Vilma Santos recalls being scolded by the late Ishmael Bernal after she won a grand slam

by Rachelle Siazon
May 12, 2021
Star For All Seasons Vilma Santos says she learned the value of discipline, humility, and professionalism while working with award-winning film director Ishmael Bernal (not in photo). It was when Vilma was filming Broken Marriage with Christopher de Leon (right) that she experienced being reprimanded by Bernal.
PHOTO/S: Screengrab from Broken Marriage

Litaw ang pagiging magiliw, kuwela, at prangkang kausap ni Star For All Seasons Vilma Santos nang humarap siya via Zoom call sa editorial team ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Umabot ng lampas dalawang oras at kalahati ang pakikipagkuwentuhan ni Vilma sa PEP.ph kaugnay ng pangunguna niya sa The PEP List: Top 15 Greatest Movie Actresses in Leading Roles from Years 2000 To 2020.

Dito ay masaya niyang inalala ang mga hindi malilimutang karanasan sa paggawa ng mga dekalidad na pelikula, at kung paano hinubog ng panahon ang kanyang disiplina at galing sa pag-arte.

"Hindi naman ako ganito noon. May sumpong din ako," nakangiting pag-amin ni Vilma nang tangunin ni PEP editor-in-chief Jo-Ann Maglipon kung paano siya nanatiling grounded sa loob mahigit limang dekadang pag-aartista.

Ayon kay Vilma, saksi ang National Artist For Film na si Ishmael Bernal sa pagiging "unprofessional" niya noong kabataan niya.

Nagkatrabaho sina Ishmael at Vilma sa mga pelikulang Inspiration (1972); Dalawang Pugad Isang Ibon (1972); Now and Forever (1973); Ikaw Ay Akin (1978); Good Morning, Sunshine (1982); Relasyon (1982); Broken Marriage (1983); at Pahiram ng Isang Umaga (1989).

Continue reading below ↓

Sa Relasyon natikman ni Vilma ang una niyang grand slam—o pagkapanalo bilang Best Actress sa apat na major award-giving bodies: FAMAS, Gawad Urian, FAP Awards, at Star Awards for Movies

Katambal niya sa pelikula ang kanyang perennial leading man na si Christopher de Leon, o kilala rin sa palayaw na Boyet.

Balik-tanaw ni Vilma sa pagkapanalo niya ng awards noon: "Merong time na yumabang ako. Pumunta sa ulo ko.

"May I share with you? When I won the grand slam sa Relasyon, lahat ng award-giving bodies I won as best actress for Relasyon.

"After that, ang kasunod kong movie ay Broken Marriage. Kami uli ni Boyet, and again, Ishmael Bernal, si Direk Ishma."

Sa isip daw noon ni Vilma, "Siyempre kakapanalo ko pa lang. Feeling ko, magaling ako, a. Nanalo ako grand slam."

Dumating daw si Vilma sa set ng Broken Marriage na kumpiyansa sa sarili at kayang itawid ang anumang eksenang ipagawa sa kanya.

Continue reading below ↓

Kuwento niya sa PEP.ph, "Pero nung nagsu-shooting na kami, meron kaming eksena sa table. Ang dialogue ko pa, 'Para kang manika na nasa bulsa ko.'

"Alam mo, pinagalitan ako ni Direk Ishma. Kasi daw po, drama yung eksena, pero kumikislap-kislap ang mata ko.

"Sabi ni Direk Ishma, 'Ano bang pinaggagagawa mo?! Fake acting ka!' Sabi ko, 'Hindi, Direk, dine-deliver ko po."

Hindi raw umubra ang katuwiran ni Vilma kay Bernal.

Makulay na kuwento pa rin ni Vilma, "Alam mo sabi sa akin Direk Ishma, 'Ano?! Porke nanalo ka ng grand slam, akala mo magaling ka na?!'

"Talagang napahiya ako sa sarili ko nun. 'Drama dapat hitsura mo diyan! Pagod na pagod! Pero nagtu-twinkle yung mata mo!'"

Ikinagulat daw ni Vilma ang sumunod na utos sa kanya ni Bernal.

"These are the things na natutunan ko. Alam mo ginawa sa akin ni Direk Ishma? Ikinulong ako sa toilet. Pinag-jogging ako doon. Hahaha! Para magmukhang haggard, pawis, pagod.

Continue reading below ↓

"Kinulong ako, pinag-jogging ako, tapos sinisilip ako, 'Okay ka na?' Sasabihin ko, 'Okay na po.'

"Siguro after about 10 minutes, paglabas ko, pinaupo kaagad ako dun sa eksena.

"Sabi niya, 'Okay. Mag-roll tayo! Mag-take!'"

Natatawa na lang ngayon si Vilma, pero doon daw niya natutunan na ang galing sa pag-arte ay nakukuha sa team effort.

Kuwelang lahad ni Vilma sa PEP.ph: "Talaga pong iyong pagod ko, iyon po yun. Hahaha! Mukha talaga akong pagod na pagod sa eksena.

"Parang sinapian ako ng masama. Iyon ang expression ko. And I won again as best actress in that film.

"Ito yung learning process as an actor. Hindi porke't nanalo ka, ang galing-galing mo na.

"Nakasalalay ka pa rin sa direktor mo at sa mga co-stars mo. These are part of my learnings as an artist."

Vilma Santos on Broken Marriage

Continue reading below ↓

ISHMAEL BERNAL WALKS OUT ON VILMA SANTOS

May isa pa raw insidente na napagalitan uli ni Bernal si Vilma dahil hindi dumating sa tamang oras ang aktres.

Pag-amin ni Vilma: "Andami ho namin nag-walkout kami pareho. Ganun din po. Na-late ako sa shooting.

