Angelica Panganiban: “Binusalan at pinatayan ng kabuhayan. Hindi kami makakalimot.”

by Arniel C. Serato
May 5, 2021
Angelica Panganiban posts on Instagram a short but strongly-worded statement commemorating ABS-CBN shutdown's first anniversary.
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram

Matapang na naghayag ng kanyang saloobin sa Instagram ang aktres na si Angelica Panganiban kaugnay ng unang anibersaryo mula nang magpaalam sa free TV ang ABS-CBN Corporation at lahat ng regional affiliates nito.

May 5, 2020, eksaktong alas-7:52 ng gabi, naging black ang TV monitors ng mga kabayahang nakatutok sa ABS-CBN.

Bunsod ito ng Cease and Desist Order (CDO) na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos mapaso ang kanilang prangkisa.

Pati ang radio operations ay kasabay ring namaalam sa ere.

Sa post ni Angelica, sinabi nitong “binusalan” at “pinatayan” ng kabuhayan ang mga taong nagtatrabaho sa istasyon dahil sa pamamaalam sa ere ng network.

Nasa mahigit 11,000 ang talents at empleyado ng ABS-CBN noong ito ay nagsara.

Buong post ni Angelica: “Isang taon na. Binusalan at pinatayan ng kabuhayan. Hindi kami makakalimot.”

FIRST ANNIVERSARY

Dahil sa anibersaryo ng pamamaalam ng network sa free TV, naging trending topic sa Twitter ang #IbalikAngABSCBN.

Continue reading below ↓

Ibalik Ang ABSCBN trends on Twitter

Inilabas din ng ABS-CBN ngayong araw ang artcard na may nakasulat na: “ANDITO KAMI PARA SA ‘YO”

May kulay itong pula, berde, at bughaw: ang mga kulay ng logo ng ABS-CBN.

Ibinahagi naman ito ng ilang Kapamilya stars sa Instagram:

Melai Cantiveros

Regine Velasquez

Ogie Alcasid

View this post on Instagram

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)

Angeline Quinto

Kahit hindi na Kapamilya, malaki naman ang utang na loob ni Pokwang sa network.

Continue reading below ↓

Ito kasi ang naghubog sa kanyang talento mula noon.

Mensahe niya sa kanyang post sa Instagram, "Maraming salamat @abscbn saan man ako mapunta, saan man ang tahakin ng aking panibagong yugto bilang artista, bukod sa Dios habang buhay kong ipagpapasalamat sa iyo ang anumang meron ako at ang malaking pagbabago sa buhay ko at ng pamilya ko #isangTaonnaABSCBNShutdown"

View this post on Instagram

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Sa ngayon, mapapanood ang ilang programa ng ABS-CBN sa A2Z Channel 11, TV5, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV, iflix, at TFC.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban posts on Instagram a short but strongly-worded statement commemorating ABS-CBN shutdown's first anniversary.
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results