TikTok influencer Lloyd Agustin opens up about entering the world of online sex

by Jerry Olea
May 12, 2021
Lloyd Agustin on engaging into online sex: "It’s my body, and it’s my choice, so as long as nagpapasok ng pera, and wala tayong naha-harm na ibang tao, I don’t think may dapat silang ikagalit."
PHOTO/S: Instagram / Twitter

Dalawang linggo bago sumapit ang ika-23 kaarawan niya noong Enero 28, 2021 pinagplanuhan ng TikTok influencer na si Lloyd Agustin na magbenta ng private videos online.

“Sobrang grabe yung desire ko na maging successful, maging financially stable. Yumaman, in short,” pag-amin ni Lloyd nitong Mayo 9, Linggo ng madaling-araw, via Zoom.

“So, during the pandemic, sobrang hindi ako nauubusan ng time para mag-isip at mag-isip ng ideas kung paano mag-generate ng profit, kung paano magpasok ng pera.

“Kasi, ang hirap, e. Di ba, ang hirap ngayong pandemic? Hindi ka naman makapag-apply sa corporate world.

“Ang hirap, di ba? Basta, ang hirap. So, I had to keep on thinking kung paano ako magdye-generate ng money.

“And then, back in January, isa sa mga naisip ko is... why not yung sex work, di ba?

“And then, noong iniisip ko kung ano yung pros and cons, and kung ano ba yung mga bagay na nagho-hold back sa akin, bakit hindi ko magawa-gawa.

Continue reading below ↓

“So, January pa lang, pinag-iisipan ko ko na siya, pinagpaplanuhan ko na kung ano yung gagawin ko.”

Alam ni Lloyd na sobrang dami ng gumagawa ng sex work sa iba’t ibang online platform.

“Sa Twitter pa lang, sobrang dami na ng may premium, may private account, tapos nagpapabayad,” saad ni Lloyd.

“So, sabi ko sa sarili ko, kung gusto kong pasukin itong industry na ito, and kung gusto kong maging successful, I had to think of something that would set me apart.

“Kailangan kong umisip ng paraan para sa akin sila mapunta, parang ganun. Para tangkilikin nila yung content ko, kahit sobrang dami na.

“Kasi, di ba, sabi ko, ‘Kung ipu-push ko yung sex work na ito, ano yung assurance ko na kikita talaga ako, e, sobrang dami nang gumagawa?’

“Di ba? Kahit yung mga sikat nga, ginagawa na nila, di ba? So ayun, ang ginawa ko, January pa lang, parang nagsu-shoot na ako.

Continue reading below ↓

“Parang... sobrang dami ko nang na-shoot na content from January to April. Random lang. Tapos, by April 20, ayun na... ni-launch ko yung premium account.

“Made out na yung mga ipo-post ko. Naka-ready na siya, ipo-post ko na lang.”

Tiktok Influencer lloyd agustin

HIS FAMILY'S REACTION TO HIS EXPLETIVE CONTENT

Pangalawa si Lloyd sa apat na magkakapatid. Ang ate niya ay bumukod na ng tirahan at may sariling pamilya.

Continue reading below ↓

Bale lima silang magkakasamang nakatira sa Sta. Mesa, Manila—ang kanyang parents, at tatlo silang magkakapatid.

Malapit-lapit ang bahay nila sa PUP Sta. Mesa, kung saan graduating student siya sa kursong Marketing Management.

Nagpaalam ba si Lloyd sa kanyang pamilya na mabebenta siya ng private videos online, kung saan nakabilad ang kanyang kahubdan at pinapaligaya ang sarili hanggang marating ang sukdulan?

“Hindi. Kasi, feeling ko, ako ay nasa tamang edad naman—I’m 23— to make my own decisions, and frankly, ever since I was 16, yung sarili kong desisyon na rin naman ang sinusunod ko talaga,” matatas na pahayag ni Lloyd.

“So, nasanay na din kami talaga na ganoon. Na nag-a-adjust na lang kami sa isa’t isa, pero hindi na talaga yung to the point na nagpapaalam pa ako, ganun.

“Medyo liberated na rin naman yung parents ko. Pero noong time na ni-launch ko siya and nakita nila yung mga nam-bash sa akin... Nakita nila yung mga nag-repost ng content ko, siyempre, pinaalam ko.