"Pagdating ko, sabi niya, 'What?! Pack-up!' Pahiya po ako.

"Lumapit ako kay Mary Walter, yung matanda po nating artista, si Mama Mary Walter kasi naghihintay din po. 'Sorry po, Mama, sorry po,' sabi kong ganun. Sa mga crew, 'Sorry po.'"

Hindi raw hinayaan ni Bernal na palusutin si Vilma sa pagiging late niya.

"Sabi ni Ishma sa akin, 'Anong sorry, sorry?! Pack-up!' Naiwan ako dun mag-isa," saad ni Vilma.

Late director Ishmael Bernal

Continue reading below ↓

NO-SHOWs ON a movie shoot and tv special

Hindi proud si Vilma sa mga "kalokohan" na ginawa niya noong kabataan niya sa showbiz.

Pero diretsahang ibinahagi ito ni Vilma sa PEP.ph upang ipamalas na matindi rin ang dinaanan niya bago natutunan ang pagpapahalaga sa kanyang showbiz career.

May pagkakataon pa raw noon na hindi siya sumipot sa isang shooting kahit wala siyang lehitomong dahilan para mag-absent.

Early 20s pa raw ang edad niya noon, at aminado siyang banas sa kanya ang ibang katrabaho noon.

Kuwento ni Vilma: "Yun po bang naka-set-up na...

"Kasi dalawa po ang sasakyan ko. Meron po akong van, kung saan po nakalagay mga costumes ko, shoes, lahat. And then, meron akong gamit na sariling sasakyan, which, sometimes, ako po ang nagda-drive.

"Dun po sa mga shootings ko, kapag nakita nila yung van na dumating at wala ang kotse ko, sabihin nila, 'Pack-up, wala na, may dahilan na naman iyan.'

Continue reading below ↓

"Ito po ang time na naging very, very unprofessional po ako.

"Laging dahilan ko, 'Masakit ang tiyan ko. I'm not feeling well.' Kaya pag darating po yung van, sasabihin, 'O, ano na naman? Masakit na naman ang tiyan?! O, baka buntis na iyan or something!' Ganun na sila kagalit sa akin."

Napapailing si Vilma dahil aminadong nahihiya habang binabalikan ang hindi magandang ugali niya sa trabaho noon.

Tulad na raw noong siya ay host ng defunct Kapuso musical-variety show na Vilma!, na umere mula 1986 hanggang 1995.

Sabi ni Vilma: "There was even one point sa television, meron akong special, special VS of Vilma Santos Show, na magkakaroon kami ng Christmas presentation.

"Alam niyo po, all the performers were there, nandun pa si Rico J. Puno... alam niyo po, hindi po ako sumipot.

"Tanong niyo kung nasaan ako... Nag-drive ako papuntang Baguio."

Vilma TV show

Continue reading below ↓

WHAT VILMA LEARNED FROM HER PAST MISTAKES

Matamang sabi ni Vilma sa PEP.ph, "Nakakahiya. Nakakahiya po lahat ng pinaggagagawa ko."

Kinalaunan ay nagtanda raw nang husto si Vilma kung paano mahalin ang showbiz career niya.

Sabi niya, "Alam ko mga pinaggagawa ko na mali noon, at sa pamamagitan nun, natuto ako maging professional.

"Kaya po nung natuto na ako, pagdating naman po nung naging professional na ako, at nalaman ko na pagkakamali ko, minsan naman nauna pa ako sa direktor."

"Tsaka pag dumating na ako sa set, prepared ako. That's part of my learnings din kay Ishmael Bernal."

Maging sa PEP.ph Zoom Call ay sumalang si Vilma ng mas maaga pa sa ibinigay na call time sa kanya, at isa-isa niyang kinilala ang mga miyembro ng PEP editorial team bago nagsimula ang kuwentuhan.

Inulit ni Vilma na malaki ang pasasalamat niya sa mga nakatrabaho dahil sa tulong na mga ito kaya naging maganda raw ang kinalabasan ng mga pelikula niya.

Continue reading below ↓

"So, through the years, sa napahaba ko sa show business, these are the things na natutunan ko na paano ka maging grounded.

"It's not all the time na bida ka, e. Hindi rin totoo na ikaw ang nanalong best actress, ikaw na pinakamagaling.

"Kasi at the end of the day, you will still rely on your director and your co-stars. Hindi mo kaya ikaw lang mag-isa.

"Through the years, ito po yung natutunan ko—to be more professional, huwag kang mang-iipit ng mga tao dahil naghihintay sa iyo.

"Yun naman po siguro kinalakihan ko sa sarili ko."

Si Vilma ay nagsimula sa showbiz noong siya ay siyam na taong gulang lamang.

Mayroon siyang humigit-kumulang 220 pelikula. Apat na beses siyang nakakuha ng Grand Slam Best Actress para sa mga pelikulang Relasyon (1983); Dahil Mahal Kita (The Dolzura Cortez Story); Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? (1999); at Dekada '70 (2003).

Para sa nakalipas na huling dalawang dekada, ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ni Vilma ay ang Anak: The Movie (2000), Dekada '70, Mano Po III: My Love (2004), In My Life (2009), Esktra (2013), at Everything About Her (2016).

Continue reading below ↓

Si Vilma ay kasalukuyang naninilbihan bilang Batangas Sixth District representative at isa sa deputy speakers sa Kongreso.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star For All Seasons Vilma Santos says she learned the value of discipline, humility, and professionalism while working with award-winning film director Ishmael Bernal (not in photo). It was when Vilma was filming Broken Marriage with Christopher de Leon (right) that she experienced being reprimanded by Bernal.
PHOTO/S: Screengrab from Broken Marriage
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results