Aubrey Miles, Troy Montero plan to get married after 17 years of being together

by Rachelle Siazon
May 8, 2021
Aubrey Miles reveals she and Troy Montero were supposed to get married April of 2020, but they had to cancel their booked hotel and flight reservations due to COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: @troymontero Instagram

Inamin ni Aubrey Miles, 43, na handa na silang magpakasal ng longtime partner na si Troy Montero, 49.

Taong 2019 nang kaswal daw na mapag-usapan nila ang pag-iisang dibdib.

Kuwento ni Aubrey, "Easy lang. 'You know what? It's time na,' ako talaga nagsabi. Sabi niya, 'Oo nga, 'no?'

"Parang casual lang. 'Sige, let's do it in this place na malayo."

Plinano na raw nila agad ang wedding venue para sa intimate wedding na nakatakda sanang ganapin sa Batanes noong April 2020.

Sabi ni Aubrey, "Tapos nagpa-book na kami. Yun yung hotel na binook namin, parang 13 or 15 rooms lang. Nag-iisa lang siya na hotel...

"'Tapos ang plano ko talaga nine people, 'tapos April yun.

"'Tapos March, pandemic na. Sabi namin, 'Baka two months lang yan.'"

POSTPONED WEDDING

Umasa pa raw sina Aubrey at Troy na matatapos din agad ang pandemya, kaya pina-postpone nila ang kanilang kasal ng tatlong buwan.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Aubrey, "'Let's move it ng July.' Actually, lalabas ito sa YouTube namin. Hindi pa namin na-shoot kasi hindi namin alam paano isi-share.

"'Tapos nag-move kami ng July, 'tapos hindi na natuloy.

"Na-move nang na-move nang na-move. Kinuha na namin lahat sa airlines, nabayaran na. Ni-refund naman kami pati yung hotel."

Hindi naman nabanggit ni Aubrey kung sa Batanes pa rin nila gustong maikasal, o nagbago na ang kanilang plano ngayong hindi pa rin tapos ang pandemya.

Ikinuwento ito ni Aubrey nang mag-guest siya sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, noong May 5.

HOW AUBREY AND TROY MET

Sa January 2017 episode ng Magandang Buhay, naikuwento rin nina Aubrey at Troy kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Celebrity guest daw si Troy sa talk show ni Kris na Good Morning, Kris nang mabanggit ni Troy na na interesado siyang makilala si Aubrey.

Habang commercial break ay tinawagan daw ni Kris si Aubrey para magpaalam kung pwedeng ibigay ang mobile number nito kay Troy. Pumayag naman daw si Aubrey.

Continue reading below ↓

Eksakto namang nasa ABS-CBN compound din si Aubrey noong araw na iyon dahil co-host siya noon sa defunct noontime show na Masayang Tanghali Bayan.

Pagkatapos ng Good Morning, Kris, dumiskarte na agad si Troy at dumaan sa dressing room ni Aubrey para magpa-picture dito.

Natatawang kuwento pa ni Aubrey, pinaghintay raw niya si Troy dahil hindi pa raw siya tapos maglagay ng kilay noon.

Doon na raw nagsimula ang komunikasyon nilang dalawa.

Nanligaw raw si Troy kay Aubrey ng apat na buwan.

Ngayon ay may dalawa na silang mga anak—sina Hunter, 12, at Rocket, 2.

Si Maurice, 20, ay anak ni Aubrey sa dating karelasayon na si JP Obligacion.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aubrey Miles reveals she and Troy Montero were supposed to get married April of 2020, but they had to cancel their booked hotel and flight reservations due to COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: @troymontero Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results