Barbie nang magkomento ang aktor sa sexy bikini photo ng dalaga noong November 2020.

January 1, 2021 nang isinapubliko ni Diego ang tungkol sa kanilang relasyon.

Dati nang magkaibigan ang dalawa at hindi raw nila inaasahang mahuhulog ang loob nila sa isa't isa.

Bukas naman sa pagsasabi si Diego na sinsero siya kay Barbie, at umaasa siyang balang araw ay mauwi sa kasal ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial tells boyfriend Diego Loyzaga that she's gonna miss his "hugs and small kisses."
PHOTO/S: @msbarbieimperial / @diegoloyzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results