Is this Miles Ocampo's reaction to fake news about her and Bimby Aquino?

by Rachelle Siazon
May 5, 2021
Miles Ocampo posts cryptic message addressing malicious speculations about her and Kris Aquino's son Bimby. Last May 1, Kris declared Miles as her "daughter" and Bimby affirmed that he considers Miles as his "sister."
PHOTO/S: @milesocampo Instagram

Naglipana sa YouTube ang fake news dawit sina Miles Ocampo at Bimby Aquino.

Higit sampung vlogs ang may clickbait at fake headline na nagsasabing "buntis" si Miles at si Bimby ang "tatay."

Miles Ocampo, Bimby Aquino fake Youtube videos about getting pregnant

May iba ring vlogs na may headline na "kasal" na raw ang dalawa.

Miles Ocampo, Bimby Aquino fake Youtube videos about getting married

Continue reading below ↓

Walang katotohanan ang espekulasyong pinapakalat ng ilang YouTubers, na umani ng libu-libong views dahil dito.

Napansin ito ng talent manager/showbiz reporter/comedian na si Ogie Diaz, na kinondena ang malisyoso at gawa-gawang kuwento sangkot sina Miles at Bimby.

Base ito sa YouTube vlog ni Ogie noong May 3.

Sabi ni Ogie: "Utang na loob yung nabuntis si Miles, para lang makagawa po tayo ng issue, para magkaroon tayo ng views sa YouTube channel.

"Utang na loob. Ang dami. Kailan kayo hihinto?!"

Paalala pa ni Ogie sa netizens, "Huwag kayo basta-basta maniwala lalo na kung voice over lang ang nagaganap. May videos, pero imbento po ang mga ginagawa nila. Ay naku, jusko!"

Hindi man lang daw naisip ng malisyosong YouTubers na menor de edad pa si Bimby.

Si Bimby ay 14 years old, habang si Miles ay may edad na 24.

Dagdag ni Ogie bilang depensa kay Bimby, "Kawawa naman yung bata, nagiging subject sa ganitong usapin.

Continue reading below ↓

"Kahit anong hina ni Kris, babangon at babangon 'yan para ipagtanggol at idepensa yung anak para protektahan si Bimby."

MILES ON FAKE NEWS ABOUT HER

Base sa petsa ng vlogs na naglalaman ng gawa-gawang kuwento kina Miles at Bimby, may isang linggo na ring kumakalat ang mga ito sa YouTube.

Lunes ng hapon, May 4, nag-post si Miles via Instagram Story ng litrato niya na napataas ang isang kilay.

Kalakip nito ang caption na nagsasabing "2021 na... naniniwala ka pa din sa fake news???"

May kasama ang written text na emoji na napatapik sa noo, highly annoyed face, at laughing with tears emoji.

Liban dito ay wala nang ibang binanggit ang aktres, pero mahihinuhang may kaugnayan ito sa mga malisyosong vlogs na dinadawit sila ni Bimby sa fake news.

IG Stories: Miles Ocampo shade on circulating fake news

Continue reading below ↓

MILES OCAMPO IS LIKE A "DAUGHTER" TO KRIS AQUINO

Bukas naman sa pagsasabi si Kris na si Miles ay sobrang malapit sa kanya at sa anak niyang si Bimby.

Sa Instagram post ni Kris noong May 1, nagbahagi siya ng video kunsaan kasama niya sa kuwarto sina Bimby at Miles.

May higit-kumulang apat na alalay ring naroon sa kuwarto ni Kris.

Nakahiga si Kris habang nagbibigay ng kanyang mensahe kay Miles, na nagdiriwang ng ika-24 kaarawan noon.

Binansagan ni Kris na si Miles bilang "MCA" o "Miles Cojuangco Aquino."

Sabi pa ni Kris, "I've never had a daughter. But now I do."

Singit ni Bimby, "And I have a sister."

Ayon pa kay Kris, isang buwan na silang magkakasama sa tinutuluyang lugar ngayon ni Miles.

Ayaw lang banggitin ni Kris kung sino ang hosts ng tinutuluyan nilang lugar for privacy reasons.

Lahad ni Kris: "Kaming tatlo, we've kept this quiet, pero for a long time kami yung roommates.

Continue reading below ↓

"Sila yung bantay ko. Pero ngayon humiwalay ako [ng kuwarto] kasi di ko kaya. Kasi si Bimb, gusto temperature [ng aircon] 17 [degrees].

"Gusto talaga ni Bimb arctic level the ginaw. E, ako, hindi ko talaga kaya."

Kris Aquino with Miles Ocampo and Bimby

KRIS TELLS MILES NOT TO GET PREGNANT

Tumagal ng lampas walong minuto ang video kunsaan pinayuhan din ni Kris si Miles na huwag magbuntis nang maaga.

Continue reading below ↓

Ani Kris, "[At] 24 naging nanay ako. Utang na loob huwag mo ako gayahin please."

Natatawang sagot ni Miles, "Yes, Nanay."

Maya-maya pa ay inulit ni Kris kung gaano siya kalapit kay Miles.

"Si Ate Miles talaga is really part of our family. And we've been through it all together.

"Right, Bimb? For the rest of our lives, she's part of our family and we love her."

Sang-ayon ni Bimb, "Of course, as long as she doesn't get pregnant. Hahaha!"

Kumpiyansang ani Kris, "I don't think she will."

Alam daw ni Kris na malayo pa ang mararating ng karera ni Miles.

Nabanggit ni Kris na si Miles ay naging anak niya sa defunct Kapamilya prime-time series na Kailangan Ko'y Ikaw noong 2013. Bida noon sa serye sina Kris, Robin Padilla, at Anne Curtis.

Miles Ocampo and Bimby Aquino

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miles Ocampo posts cryptic message addressing malicious speculations about her and Kris Aquino's son Bimby. Last May 1, Kris declared Miles as her "daughter" and Bimby affirmed that he considers Miles as his "sister."
PHOTO/S: @milesocampo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results