Anne Curtis, Kim Chiu, Julia Montes commemorate ABS-CBN shutdown first anniversary

by Arniel C. Serato
May 6, 2021
Kapamilya stars (left to right) Anne Curtis, Kim Chiu, and Julia Montes share on social media their sentiments a year after ABS-CBN went off the air.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Hindi pa rin nalilimutan ng ilang Kapamilya stars ang biglaang pamamaalam sa ere ng ABS-CBN Corporation noong May 5, 2020.

Makalipas ang isang taon, ginunita ng ilan sa mga artista ng network ang masakit na pangyayaring kanilang naranasan noong nagpaalam ang ABS-CBN sa free TV.

Sa kanilang social media accounts kagabi, May 5, 2021, nagbahagi ang ilang Kapamilya stars ng kanilang pananaw ukol sa pinagdaanan ng network na kinabibilangan.

ANNE CURTIS

Saad ni Anne Curtis sa Twitter, “It’s been a year since we were all left in disbelief.

“Maraming Salamat sa mga loyal Kapamilya who continue to support ABSCBN na patuloy gumagawa ng paraan para makapaglingkod, makapamahagi ng impormasyon, balita at makapagbigay saya sa pamilyang Pilipino saan mang parte ng mundo.”

Continue reading below ↓

KIM CHIU

Emosyunal pa rin si Kim Chiu sa pag-alala sa pangyayari.

Hindi raw niya inaasahan sa buong buhay niyang magsasara ang ABS-CBN.

Pero nagpasalamat naman siya na makalipas ang isang taon, nananatiling nakatayo ang network na kanyang pinaglilingkuran.

Saad ni Kim sa Instagram (published as is), “May 5. Isang pangyayari na buong buhay ko hindi ko inaasahan na darating ang araw na yun. Masakit. Malungkot, Nakakapanghina, Nakakaiyak, Hindi kapanipaniwala.

“Isang taon ang nakalipas.., MARAMING SALAMAT MGA KAPAMILYA AT HINDI NYO KAMI INIWAN!

“MARAMING SALAMAT SA PAGMAMAHAL AT SUPPORTA ninyo sa ating tahanan.

“Nawala man sandali hahanap ng paraan upang kayo ay paglingkuran, magbibigay ng saya, inspiration at ligaya sa bawat tahanan na nagpapatuloy sa amin.”

Nagpasalamat din siya sa mga namumuno ng istasyon na sina Mark Lopez (Chairman), Carlo Katigbak (CEO), at Cory Vidanes (COO for Broadcast) sa hindi nila pagtalikod sa kanilang mga nasasakupan.

Dagdag pa ni Kim, “MARAMING SALAMAT to our ABSCBN leaders Sir MarkLopez Sir @clk117 Tita @cvvidanes for standing up for all of us Kapamilyas #Kapamilyaforever"

Continue reading below ↓

Pati sa kanyang Twitter account, naglabas din ng kanyang hinaing si Kim ukol sa isyu.

Aniya, “A year ago today!

“Hearts are broken. So many questions, allegations have been answered yet.... still...........

"woke up today with a heavy heart, thinking of what the future is for us?

“Living like this. Afraid, scared, worried.”

Continue reading below ↓

JULIA MONTES

May maiksi namang post ang aktres na si Julia Montes sa Instagram.

Sabi nito, “Isang taon .. Lord alam namin di mo kame pinababayaan.”

7:52 ng gabi noong May 5, 2020 eksaktong nagpaalam sa ere ang ABS-CBN.

Kasunod ito ng inilabas na Cease and Desist Order (CDO) ng National Telecommunications Commission (NTC) upang itigil ng network ang lahat ng uri ng kanilang broadcast operations.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya stars (left to right) Anne Curtis, Kim Chiu, and Julia Montes share on social media their sentiments a year after ABS-CBN went off the air.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results