Is Donnalyn Bartolome alluding to Marco Gumabao, Super Tekla on post about cheating in P1M pool challenge?

by Bernie V. Franco
May 11, 2021
Donnalyn Bartolome (center) takes to social media to take a swipe at Marco Gumabao (left) and Super Tekla (right) who participated in her recent YouTube vlog about a P1-million challenge that did not end well.
PHOTO/S: Photos from Instagram

Hindi nga ba sport ang ibang artistang kalahok o sadyang malabo lang ang rules ng game?

Ito ang pinag-uusapan ngayon ng netizens kaugnay ng nakaiintrigang post ni Donnalyn Bartolome tungkol sa pag-delete niya ng YouTube video na kinatatampukan ng iba pang artista at influencers.

Lumalabas na nagkaroon ng pikunan sa pagitan nina Marco Gumabao, Super Tekla, at Donnalyn.

Sa kanyang video content, may ginawang challenge si Donnalyn kung saan kalahok ang ilang celebrities. Ang mananalo ay makakakuha ng P1 million cash prize.

Pero hindi naging maganda ang kinalabasan ng challenge at nagkaroon umano ng pikunan sa ibang kalahok, kaya’t nagdesisyon si Donnalyn na i-delete na lamang ang video.

Donnalyn Bartolome 1M Pool Challenge

Continue reading below ↓

DONNALYN’S CRYPTIC POST

Halatang may pinatatatamaan si Donnalyn sa kanyang Facebook post nitong Lunes ng gabi, Mayo 10.

Malinaw na tungkol ito sa P1 million cash prize sa ginawang challenge ng singer-actress na sinalihan ng mga kaibigang artista-YouTubers, gaya nina Marco, Super Tekla, Donita Nose, Asian Cutie, at Mika Salamanca.

Post ni Donnalyn (published as is): “Deleted na yung vlog okay na tayo? 1M yunn. 1M.

“1 Million pesos galing saakin mismo yung pera na yun.

“Tingin niyo madali lang ibibigay ang 1M?

“Malamang may ahas at crocodile dun kaya mas okay magsialisan na lahat sa pool, nangangagat talaga yung mga buhaya na yun.

“Kaya nga tayo may waiver at medic kasi unsafe.

“Kaya ko doblehin yang 1M na yan making content with you guys, kikitain natin yan kahit di kayo manalo so sana walang pikunan. [heartbreak emoji]

"Sayang friendship grabe.."

Sa sumunod niyang komento ay tila nagpatutsada si Donnalyn tungkol sa pagkuwestiyon sa pagdagdag ng game rules at pandaraya.

Continue reading below ↓

Aniya, “LAST TO LEAVE THE POOL WINS 1 MILLION PESOS tapos kailangan bawal new rules?

“Pwede umakyat sa railing for like 30 seconds and still be in the game? Come on.”

Donnalyn Bartolome cryptic facebook post

Sa comments section ay may patutsada pa si Donnalyn.

Komento niya: “Magtanim nalang tayo ng puno kesa magtanim ng galit.”

Continue reading below ↓

THE CONTROVERSIAL YOUTUBE VIDEO

Dahil burado na ang video, hindi tiyak kung kailan eksakto ito na-upload. Pero may mga netizens na nakapanood at ikinuwento ang mga mahahalagang insidente sa controversial video.

Ang challenge ni Donnalyn para sa kanyang YouTube Channel ay pinamagatang “LAST TO LEAVE THE POOL WINS 1 MILLION PESOS.”

Sa titulo pa lang ay malinaw na ang mechanics: patagalan sa mga kalahok sa pool at kung sino ang matira sa pool ang siyang mananalo ng P1 million.

Pero habang tumatakbo ang oras at walang umaalis, nadagdagan ang rules para maging mas challenging sa mga kalahok.

Pinapirma rin ng waiver ang mga kalahok dahil sa mga nakaambang panganib, pero may mga medic na nakaabang.

Iba’t ibang insekto at hayop ang mga inilalagay sa tubig sa pool, gaya ng palaka, ipis, ahas, at maliliit na crocodiles.

Kabilang sa mga unang na-out ay sina Donita, Mika, at Asian Cutie.

Sa isang insidente, bumitin umano si Marco sa railing ng pool at umangat ang paa mula sa tubig.

Continue reading below ↓

Nakita ito ni Donnalyn at sinabi nitong tanggal na si Marco.

Pero nangatuwiran si Marco na nasa swimming pool pa siya at hindi pa siya umaalis ng pool.

Kasunod nito, nagdagdag ng rule si Donnalyn na walang aangat sa tubig at naglagay rin ng marker ang kanyang staff na walang lalampas sa floaties sa pool.

Dahil may lumapit na crocodile kay Super Tekla, napaurong ito at lumampas sa minarkahang floatie.

At sinabihan siya ni Donnalyn na out na rin ang komedyante. Pero hindi ito tinanggap ni Super Tekla.

Ayon sa mga nakapanood, mayroong diskusyon sa pagitan nina Marco, Super Tekla, at Donnalyn tungkol sa challenge.

Bagamat wala namang sigawan, may netizens na nagkomentong ramdam na may napipikon sa kanila.

Ang sumunod na eksena, umahon umano sa swimming pool sina Marco at Super Tekla, nagbihis at umalis kahit hindi pa tapos ang challenge.

Ang inakala pa raw ni Donnalyn ay na-prank siya ng dalawa.

Continue reading below ↓

NETIZENS REACT

Dahil hindi na mapapanood, maraming netizens ang humingi ng detalye sa mga nakapanood.

Nagkuwento naman ang mga nakapanood at base sa deskripsiyon, naibahagi nila ang mga mahahalagang detalye.

Netizen sides Donnalyn Bartolome

May mga kumampi kay Donnalyn at pinuna sina Marco at Super Tekla sa kanilang inasal.

Pero may ilan ding kumastigo kay Donnalyn at pinuna na dapat sa simula pa lang ay nilinaw na niya ang rules, gaya ng ipinunto nina Marco at Super Tekla.

Continue reading below ↓

Netizen calls out confusing 1M Pool Challenge instruction

Samantala, wala pang posts sina Marco at Super Tekla kaugnay ng isyu.

Mananatiling bukas ang ang PEP.ph sa panig ng mga taong sangkot sa kontrobersiyang ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donnalyn Bartolome (center) takes to social media to take a swipe at Marco Gumabao (left) and Super Tekla (right) who participated in her recent YouTube vlog about a P1-million challenge that did not end well.
PHOTO/S: Photos from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results