Are Jane Oineza and RK Bagatsing in a relationship?

by Rachelle Siazon
May 10, 2021
Jane Oineza describes rumored boyfriend RK Bagatsing as her "source of happiness."
PHOTO/S: @janeoineza / @bagatsingrk Instagram

May espesyal na ugnayan ba sina Jane Oineza at RK Bagatsing?

Ito ang tanong ng netizens matapos maghayag ng sweet message ni Jane para sa ika-33 kaarawan ni RK.

Sabi sa caption ng aktres, "To this amazing person, my source of happiness... Happy Birthday."

Ipinost ito ni Jane sa kanyang Instagram noong Linggo ng hapon, May 9.

IG Photo: Jane Oineza birthday greeting to RK Bagatsing

Continue reading below ↓

Kalakip nito ang litrato nila ni RK na tila magka-date sa isang hindi pinangalanang café restaurant na napapaligiran ng mayayabong na puno.

Nakangiting nakatitig sila sa isa't isa habang magkaharap na nakaupo sa isang maliit na dining table.

Pareho silang nakasuot ng jacket at sneakers.

Sa comments section, simpleng reaksiyon ni RK, "Kinilig ako."

IG Comment: RK Bagatsing kilig over Jane Oineza greeting

Continue reading below ↓

CELEBRITY REACTIONS

Ito ang unang pagkakataong nagpahiwatig si Jane kung gaano kaespesyal sa kanya si RK.

Kaya hindi maiwasang tuksuhin sina RK at Jane dahil sa mahihinuhang pag-iibigan ng dalawa.

Una na rito ang direktor na si Antoinette "Tonet" Jadaone.

"Ayan naaaaa," tila kinikilig na hirit ni Direk Tonet.

IG Comment: Tonet Jadaone reacts to Jane Oineza sweet post

Sabi rin ni Ynna Asistio, "Ayun!!!"

Continue reading below ↓

IG Comment: Ynna Asistio reacts to Jane Oineza post

Nag-iwan din ng heart emojis ang mga kaibigan ni RK na sina Joseph Marco at Jake Cuenca.

IG Comment: Joseph Marco reacts to Jane Oineza post

Continue reading below ↓

IG Comment: Jake Cuenca reacts to Jane Oineza post

SIMILAR VACATION PHOTOS?

Noong Pebrero, naging usap-usapan kung may ugnayan sina Jane at RK dahil napuna ng netizens na sabay silang nag-post sa Instagram ng kani-kanilang solo pictures sa isang floating cottage sa parehong resort sa Laguna.

Jane Oineza and RK Bagatsing vacation photos

Continue reading below ↓

Madami sa kanilang followers ang naniniwalang magkasamang nagbakasyon ang dalawa.

Jane Oineza and RK Bagatsing Laguna vacation photos

Noong Marso 14, nag-post si RK ng TikTok video kunsaan magkasama sila ni Jane na sumasayaw.

Simple at nakasuot ng mahabang shirt si Jane, habang si RK ay nakasuot ng shirt at shorts.

Jane Oineza and RK Bagatsing tiktok

Continue reading below ↓

Malinaw na nagkita uli ang mga ito kahit wala silang ginagawang proyekto sa kasalukuyan.

Dating nagkatambal sina Jane at RK sa romantic-drama film na Us Again (2020), sa Kapamilya teleserye na Araw Gabi (2018), at sa TV5 romantic-comedy series na I Got You.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane Oineza describes rumored boyfriend RK Bagatsing as her "source of happiness."
PHOTO/S: @janeoineza / @bagatsingrk Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results