Continue reading below ↓

“Pero like... hindi siya paalam. Kumbaga, ipinaalam ko lang sa kanila.”

Ano ang reaksiyon nila?

“Noong una, siyempre nagalit. Ganun naman talaga. Ba’t daw ginagawa ko? Ayun, in-explain ko lang na as long wala naman akong tinatapakang tao, hindi naman ako nagnanakaw, hindi naman ako nagbebenta ng drugs.

“In short, wala namang masama, di ba? It’s my body, and it’s my choice, so as long as nagpapasok ng pera, and wala tayong naha-harm na ibang tao, I don’t think may dapat silang ikagalit.

“And then, noong gabi... kasi, ‘yon, medyo mabigat yung ambiance dito noong nalaman nila, especially sa father ko.

“Kasi, parang may mga words na nabitawan na parang kahihiyan sa family, ganyan.

“So, noong gabi, sinabi ko na lang sa kanila na, ‘If you think na kahihiyan sa family yung ginagawa ko, I would understand kung mas gugustuhin ninyo na hindi na ma-associate sa akin.

“‘Ako yung mag-a-adjust, bubukod na lang ako, walang samaan ng loob. Pwede tayong magkita-kita every once in a while, pero kung gusto ninyong dumistansiya muna tayo sa isa’t isa para hindi kayo ma-associate sa akin...’

Continue reading below ↓

“Para parang... hindi sila madamay sa mess na meron ako, e, di... ako na lang ang bubukod, ganun.

“Pero kinaumagahan naman, naging OK naman. Ayun. Nandito pa rin ako hanggang ngayon!” natawang sambit ni Lloyd.

Tanggap na nila ang pinasok niyang bagong trabaho?

“Tanggap na nila ngayon.”

Nag-share na ba siya sa pamilya ng katas ng pinagpawisan at pinagpaguran niya?

Tugon ni Lloyd, “Ever since naman, lahat naman talaga. Kasi, ayun, lahat naman din ng ginagawa ko, lagi ko namang sinasabi sa kanila yun.

“Lahat ng diskarte ko, lagi naman silang kasali sa lahat ng plano na meron ako.”

lloyd agustin

Continue reading below ↓

ANTICIPATING THE BACKLASH

Iniyakan pa ba niya ang paggawa ng private videos? Napaghandaan niya kasi mula Enero hanggang Abril.

“Exactly. Hindi na ako naiyak noong nagkaroon ng backlash, noong nagkaroon ng pamba-bash!” bulalas ni Lloyd.

“Kasi, throughout that time, from January to April, sabi ko, kailangan kong i-anticipate yung pinaka-negative na pwedeng mangyari, yung worst case scenario kapag pinush ko itong sex work na ito.

“So, lahat na yun, na-imagine ko na sa utak ko. Yung pamba-bash, na pwedeng kumalat yung content ko, may magse-send sa parents ko, may magse-send sa friends ko.

“Lahat ng worst case scenario, in-imagine ko na sa utak ko. Kaya noong nangyari yun, I was kinda of... expecting it, and prepared for it.”

Nakita na ng friends niya ang kanyang batibot videos dahil may nag-send sa kanila.

“OK lang sa kanila. And OK lang din sa akin kung hindi OK sa kanila, kung OK sa kanila.

Continue reading below ↓

“Kasi, yun nga, nung time na iniisip ko na, ‘What if may mag-send sa family ko? What if may mag-send sa friends ko?’

“Sa friends ko, kung totoong kaibigan naman ‘yan, they would understand and they would support me.

“And kung hindi nila ako susuportahan, e, di... I don’t need them in my life.”

May kaibigan ba siyang dumistansiya sa kanya matapos pumutok ang isyung ito?

“So far, wala pa. Sa lahat ng kino-consider kong totoong friends, they were all very supportive. Sobrang supportive sila, kaya ayun.”

lloyd agustin sexy photo

Continue reading below ↓

DIFFERENT RAKETS

Mula disisais (16) anyos ay kung anu-anong raket ang pinasok ni Lloyd.

“Ever since I was 16, I started sa fast food, sa BPO companies. So, halos lahat actually ng field, parang pinasok ko,” matamang salaysay ni Lloyd.

