Watch Now

Maja Salvador shows teaser of male star poised for comeback; is it John Lloyd Cruz? 

by Rachelle Siazon
May 13, 2021
Maja Salvador keeps netizens guessing if John Lloyd Cruz is the male star that she is welcoming as part of Crown Artist Management. For her special video teaser, she uses the hashtag "#TheCAMbackIsReal."
PHOTO/S: @iammajasalvador Instagram

Si John Lloyd Cruz nga ba ang mystery male star na tila magbabalik-showbiz?

Ito ang palaisipan sa netizens matapos ilantad ni Maja Salvador ang teaser video ng mystery guy na pasok sa roster of talents ng Crown Artist Management.

Ang Crown Artist Management (CAM) ang pag-aaring talent management company ni Maja, na siyang president at CEO nito.

Ibinahagi ni Maja ang teaser video kagabi, May 12.

Makikita ritong sakay ng isang chartered plane ang isang lalaking nakasuot ng black buttoned-down long sleeved shirt at pants.

Tanging ang kamay at bahagi ng katawan nito ang kita sa camera shot kunsaan nakaupo ang mystery guy sa loob ng eroplano.

IG Post: Maja Salvador teaser

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa ring shot na kuha naman ang baba ng mystery guy.

IG Post: Maja Salvador teaser for male talent comeback

Walang eksaktong detalye kung dati na bang artista ang lalaking nasa video.

Ang tanging clue na ibinigay ni Maja ay ang caption niya na crown emoji ng isang hari at hashtag na "TheCAMbackIsReal."

Sa Instagram account ng Crown Artist Management ay makikitang nagkomento rin si Maja ng king's crown emoji at double hands up na tila nagpapahiwatig na bilib siya sa idolong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS' REACTIONS

Sa comments section, hindi maiwasang manghula ang netizens kung si John Lloyd Cruz o JLC ang posibleng mystery star na magiging talent ni Maja.

Hindi kaila sa publiko na mula noong October 2017 ay sumailalim ang aktor sa "indefinite leave" sa showbiz dahil sa pagnanais mamuhay nang pribado.

June 2019 nang magbalik si John Lloyd sa paggawa ng endorsement kasama si Bea Alonzo.

Nagkatrabaho rin sina John Lloyd at Bea para sa isang "unconfined cinema project" noong April 2020.

Ngayong 2021 ay inaasahan ding simulan nina John Lloyd at Bea ang shooting ng reunion movie nila sa Star Cinema, ang film company ng ABS-CBN.

Pero nananatiling low-key pa rin si John Lloyd sa showbiz at hindi pa tuluyang nasisilayan sa media events.

Narito ang ilang comments ng netizens:

IG comment: Netizens speculate if it's John Lloyd Cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IG comment: Netizens guess if it's John Lloyd Cruz

Pati ang Wildflower co-star ni Maja na si Aiko Melendez ay napakomento na excited na rin siyang malaman kung sino ang male star na may special video teaser mula sa Crown Artist Management.

IG Comment: Aiko Melendez excited over Maja's teaser

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOHN LLOYD TO JOIN MAJA'S TALENT AGENCY?

Sa ulat ng PEP Troika noong March 21, isang source na nakapalitan ng text message si John Lloyd ang nagsabing kinumpirma umano ng aktor na magiging bahagi siya ng Crown Artist Management ni Maja.

Hindi lang daw malinaw kung buong showbiz career o endorsements ang ipapa-manage ni John Lloyd.

Noong March 28, nakasaad sa update ng PEP Troika na hindi sinagot ni Maja kung kasama si John Lloyd sa ima-manage niya.

Magpapatawag daw si Maja ng hiwalay na mediacon para ipakilala ang mga artist ng Crown Artist Management.

Sa PEP Exclusives noong Marso unang ibinahagi ni Maja ang tungkol sa pagtatayo niya ng talent management company. At noon pa lang ay excited na si Maja sa ilulunsad niyang roster of talents ng CAM.

FRIENDS FOR MANY YEARS

Sinasabing hindi malayong magpa-manage si John Lloyd kay Maja dahil matagal na ang pinagsamahan nito sa show business bilang magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang sabak pa lang ni Maja sa showbiz noong 2003 nang makatrabaho niya si John Lloyd sa Kapamilya prime-time series na It Might Be You. Gumanap din silang sandaling magkasintahan sa romantic-drama film na One More Chance noong 2007.

Katambal ni John Lloyd sa parehong proyekto si Bea Alonzo.

Sa PEP Exclusives noong Marso, naikuwento ni Maja na hanggang ngayon ay nananatili ang mabuting pagkakaibigan nila ni John Lloyd.

Parang nakatatandang kapatid daw ang turing ni Maja kay John Lloyd, na itinuturing naman daw siyang "little sister."

Kahit noong panahong lumayo si John Lloyd sa mundo ng showbiz, may pagkakataong nagkita pa sila ni Maja noong November 2018.

Nitong March 5, 2021, naging daan si Maja nang maglabas si John Lloyd sa PEP.ph ng official statement para linawin na wala siyang social media account.

Ito ay matapos maugnay kay John Lloyd ang isang verified Facebook page na gamit ang kanyang pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador keeps netizens guessing if John Lloyd Cruz is the male star that she is welcoming as part of Crown Artist Management. For her special video teaser, she uses the hashtag "#TheCAMbackIsReal."
PHOTO/S: @iammajasalvador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results