Pinoy-Norwegian chef calls Pinoy food “very bad food” on TV; issues public apology

by Bernie V. Franco
May 7, 2021
Filipino-Norwegian celebrity chef Jonathan Romano gains notoriety online after he describes Filipino food as "very bad food."
PHOTO/S: Photo grabbed from 4-stjerners middag (discovery+)

Ang “darlig mat” ay salitang Norwegian na ang ibig sabihin ay "bad food."

Ganito inilarawan ng isang Filipino-Norwegian chef ang pagkaing Pinoy.

Bukod dito, ikinumpara rin niya ang Pinoy dishes sa Thai food.

Sa Norwegian TV program na 4-stjerners middag (4-star dinner), isa sa mga guests ay ang Filipino-Norwegian chef na si Jonathan Romano.

Ayon sa isang comment, ang 4-stjerners middag ay weekly program na nagtatampok ng apat na celebrities, at magluluto ang bawat isa ng dishes na ipapatikim sa mga kasamahan.

Umere ang episode noong April 29, 2021.

Si Romano ay isang sushi chef, restaurateur, at judge sa MasterChef Norway.

Jonathan Romano in 4-stjerners middag

Continue reading below ↓

Nasa Norwegian language ang episode ng TV program.

Nilagyan ng English translation ang clip kung saan tinanong ng isang Norwegian celebrity si Romano na ilarawan ang “Philippine traditional food.”

Ganito ang translation ng sagot ni Romano: “It’s very bad food.

“In the eyes of a chef, there is no food art in my eyes, unfortunately.”

Pagpapatuloy ng panlalait niya, “Lots of deep-fried, lots of fried-to-death stuff like casserole dishes.

“If you can put it that way, they do not have the same taste composition as Thai food.

“Filipino food is more on the sour side.”

Jonathan Romano calls Filipino Food very bad

Continue reading below ↓

Ang clip na ito ay ipinost sa NordicPinoy Facebook page, na nagtatampok ng Filipino life sa Nordic countries na kinabibilangan ng Norway, Iceland, Denmark, at Sweden.

Sa comments section, bakas ang galit ng mga Pilipino sa mga pahayag ni Romano.

May mga naghamon sa kanya na magtagisan sila pagdating sa lutong Pilipino.

Kapansin-pansin ding may post tungkol ang Philippine Embassy in Norway Facebook page noong May 1, 2021.

Sa post, may patutsada ito sa pagtawag ng “darlig mat” sa pagkaing Pinoy.

Philippine Embassy in Norway official statement

Continue reading below ↓

In-update ang post at nilagyan ng pakiusap na panatilihing “respectful and constructive” ang diskusiyon kasunod ng pagdagsa ng maraming komentong tinutuligsa si Romano.

ROMANO ISSUES PUBLIC APOLOGY

Kasunod nito, naglabas ng public apology si Romano sa Filipino community na nainsulto sa kanyang pahayag.

“I apologize for the words that came out on my TV appearance lately. Everything came out of context and I am so sorry.”

Tila may pagbawi pa si Romano sa kanyang naging pahayag sa program.

Aniya, “I am an educated chef with long experience and was just giving my subjective opinion.

"Of course, I like Filipino food and would not badmouth without backing it up.

“I am born in the Philippines in Manila and pay my visit there over 30 times and of course, I love my country.

"However, I will admit that my mother can’t cook.

“For all of you who know me and support me as well, please forgive my statement.

Continue reading below ↓

“And for the rest of you badmouthing me, I am so sorry!

“I am going to enjoy adobo and halo-halo today and reflect this incident. Bayang magiliw.”

Jonathan Romano public apology

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino-Norwegian celebrity chef Jonathan Romano gains notoriety online after he describes Filipino food as "very bad food."
PHOTO/S: Photo grabbed from 4-stjerners middag (discovery+)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results