“Kasi nga, contrary to what people think—akala nila, galing ako sa mayaman na pamilya—I actually came from a very poor family.

“So, you know, I had to work at a very young age. Ahhm, bago ako nag-TikTok, naging ambassador ako ng [e-commerce platform] during the pandemic period...

“And then, before that, may mga pinuntahan akong VTR pero wala akong naging commercial. Feeling ko, hindi siya para sa akin. Kasi, hindi ako natanggap.

“Tapos, ayun… mga local photo shoots, tapos, mga IG PRs, ganun. Habang rumaraket ako, may mga time na kasabay ang pag-aaral, may mga time na hindi. Kasi, nag-stop ako.

“May time na nag-stop ako sa pagpasok sa school. Siguro, mga two years din ‘yon na na-pause ako sa school. Kasi, I was working.

Continue reading below ↓

“Tapos, bumalik ako ulit noong 2017. Kaya ngayong 2021, graduating pa lang ako. Pero supposedly, kung hindi ako nag-stop, graduate na dapat ako ng 2018.

“Meron akong piercing business, nag-start siya noong 2019 bago mag-start yung pandemic.

“Tapos, medyo natulog siya noong nag-start yung ECQ back in March last year. Tapos, nagbalik lang ako, June 2020 noong nag-transition from ECQ to GCQ. Kasi, medyo maluwang-luwang na yung quarantine protocols.

“Pero right now, hindi na muna uli ako tumatanggap ng piercing clients. Kasi, medyo tumataas na naman yung COVID cases natin. So, maybe by June ulit.”

LLOYD'S DREAM IS TO GET RICH

Akala ni Lloyd ay tatagal lang nang hanggang anim na buwan ang community quarantine o lockdown sa panahon ng pandemic.

“One of the attributes na nakuha ko, o na-gain ko throughout the ECQ period, is always, always, always thinking of something na… yung hindi ako matetengga sa bahay nang walang pumapasok na pera!” pagdidiin ni Lloyd.

Continue reading below ↓

“Kasi, ‘yon yung isa sa mga phobia ko sa buhay, pag walang pumapasok na pera. ‘Yon yung fear ko.”

Pangarap talaga ni Lloyd na yumaman.

“Lagi ko ngang sinasabi sa mama ko, OK lang na tumanda akong walang asawa, walang anak, huwag lang akong tumandang mahirap. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kasi, all throughout my childhood, my teenage life, kung anu-anong trabaho rin ang pinapasok ng parents ko.

“Tapos, dumadating din sa point na nakikikain na ako sa kapitbahay, ganun, kasi wala kaming pagkain.

“And then, alam ko, feeling ko… yung pinakamalaking contributing factor sa desire ko na yumaman is, lumaki ako sa bahay na sobrang liit.

“Tapos, gabi-gabi, nag-aaway lagi yung nanay at tatay ko kung ano ang ipambabayad sa water bill, sa rent, sa electricity bill.

“Tapos, nagkaroon lang ako ng thinking na… parang… shit, hindi ako pwedeng tumanda sa isang household na gabi-gabi akong nagwo-worry kung anong ipambabayad ko sa kuryente, sa tubig, sa susunod na buwan.

Continue reading below ↓

“Gusto ko, pagdating ko ng certain age, let’s say 25 or 30, nasa point na ako na hindi na ako nagwo-worry kung anong ipambabayad ko sa bills ko next month. Ganun ka-stable?”

Studio type ang dating bahay nila, bago sila lumipat sa malaki-laking bahay.

“Iyong dating bahay namin… iyong kusina, andiyan. Iyong lamesa, basta magkakatabi lang siya—iyong kusina, iyong tulugan.

“Tapos, ang paraan para makatulog kaming lahat, lima kami noon sa bahay, ay kailangang maglalatag ng kutso sa lapag, which is yung sala din namin na kino-consider, at dining area din namin na kino-consider, tapos maglalatag.

“Tapos, pag umaga, kailangan ninyong ligpitin. Kasi siyempre, para makakilos kami. So, ganun siya.”

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lloyd Agustin on engaging into online sex: "It’s my body, and it’s my choice, so as long as nagpapasok ng pera, and wala tayong naha-harm na ibang tao, I don’t think may dapat silang ikagalit."
PHOTO/S: Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results