Rabiya Mateo among front-row dancers in Miss Universe 2020 opening number

by Nikko Tuazon
May 13, 2021
Rabiya Mateo
Rabiya Mateo surprised to be chosen as one of the candidates in the front row during the opening dance number of the Miss Universe 2020 pageant: "Hindi nga ako dancer pero ginalingan ko talaga."
PHOTO/S: @donhenrique on Instagram

Ikinagulat ni Rabiya Mateo na isa siya sa mga kandidatang napili upang sumayaw sa bandang unahan para sa opening number ng Miss Universe 2020 na kasalukuyang ginaganap sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood, Florida.

Sa 69th edition ng Miss Universe Organization, ibinalik ang opening dance number ng mga kandidata na matagal ring hindi napanood ng pageant fans.

Sa panayam ni Rabiya kay Mary Jean Lastimosa para sa show nito sa Kumu na tinatawag na Plus Talks Para sa Pinoy nitong Miyerkules, May 12, 2021, sinabi nitong hindi niya inaasahang mapipili siya sa dami ng kandidatang kasama niya na sasayaw sa bandang unahan sa isang bahagi ng opening number.

Ayon kay Rabiya, hinusayan talaga nito ang pagsayaw para mapansin ng choreographer.

Kuwento nito, "We have rehearsals na. And clue ko lang, ha, nasa harap tayo ngayon, nagulat din ako, e! Hindi nga ako dancer pero ginalingan ko talaga [para may laban tayo]."

Continue reading below ↓

Dagdag nit Rabiya, "[Sabi ko], 'Ibida ko talaga, gagalingan ko sumayaw...' Parang, gets mo yun, yung classroom na bida-bida, parang feeling ko ako yun."

Sinabi rin ni Rabiya na apat ang kantang gagamitin para sa opening number ng mga kandidata.

Aniya, "I'm not sure if I can share all of the details, but it's gonna be four parts, so four different songs, four different sayaw. And ayun, may isang number na nasa harap tayo so happy ako dun."

Natatawa ring ikinuwento ni Rabiya kung bakit ito nakayapak sa kanilang rehearsal noong Martes, May 11, 2021. Naging usap-usapan kasi ng mga netizens ang pagtanggal niya ng kanyang high-heels habang rumarampa sa rehearsal.

Ayon kay Rabiya, "I had an interview for a media. And then, after that, hindi ko kasi dala yung luggage ko which contains my sneakers, my flats.

"So the choreographer just told me to just take my shoes off. Hindi lang naman ako, it's the four of us na nakayapak, pero natutuwa ako sa comments na, 'Rabiya, very Filipino, dinala mo talaga yung bansa natin,' yung kaugalian natin diyan."

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

NATIONAL COSTUME

Isa sa mga bagay na nilu-look forward ni Rabiya sa Miss Universe 2020 pageant ay ang National Costume show na gaganapin ngayon, Huwebes, May 13, 2021 (May 14 sa Pilipinas). Mapapanood lamang ito sa Miss Universe YouTube channel sa kasunod na araw, Biyernes.

Nagbigay ng konting clue si Rabiya kung ano ang itsura nga kanyang national costume.

Ang sabi niya kay MJ, "I'm excited to show you guys my national costume.

"It's sexy and it's very unique. Kasi now, MJ, I was able to find my personal style. And I find confidence when I show some skin, not too much skin.

"And it's a representation of Luzon, Visayas, and Mindanao wrapped into one. And I really envisioned myself in this costume ever since."

Magiging challenge din para kay Rabiya ang irampa ang kanyang national costume dahil sa bigat nito.

"It's heavy, to be honest, that's why I really need to practice it. Like, I really need to workout physically.

Continue reading below ↓

"Yung alam mo yung pinapasok mo talaga sa isip mo na kahit mabigat ito, irarampa ko talaga ito."

Patuloy pa niya, "Clue lang, yung runway namin, it's gonna be long. So extra hirap ito for me, but I'm up for the challenge. This is for my country."

LAST-MINUTE TRAINING

Samantala, patuloy pa rin ang training ni Rabiya kahit na sobrang hectic na ng schedule nila sa Miss Universe 2020 pageant.

Hair and makeup para sa grand coronation night ang kanyang pinag-aaralang mabuti ngayon.

Aniya, "I'm training with my hair for the finals. We have [glam] teams here, but I cannot, like, assure myself na matutulungan nila ako because, alam mo iyan MJ, during the finals, lahat na talaga ngarag na din, lahat nag-uunahan.

"So I really need to do my hair and make-up on my own. Isa yun sa mga pinagtutuunan ko ng pansin."

Bukod dito, maigi ring pinaghahandaan ni Rabiya ang question-and-answer portion lalo't ito ang isa sa pinaka-importanteng bahagi ng pageant.

Continue reading below ↓

"I'm also trying to practice and to hone, you know, polishing the question-and-answer portion kasi it's gonna seal the deal na gusto natin.

"So I've been talking to several lawyers, also perspective from different people, different insights. 'Cause I remember, Paula Shugart said that they don't want any 'pageant Patty' answer."

Si Paula Shugart ang president ng Miss Universe Organization.

Patuloy ni Rabiya, "More of being a spokesperson of an organization as big as Miss Universe. What do you have to offer? What can you say? It's more of the diplomatic responsibility and obligation that you have once you're given that position.

"So I'm trying to, you know, practice as much as I can to improve my communication skills during these last few days. Polishing na lang."

Gaganapin sa May 16, 2021 (May 17 sa Pilipinas) ang grand coronation night ng Miss Universe 2020 pageant.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabiya Mateo surprised to be chosen as one of the candidates in the front row during the opening dance number of the Miss Universe 2020 pageant: "Hindi nga ako dancer pero ginalingan ko talaga."
PHOTO/S: @donhenrique on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results