Richard Gutierrez dismisses rumors involving him with Marian and KC

by Nora Calderon
Dec 19, 2007
"Siguro, mas nag-grow ako ngayon as a person. Nakita ko ang good and bad side, at ‘yon ang magiging way ko to improve myself. Kung may worst na nangyari, I'll charge it to experience. Lalo akong matsa-challenge na lalong pagbutihin, hindi lang ang sarili ko kundi ang trabaho ko, my career," says Richard Gutierrez about the good things that happened to him this year.


Naka-makeup pa bilang si Vergel sa "ahaserye" niyang Kamandag si Richard Gutierrez nang dumating sa Christmas party na ibinigay niya at ng mga kapatid na sina Ruffa at Raymond at ng ina nilang si Annabelle Rama para sa entertainment press kagabi, December 18, sa Imperial Palace Suites. Nagpaalam lang daw si Richard during their dinner break sa location nila sa Tanay, Rizal, para sumaglit nga sa Christmas party.

"Eight hours na po kaming nagpa-fight scene ni Mark Anthony [Fernandez], pero hindi pa po kami tapos kaya babalik pa ako doon. Pero hindi puwedeng hindi ako dumaan dito para magpasalamat sa lahat ng inyong suporta sa aming pamilya. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat at sana next year, mas marami pa kaming blessings na matanggap para muli kaming makapag-share sa inyo," nakangiting pahayag ni Richard para sa members of the press.

After makabunot ng ilang raffle prizes, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Richard. Ano ang mga magagandang bagay na naidulot sa kanya ng 2007 as an actor and as a private individual?

Continue reading below ↓

"Siguro, mas nag-grow ako ngayon as a person," sabi ni Richard. "Nakita ko ang good and bad side, at ‘yon ang magiging way ko to improve myself. Kung may worst na nangyari, I'll charge it to experience. Lalo akong matsa-challenge na lalong pagbutihin, hindi lang ang sarili ko kundi ang trabaho ko, my career."

ISSUE WITH MARIAN. Sinagot din ni Richard ang issue na parang mas pinapaboran daw ng GMA-7 ang Marimar at si Marian Rivera kesa sa kanya at sa Kamandag.

"I don't think so," sabi ng matinee idol. "I'm happy sa nangyayari sa Kamandag at maraming nagsasabing pinapanood daw nila ito kahit medyo takot sila sa ahas, dahil maganda naman ang story. The same way, I'm happy for Marimar and for Marian dahil napakabait niya.

"It's a pleasure to work with her, lalo ngayon na kami naman ang magkatambal sa Valentine presentation ng GMA Films at Regal Entertainment, ang A Very Special Love. I know GMA network is doing good and I'm glad I've been a part of it. Isang sundalo lang ako ng GMA na nagtatrabaho at tumatanggap ng mga blessings mula sa kanila."

Continue reading below ↓

May chemistry kaya sila ni Marian na first time lang niyang nakakatrabaho?

"Oh, yes!" bulalas ni Richard. "According to Direk Mark Reyes—who's my director with Topel Lee sa Kamandag at direktor din namin ni Marian sa movie—may chemistry raw kami. I'm happy and inspired working with Marian. She is not hard to get along with. She's very sweet to me and to everyone in the set. Kaya nagtataka ako na may issue na may attitude daw siya, dahil kabaligtaran ang nakikita ko sa kanya."

RUMORED KC-LINO BREAKUP. Ikinagulat naman ni Richard ang ilang araw nang nasusulat na nag-break na raw sina KC Concepcion at ang rumored boyfriend nito na si Direk Lino Cayetano at sinasabing siya ang dahilan.

"Oh, ako raw ang dahilan?" nagtatakang sagot niya. "Paano mangyayari ‘yon, friends lang naman kami ni KC at matagal na kaming hindi nakakapag-usap. If you remember right, sa launching ng Kamandag, nasabi ko sa PEP na a few nights bago ang launch, nagkausap kami ni KC, pero wala lang ‘yon. Hindi namin napag-usapan ‘yong issue na nanliligaw daw ako sa kanya. Kami naman ni Direk Lino, nagkita din noon at wala din naman kaming napag-usapan tungkol sa issue.

Continue reading below ↓

"Nasundan lang ‘yon nang minsang nagkausap ulit kami, pero ang napag-usapan lamang namin, tungkol sa mga Christmas gifts na puwedeng bilhin for my family. After that, wala na, hindi na kami nagkausap ilang weeks na. Kaya nagulat ako na may issue na naman pala," paliwanag ng young actor na break na sa kanyang longtime girlfriend na si Georgina Wilson.

Paano ise-celebrate ni Richard ang Christmas niya this year?

"Ganoon pa rin, sama-sama kaming buong pamilya sa noche buena. Mas masaya lang ngayon dahil kumpleto na kami, narito na kasi si Ate Ruffa, dumarami na rin ang mga kids sa bahay dahil sa mga kapatid kong may asawa na. After ng noche buena, may party pa rin kami para sa mga helpers naman namin sa bahay. Time naman para bigyan sila ng additional blessings dahil sa pagtatrabaho nila para sa amin," lahad ni Richard.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro, mas nag-grow ako ngayon as a person. Nakita ko ang good and bad side, at ‘yon ang magiging way ko to improve myself. Kung may worst na nangyari, I'll charge it to experience. Lalo akong matsa-challenge na lalong pagbutihin, hindi lang ang sarili ko kundi ang trabaho ko, my career," says Richard Gutierrez about the good things that happened to him this year.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results