TikTok influencer, online sex worker Lloyd Agustin has message to moralists

by Jerry Olea
May 12, 2021
Does Lloyd Agustin pray for the success of his job? He says, “Iyon nga, e. Kaya hindi ako masyadong nagpe-pray... Pero you know, if I’m gonna believe in God, I’m gonna believe in a God that is full of love. Hindi yung God na huhusgahan ako sa mga ginagawa ko.”
PHOTO/S: Instagram / TikTok

May subscribers na nagtatanong sa TikTok influencer at online sex worker na si Lloyd Agustin kung magkano ang makipag-dinner date sa kanya.

Sa mga gustong makipagtagpo sa kanya, ang sagot ni Lloyd, “Not at this time of pandemic.”

Anu-anong mensahe o reaksiyon ng subscribers sa kanyang private videos ang ikinatutuwa o ikinaaaliw niya?

“Iyong naaaliw ako is how they are always satisfied. And I’m saying this with all humbleness!” natatawang sabi ni Lloyd sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Mayo 9, Linggo ng madaling-araw, via Zoom.

“Pero ayun, ang mga namba-bash sa akin, yung may negative comment, sila pa yung hindi nagbayad. Sila pa yung mga hindi nag-subscribe.

“Pero doon sa 600 subscribers na totoong nagbayad talaga, puro magaganda naman yung sinasabi nila.

“And ewan ko kung pinaplastik nila ako, pero ‘satisfied’ naman yung comments doon sa loob ng private account. Kasi, pwede silang mag-tweet doon sa loob ng private account na kami-kami lang ang makakabasa.”

Continue reading below ↓

Ano ang message niya para sa kanyang supporters?

“Sobrang thank you from the bottom of my heart,” matamis na pagngiti ni Lloyd.

“Sobrang daming nag-e-express ng words of encouragement, words of love sa messages ko.

“Hindi ko man nare-reply-an lahat, hindi ko man nao-open lahat, pero I appreciate you, guys.

“Kasi, sometimes it gets hard kahit na strong yung personality ko, and I act tough sa social media, na parang hindi ako apektado sa hate comments.

“May mga araw pa rin naman na it gets in my head, na alam mo yun, feeling ko, hate na ako ng buong mundo.

“And yung mga words of love, and words of encouragement, from random people online, nakakatulong talaga siya kapag nakakabasa ako na, ‘Ay! Meron pa rin palang mga taong nagsu-support at naniniwala sa akin.’

“So, thank you sa mga taong yun.

"And para doon sa mga tao na feeling nila, immoral or hindi decent yung sex work, hindi siya tama, ganyan, because of their religious beliefs or kung ano man, is… ano lang… ahh…

“Ano ba… kanya-kanya lang tayo. Like, kung hindi naman kayo naaapektuhan negatively ng ginagawa ng ibang tao sa paligid niyo, I don’t think there’s a reason para mangialam kayo, or magbigay kayo ng masamang komento.

“So, parang… ituon niyo na lang yung energy ninyo sa sarili ninyo para umunlad din kayo. Ganun.

“And if you think na immoral or indecent ang sex work, let me just tell you na hindi naman tayo pare-parehas ng definition kung ano yung moral, and kung ano yung decent para sa isang tao.

“Like for you, pwedeng immoral siya, pwedeng indecent siya… but maybe, for other people, it’s not, you know.

“Kasi, in this world, there is room for diversity. So, iba-iba tayo ng paniniwala and kung hindi man kayang irespeto, hayaan na lang.

“Hindi mo kailangang magbigay ng masamang komento na wala namang idudulot na maganda sa ‘yo or sa ibang tao.”

Tiktok Influencer lloyd agustin

Continue reading below ↓

PRIVATE VIDEOS

Hanggang kailan itong premium account kung saan nagpo-post siya ng bagong contents sa tuwi-tuwina? Ititigil ba niya ang pagbebenta ng private videos kapag nakaipon na siya ng target na kita?

Natigilan sandali si Lloyd bago sumagot, “Feeling ko, iko-continue ko ito as long as it’s generating profit. As long as hindi nagsasawa yung mga tao, I will continue doing the private content.”

Ano ang maipapayo niya sa mga gustong sundan ang mga yapak niya bilang online sex worker?

Natawa muli si Lloyd, “Oo, actually, sobrang daming nagpi-PM sa akin na random people sa social media, kung paano daw ba nag-start, kung paano ang ginagawa ko, kung paano ang price scheme, ganyan.

“So, hindi ako masyadong sumasagot. Kasi, medyo mahirap siya.

"And for me, kung ikaw ay isang tao na ikino-consider mo yung sex work as an option na papasukin mo—the number one you need to do is mentally prepare yourself for the worst.

Continue reading below ↓

“Kasi, we live in a country na predominantly Catholic country. So, expect mo na yung worst talaga, na huhusgahan ka ng mga tao.

“May masasabing masama yung mga tao sa ginagawa mo.

“Pero kung kaya mo namang i-take ‘yon… kung feeling mo, strong naman yung personality mo, na kaya mong mag-handle ng hate comments, kaya mong mag-handle ng pamba-bash, ganun.

“Kaya mong i-handle yung makikita ng friends and family mo yung buo mong katawan nang hubad, kasi siyempre, ise-send iyon ng mga haters mo ‘yon sa kanila…

“Kung kaya mo naman, go for it!

“Pero kung tingin mo, hindi kayang i-handle ng mental health mo, magbe-breakdown ka lang or masisira ka lang, masisira yung ulo mo, ganun, pag dumating ka sa point na hini-hate ka ng lahat or nakaka-experience ka ng pamba-bash, e, di… pag-isipan mo munang mabuti. Ayun.”

Lloyd Agustin

Continue reading below ↓

IS LLOYD RELIGIOUS?

Maikukunsidera na niya ang sarili na religious?

“Before, oo, kasi, I grew up in a Christian family. So, medyo conservative kami,” seryosong lahad ni Lloyd.

“Pero ngayon, at this point of my life, not really. I don’t consider myself as a religious person.”

Naniniwala pa ba siya na merong God?

“I believe that there is a God, a Higher Being… pero hindi ko Siya hinahayaan na… alam mo yun, yung parang magpapaikot ng life ko.

“Kasi, pag naniwala ka sa doctrine ng religion, andaming constraints. Like, andaming bawal, ganun.”

Kailan siya huling nagdasal? “Siguro, mga ano, last week. Like, I’m not gonna be a hypocrite, pero ayun, sobrang bihira din lang ako na makapag-pray.”

Ipinagdasal ba niyang maging successful iyong trabaho niya ngayon?

“Iyon nga, e. Kaya hindi ako masyadong nagpe-pray. Kasi, you know what, I’m not sure kung ito ba ay pasok sa mga tradisyonal na paniniwala ng religion.

Continue reading below ↓

“Iyon yung parang ano, e… parang nagho-hold back sa akin. Pero you know, if I’m gonna believe in God, I’m gonna believe in a God that is full of love.

“Hindi yung God na huhusgahan ako sa mga ginagawa ko. Ganun.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Does Lloyd Agustin pray for the success of his job? He says, “Iyon nga, e. Kaya hindi ako masyadong nagpe-pray... Pero you know, if I’m gonna believe in God, I’m gonna believe in a God that is full of love. Hindi yung God na huhusgahan ako sa mga ginagawa ko.”
PHOTO/S: Instagram / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results