Kapamilya broadcasters mark ABS-CBN shutdown first anniversary

by Arniel C. Serato
May 5, 2021
ABS-CBN News personalities (from left) Noli de Castro, Karen Davila, Julius Babao, and Alvin Elchico post "ABS-CBN shutdown" anniversary messages on Instagram today, May 5, 2021.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Ngayong araw, May 5, ay eksaktong isang taon na mula nang mamaalam sa ere ang ABS-CBN.

Ika-7:52 ng gabi noong araw na iyon, tumigil ang TV at radio broadcast operations ng Kapamilya network.

Ito ay dahil sa inilabas na Cease and Desist Order (CDO) ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa pagkapaso ng kanilang 25-year-legislative franchise noong May 4, 2020.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagbahagi ng kani-kanilang saloobin ang ilang ABS-CBN braodcasters sa unang anibersaryo ng pagkawala sa free TV ng istasyong kinabibilangan.

Kabilang sa kanila angTV Patrol achors na sina Noli de Castro, Karen Davila, Julius Babao, at Alvin Elchico.

Mensahe ni Noli, “Isang taon na po, kabayan, simula ng putulin ng kongreso ang prangkisa ng ABS at mawalan ng marangal na hanap buhay ang may libo-libong manggawa na hindi maintindihan kung ano ang kanilang naging kasalanan at naganap pa sa gitna ng pandemya, kumakapit na lang kami ngayon sa mas may kapanyarihan sa lahat, ang DIYOS [three praying hands emojis]”

Continue reading below ↓

Kalakip ng post ang farewell message niya noon sa TV Patrol bago mag-off the air ang network.

Si Karen ay nag-post naman ng larawan ng color bars sa Instagram na may nakasulat na “ISANG TAON NA. #ABSCBNSHUTDOWN”

Sabi niya sa caption, “May 5, 2020. The day ABSCBN went dark. One year after. We shall not forget. Fighting, each and everyday. Laban lang, kapamilya.

#worldpressfreedomday2021 #abscbnkapamilya #keepfighting #istandwithabscbn #istandinfaith #intheserviceofthefilipino

Gayundin ang post na larawan ni Julius.

Nakalagay sa kanyang mensahe, “Isang taon na pala mga Kapamilya.

“Salamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa ABS-CBN kahit kami ay nasa online na lang muna. Sa ngayon. [praying hands emoji]

"#neverforget #kapamilyaforever #abscbn #kapamilya

View this post on Instagram

A post shared by Julius Babao (@juliusbabao)

Simpleng “1 Year #labankapamilya” naman ang post ni Alvin sa kanyang Instagram account.

NTC ORDERS ABS-CBN TO STOP ALL BROADCAST OPERATIONS

Sa inilabas na Cease and Desist Order ng NTC laban sa ABS-CBN, sinabi ng komisyon na hindi na maaaring magsahimpapawid ang network, pati na ang TV at radio stations nito sa mga probinsiya.

Continue reading below ↓

Napaso ang 25-year-legislative franchise ng ABS-CBN Corporation noong mga panahong iyon.

Nakasaad sa order: "The National Telecommunications Communications (NTC) today issued a Cease and Desist Order against ABS-CBN due to the expiration of its congressional franchise."

Binigyan ng NTC ang ABS-CBN ng sampung araw upang magpaliwanag kung bakit hindi kailangang bawiin ng gobyerno ang kanilang mga frequencies.

Kabilang na rito ang Channel 2, ang 630 khz sa AM radio, at ang 101.9 khz sa FM.

Dagdag pa sa utos ng NTC: "Upon the expiration of RA 7966, ABS-CBN no longer has a valid and subsisting congressional franchise as required by Act No. 3846.

"The NTC Regional Offices shall implement the closure order in their respective areas of jurisdiction."

Tuluyan na ring hindi nakabalik sa free TV ang istasyon matapos patayin ng Kongreso ang franchise application ng network noong July 10, 2020.

Sa ngayon, mapapanood ang ilang programa ng network sa online, A2Z Channel 11, at cable.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN News personalities (from left) Noli de Castro, Karen Davila, Julius Babao, and Alvin Elchico post "ABS-CBN shutdown" anniversary messages on Instagram today, May 5, 2021.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results