BidaMan finalist Jervy delos Reyes explains what drove him to engage in online sex

by Jerry Olea
May 10, 2021
jervy delos reyes bidaman
Jervy delos Reyes on engaging in indecent video calls: “Parang isa po siya sa naging way para mas mahanap ko yung sarili ko. Kasi dati po, sobrang natatakot po ako sa judgment... Parang... sobrang ang dami kong weakness dati, na ngayon, yung weakness ko na ‘yon, nagagamit ko na siya as strength.”
PHOTO/S: Instagram / Twitter

Ipinaliwanag ng BidaMan finalist na si Jervy delos Reyes sa vlog interview ni Ogie Diaz kung bakit sumabak siya sa pagiging online sex worker umpisa noong Abril 28, Miyerkules.

Sambit ni Jervy, na nag-birthday noong Abril 17, “Siguro po, para sa akin, feeling ko, nagawa ko dahil sa pinagdadaanan ko po talaga.”

Ipinaliwanag rin ni Jervy sa vlog na na-publish noong Mayo 6, Huwebes, sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon.

Pahayag niya, “Ngayon po kasi, I’m living alone po. Independently po. Ahhh, mas pinili ko po kasing lumayo sa family ko ngayon.

“Kasi, since yun nga po, parang... yun nga po, may depression nga po ako.

“So, parang... gusto kong matuto sa sarili ko. Kasi, sa totoo lang po, umaasa po ako palagi sa mama ko dati.

“Sa pera, financially, sa pagkain. Para sa akin po, ano na ako, e, 22 years old na ako, e.

Continue reading below ↓

“So, parang yun na po ang naging fuel ko para magawa yung bagay talaga.”

MENTAL HEALTH ISSUE

Dahil sa kanyang mental issue, iyon ang naging coping mechanism niya? Iyon ang naging paraan para mabawasan ang kanyang depression?

“Yes po! Yes po!” mabilis na pagtango ni Jervy.

“Parang isa po siya sa naging way para mas mahanap ko yung sarili ko.

“Kasi dati po, sobrang natatakot po ako sa judgment. Sobrang natatakot po ako sa sasabihin ng ibang tao. Sobrang natatakot po ako sa sarili ko.

“Parang... sobrang ang dami kong weakness dati, na ngayon, yung weakness ko na ‘yon, nagagamit ko na siya as strength.”

Nakakahugot ba siya ng lakas sa ginagawa niyang pagbebenta ng private videos?

“Sa ngayon po, oo. Kasi, parang nate-train ko po yung sarili ko sa sobrang dami po ng namba-bash sa akin ngayon, as in andaming masasakit na salita.

“Pero ngayon po, parang... nama-manage ko. Nakokontrol ko yung emotions ko ngayon, na hindi dapat magpaapekto dahil mas kilala mo ang sarili mo. Iyon po.”

Continue reading below ↓

Ang "BidaMan" ay isang segment sa Kapamilya noontime show na It's Showtime, noong 2019, para sa mga aspiring actor na nagnanais pumasok sa showbiz. Ang itinanghal na winner ay si Jin Macapagal.

HIS FAMILY'S REACTION

Wala raw sinabi ang mga taga-It’s Showtime nang malaman na sumabak siya sa ganitong trabaho, pero unang-unang nagalit sa kanya ay ang kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

Malungkot na pag-amin ni Jervy, "Ang pinakanag-react po talaga is yung parents ko po.

“Nag-usap po kami sa personal, especially po yung mama ko. Nag-usap po kami sa personal.

“Noong una po, medyo hindi po maganda yung napag-usapan namin pero... noong tumagal-tagal po, mas naintindihan na po namin yung isa’t isa.

“Pero ang prinomise ko lang po sa kanila, titigil ako.”

So, isang buwan lang ang pagbebenta niya ng private videos?

“Yes po,” sabi ni Jervy.

Nainterbyu ni Ogie si Jervy in person noong Mayo 4, Martes ng 6:00 p.m.

Noong araw na iyon ay 302 na ang subscribers ni Jervy sa kanyang premium account, kung saan P1,500 ang subscription fee ng bawat member.

Suma total, mahigit P450K ang kinita ni Jervy sa loob ng isang linggo. Kapagkuwan ay nagbigay si Jervy ng 30 percent discount sa bagong members.

As of May 9, Sunday, ini-reveal ni Jervy sa Twitter na umabot na sa 399 ang subscribers sa premium account niya.

Continue reading below ↓

DID A TIKTOK INFLUENCER INFLUENCE JERVY?

