Veteran entertainment editor Ricky Lo dies at 75

by Jojo Gabinete
3 days ago
The Philippine STAR's entertainment editor and veteran showbiz writer Ricky Lo passed away this Tuesday evening, May 4. He was 75.
PHOTO/S: Instagram

Muling nabahiran ng lungkot ang Philippine entertainment industry dahil sa pagpanaw ng respected veteran entertainment editor/columnist na si Ricky Lo ngayong Martes ng gabi, May 4.

Sumakabilang-buhay si Lo sa edad na 75.

Mahigpit ang pakiusap ng kapatid niyang si Susan Lee na igalang ang kanilang pagluluksa. Ito ang dahilan kaya hindi pa inilalabas kung ano ang ikinamatay ni Lo.

Si Lo ay isinilang sa Las Navas, Northern Samar, noong April 21, 1946.

Nagtapos siya ng AB English course sa University of the East.

Nagtrabaho siya bilang editorial assistant sa Variety magazine mula 1969 hanggang 1972. Ang Variety magazine ang Sunday supplement ng old Manila Times.

Ang pagbisita ni Pope Paul VI sa Pilipinas noong November 1970 ang unang assignment ni Lo bilang reporter ng Manila Times.

Naglingkod si Lo bilang entertainment editor ng The Philippine STAR mula noong July 1986 hanggang nitong May 2021.

Noong 1995, inilabas ni Lo ang Star Studded, isang libro ng compilation ng kanyang mga artikulo tungkol sa mga artista.

Continue reading below ↓

Noong 2001 ay ini-release niya ang Conversations with Ricky Lo, na compilation naman ng kanyang exclusive interviews.

Hindi lamang respetadong entertainment editor/columnist at showbiz commentator si Lo dahil naging bahagi rin siya ng mga showbiz talk show.

Si Lo ang isa sa mga co-host ng The Buzz ng ABS-CBN nang magsimula ito noong 1999.

Nagsama sila ni Melanie Marquez sa Showbiz Stripped ng QTV 11 noong 2005 na pinalitan ng The Ricky Lo Exclusives noong 2007.

Noong 2008, naging regular co-host si Ricky ng Startalk hanggang magpaalam ito sa telebisyon noong September 12, 2015.

Tumanggap si Lo ng maraming pagkilala at parangal dahil sa kanyang mahusay na pagsusulat, paghahatid ng mga showbiz news at scoop stories sa kanyang propesyon na tumagal ng limampu’t dalawang taon.

Halos walang artista, bata man o matanda, ang hindi nakakakilala kay Ricky Lo. Madalas ay tinatawag siyang "dean of Philippine showbiz reporters," na sinusuklian niya ng tahimik na ngiti.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Philippine STAR's entertainment editor and veteran showbiz writer Ricky Lo passed away this Tuesday evening, May 4. He was 75.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results