Miss Universe sponsor Olivia Quido-Co touched by the story of Miss Canada Nova Stevens

by Nikko Tuazon
May 12, 2021
Skincare guru Olivia Quido-Co on Miss Canada Nova Stevens: "Ang ganda ng sinabi niya na regardless ng race, ng color, ng height, ng beauty, we all have to be parang brothers and sisters. Kasi kahit ang siblings daw, hindi magkakamukha pero pamilya at nagmamahalan."
PHOTO/S: Instagram

Umapela sa pageant fans ang Miss Universe 2020 sponsor na si Olivia Quido-Co, na kilala rin bilang Miss O, na itigil na ang pamba-bash sa social media.

Ito ay matapos maging malaking isyu ang negative comments na natanggap ni Miss Canada Nova Stevens na ibinahagi nito sa Instagram.

Nitong nakaraang Sabado, May 8, sinabi ni Miss O sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na sana ay mas pagtuunan ng pansin ng mga tao ang sisterhood sa pagitan ng Miss Universe candidates at unity pagdating sa beauty pageants.

Aniya, "Yung take ko doon, regardless of our color, race, height, beauty, everyone should be...

"Maganda kasi yung essence ng Miss Universe. It's about sisterhood. It's about unity.

"Maganda sana kung 'yon yung ma-emphasize dun sa competition kasi instead of yung nagba-bash. Alam mo yung ganun?"

Ibinahagi rin ni Miss O ang isa sa mahahalagang aral na nais iparating ni Nova nang makapanayam niya ito sa Instagram Live.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Miss O, "Kasi I remember, when I interviewed Miss Canada, Nova, ang talagang... napakaganda ng sinabi niya... Ang ganda ng sinabi niya na regardless ng race, ng color, ng height, ng beauty, we all have to be parang brothers and sisters.

"Kasi kahit ang siblings daw, hindi magkakamukha pero pamilya at nagmamahalan.

"So, I think, napakaganda nung yung idea of kahit anong lahi, matuto tayong magrespeto, matuto tayong magmahal sa iba, sa kapwa natin.

"Kahit hindi natin kakulay o ka-race sila, pero yung puso nila... tao pa rin sila, human pa rin sila.

"So, 'yon yung take ko diyan."

View this post on Instagram

A post shared by NOVA (@thenovastevens)

Naantig din ang puso ni Miss O nang ikuwento ni Nova kung paano nito nakilala ang kanyang mga tunay na magulang.

Si Nova. ang kauna-unahang black woman na titleholder ng Miss Universe Canada.

Ipinaampon siya ng kanyang mga magulang dahil sa kahirapan. Nitong January 2021 lang nakasama ni Nova ang mga tunay na magulang nang bumisita siya sa Ethiopia.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Miss O, "Yung kuwento about her, hindi niya nakita yung mommy niya. Pinamigay siya at the age of six years old.

"And then after that, 21 years later saka mo makikita yung mommy mo for the first time and your family.

"Yung puso about being happy and being sad at the same time, yung emotions about embracing your mom and your dad and saying 'I love you' for the first time, I think yun, maraming naiyak dun sa kuwento na yun.

"Because nung nag-hug sila ng parents niya, she was happy and sad at the same time.

"Happy to see her parents, but then sad to see yung situation kung saan nakatira yung magulang niya up to the point na yung tubig, walang tubig na maiinom."

FIRST IMPRESSIONS

Samantala, bukod kay Miss Canada, ilang pang kandidata ang tumatak at nag-iwan ng magandang impression kay Miss O.

Isa na rito si Miss Belize Iris Salguero.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Miss O, "Alam mo yung Miss Belize, maliit lang siya na country pero the way siya magkuwento, talagang galing sa puso.

"Very authentic, very transparent, actually, siya... yung si Miss Belize. Isa yun sa mga istoryang talagang nag-enjoy ako kasi parang kuwentuhan lang na parang walang halong Miss U factor.

"Alam mo yun? Yung walang halong... pag magkuwento, magkuwento talaga. Buong-buo magkuwento, ganun.

"So, isa siya sa tumatak sa akin."

Hindi nagbigay si Miss O ng kanyang favorites ngunit tinanong siya kung ano ang kanyang first impression sa ilang kandidata na maikukunsiderang frontrunners sa Miss Universe 2020.

Para kay Miss O, "Beauty queen material" si Miss Peru Janick Maceta del Castillo.

Paliwanag nito, "Si Miss Peru, ang na-remember ko sa kanya, iba yung dating. Alam mo, yung paglabas ng screen, I would say meron siyang beauty-queen material.

"Kasi tinitingnan ko siya sa social media paano siya maglakad, yung pasarela niya ibang klase. Beauty-queen factor pagdating sa pagtayo, sa hitsura, sa paglalakad, ganun.

Continue reading below ↓

"I think 'yon yung napansin ko sa kanya."

Napahanga naman si Miss O sa ganda ni Miss Thailand Amanda Obdam.

Nang tanungin tungkol sa kandidata, sabi nito, "Super ganda, super ganda!"

Napabilib din si Miss O sa dami ng supporters ni Amanda.

"Grabe, nung pinost ko siya, habang nagla-live kami, sobrang daming nanonood, 65,000 ang nanonood.

"I think ang dami niya kasing fans, di ba? Kung nasaan siya, kunyare sinasabi ko, 'I'm gonna go live on IG.' Ang daming manonood.

"'I'm going to continue our conversation on Facebook.' Lilipat din ang mga Thai. hahapanin nila ako sa Facebook, ganun. Ibang klase."

View this post on Instagram

A post shared by Amanda Obdam (@amanda.obdam)

Kung sakali mang may gusto siyang maging BFF, ito raw ay si Miss Australia Maria Thattil, na ikinukunsidera ni Miss O na "dark horse" ng beauty pageant.

Kuwento nito, "Kasi sobrang kikay, alam mo yun? Parang natatawa siya sa sarili niya. Kumbaga, nag-post siya ng isang video, naglalakad-lakad siya.

Continue reading below ↓

"Tapos pagdating sa dulo natalisod siya kasi meron palang isang rack ng damit, ipo-post pa din niya yun. Hindi siya yung mahihiya na ipakita na, 'O, natalisod siya...'

"Hindi siya nahihiyang i-post [and] very funny. Tapos every time magme-message siya sa Instagram, laging sinasabi, 'Is that funny? I'm very happy!'

"Parang lagi siyang nasa light mode, yung mood niya. Tapos bago kami mag-usap, nasa backstage muna kami ng Streamyard, kuwento na kami nang kuwento, tawa na kami nang tawa.

"Kasi parang ano siya, e, I would say, very smart, pero 'yon yung gusto raw niyang comment sa kanya ng mga tao. People are saying she's very funny.

"Happy daw siya pag 'yon yung sinasabi sa kanya kasi she loves to be with people who are fun, who's very easy to laugh, yung mga ganun sabi niya."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Skincare guru Olivia Quido-Co on Miss Canada Nova Stevens: "Ang ganda ng sinabi niya na regardless ng race, ng color, ng height, ng beauty, we all have to be parang brothers and sisters. Kasi kahit ang siblings daw, hindi magkakamukha pero pamilya at nagmamahalan."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results