Naunang magbenta ng vidjakols ang kaibigan ni Jervy na si Lloyd Agustin, na kilala bilang TikTok influencer.

Abril 20 nag-umpisa si Lloyd bilang online sex worker, ahead ng one week kay Jervy. Ginaya ni Jervy ang pag-iimbita ni Lloyd ng subscribers via Twitter.

Nainggit ba si Jervy kay Lloyd kaya sinundan nito ang kanyang mga yapak?

“Hindi naman nainggit!” natatawang pakli ni Lloyd sa PEP.ph (Philippine Entertainment nitong Mayo 9, Linggo ng madaling-araw, via Zoom.

“Pinost ko yung kinita ko nung first day. Nakita ni Jervy yun. Kami kasi ni Jervy, magkakilala na kami talaga before.

“Kasi, may naging fling siya na kaibigan ko. So, nagkakasama kami sa mga inuman dati.

“Tapos, nag-chat lang siya out of nowhere kung paano daw ba ‘yon, ganyan, kung pwede ko daw ba siyang tulungan, ganyan.

“Tapos, ayun... napag-usapan nang napag-usapan. Tapos, pumunta siya dito. And then, ayun, pinag-usapan namin.

Continue reading below ↓

“Siyempre, I had to... you know, ask him din kung alam ba niya talaga yung pinapasok niya.

“Kasi siyempre, parang... feeling ko, kapag na-bash siya, baka madamay ako.

“Kasi, baka isipin ng mga tao, ako yung nag-B.I. [Bad Influence] sa kanya. Pero hindi naman. Ayun.

“So far, oks naman siya.”

PREMIUM SUBSCRIBERS

Mas malaki na yata ang kinita ni Jervy kesa sa kanya? Mas marami na ang subscribers ni Jervy kahit ahead nang one week si Lloyd sa ganitong trabaho? Nainggit ba siya kay Jervy?

“Hindi. Siyempre, ano, sobrang friends kami niyan. Actually, ahh... sobrang support lang kami sa isa’t isa.

“Pero yung totoo, mas marami akong subscribers. Mas malaki ang kinita ko! Ha! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak ni Lloyd.

“Sobrang nakatuwa! Parang... solid kami ni Jervy talaga. Like, alam namin yung... alam mo yun, alam namin yung password ng isa’t isa.

“Tapos, nakikita namin yung content ng isa’t isa. Siyempre, tapos... ano, yung mga kinikita namin, alam namin kung magkano.

Continue reading below ↓

“Pero alam mo yun, walang signs of inggitan. Walang signs of, you know, fear. Sobrang grabe yung trust namin sa isa’t isa. Kaya ayun, solid.”

SEXUAL OBJECTIFICATION

Hinihingian ba ni Lloyd ng advice si Jervy kaugnay sa mga ipo-post niyang video? Inuusisa ba niya si Jervy kung maganda ang contents niya, kung dapat o hindi dapat i-upload?

“Hindi. Wala. Wala akong hinihingian ng advice, sa akin, sa videos ko na pino-post,” kaswal na tugon ng 23-anyos na si Lloyd.

Naramdaman ba niya na ang tingin ngayon sa kanya ng iba ay sex object? Na-objectify siya?

Natigilan muna si Lloyd bago sumagot, “Ahhmm, yung pag-o-objectify sa akin, OK lang kung nagbayad ka bilang subscriber.

“Pero kung hindi, maiinis ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Kung subscriber ka, OK lang, because you paid for it.”

Kumusta ang messages sa kanya ng subscribers? Nakakatanggap ba siya ng bastos o malaswang mensahe?

“Actually, nakakatuwa. Kasi, so far, ang subscribers ko ngayon ay 600. So far, actually, respectful sila.

Continue reading below ↓

“May messages na nagtatanong kung nakikipag-meet din daw ba ako. Pero yun nga, tulad sa business ko sa piercing, pause muna sa pakikipag-meet sa mga tao.

“Kasi nga, nakakatakot lumabas. So, ang isinasagot ko lang muna sa mga ganoong tanong is... ahh, not at this time.

“Siguro, pag wala nang pandemic, I might consider. Pero ngayon talaga, hindi.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jervy delos Reyes on engaging in indecent video calls: “Parang isa po siya sa naging way para mas mahanap ko yung sarili ko. Kasi dati po, sobrang natatakot po ako sa judgment... Parang... sobrang ang dami kong weakness dati, na ngayon, yung weakness ko na ‘yon, nagagamit ko na siya as strength.”
PHOTO/S: Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results