Markus Paterson posts sweet messages for Janella Salvador and her mom Jenine Desiderio on Mother's Day

by James Patrick Anarcon
May 9, 2021
Markus Paterson to Janella Salvador on Mother's Day: "Jude doesn’t know how loved he is by you, and you don’t know how much you are loved by me.”
PHOTO/S: @superjanella / @markus on Instagram

Isang sweet na mensahe ang ipinost ni Markus Paterson para sa girlfriend nitong si Janella Salvador ngayong Mother’s Day, May 9, 2021.

Ito ang unang pagkakataon na magdiriwang si Janella ng Mother’s Day pagkatapos ipinanganak ang anak nilang si Jude noong October 2020.

Sa Instagram, nag-post si Markus ng isang video kung saan makikitang paulit-ulit na hinahalikan ni Janella si Jude.

Saad ni Markus sa caption, “My love, it’s been an honour watching you grow into the amazing mother you are now. Jude doesn’t know how loved he is by you, and you don’t know how much you are loved by me.”

Continue reading below ↓

Nagbigay rin ng pagbati si Markus sa ina ni Janella na si Jenine Desiderio.

Tinawag ni Markus na "Mama" si Jenine sa post at saka nito ibinahagi ang kanyang mensahe.

Saad ni Markus, "thank you for bringing the love of my life into this world, and continuing to be the loving mother of not just her and Russel, but now me too."

MARKUS’s GIFT TO JANELLA

Ibinahagi naman ni Janella sa kanyang Instagram followers ang dalawang stems ng red rose at isang sweet note na bigay ni Markus sa kanya.

Caption lang ni Janella dito ay isang heart emoji.

Mababasa naman sa note ni Markus: “Happy Mother’s Day, love of my life.

“You deserve the world and my goal is to give it to you.”

Continue reading below ↓

September 2020 nang pumutok ang balitang buntis si Janella at si Markus ang ama.

Noong panahong iyon ay nag-stay si Janella sa United Kingdom, kung saan nakatira ang pamilya ni Markus.

October 2020 nang ipinanganak ni Janella si Jude, pero nitong January 2021 lang nila isinapubliko ang kanilang anak sa pamamagitan ng isang YouTube vlog.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markus Paterson to Janella Salvador on Mother's Day: "Jude doesn’t know how loved he is by you, and you don’t know how much you are loved by me.”
PHOTO/S: @superjanella / @markus on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results