Maryo Brothers reminisce about memorable moments with the late Allyson VII

by Jerry Olea
May 14, 2021
Ang yumaong dating sexy actor na si Allyson VII ay miyembro ng Maryo Brothers, tawag sa mga talent ng yumao na ring direktor na si Maryo J. de los Reyes; (kanan) si Allyson kasama ang co-stars sa pelikulang Sa Paraiso Ni Efren at kamiyembro sa Maryo Brothers na sina Poppo Lontoc at Anton Bernardo.
PHOTO/S: File

Lubos ang pagdadalamhati ng Maryo Brothers nang pumanaw ang mentor nilang si Direk Maryo J. de los Reyes noong Enero 27, 2018 sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Heart attack ang ikinamatay ni Direk Maryo J sa edad na 65.

Ang Maryo Brothers ay mga artistang lalaki na inalagaan ni Direk Maryo.

Kabilang sa original members nito sina Poppo Lontoc, Robert Aviles aka Winston Elizalde, Emilio Malvar, Sebastian Cordero, Daniel Figueroa, at Jun Palattao aka Lucas Leonardo.

Sabi ni Robert Aviles nitong Mayo 13, Huwebes ng gabi, via Messenger, “Sumunod na lang sa Maryo Brothers sina Zoltan Amore, Alysson VII, at Yul Servo.

Napalapit sa Maryo Brothers at itinuring na kapatid ang iba pang aktor na tinulungan ni Direk Maryo, gaya nina Anton Bernardo, Carlos Castelo aka Carl Mendrez, Dante Gomez, at Jon Romano.

Tampok sa 2000 calendar na Men of M (M stands for Millennium, or Maryo) na kinunan sa Boracay sina Poppo, Jon, Lucas, Anton, Robert, Zoltan, Yul, Dante, Sebastian, Allyson, at Marcus Madrigal.

Continue reading below ↓

Maryo brothers

Standing: Jon Romano, Sebastian Cordero, Robert Aviles, Dante Gomez, Anton Bernardo, and Poppo Lontoc; foreground: Zoltan Amore, Allyson VII, Yul Servo, and Marcus Madrigal

Ang alaga ni Direk Maryo na si Ozu Ong (Marcelo Ong sa totoong buhay) ay sa grupong Masculados kabilang.

Namatay si Ozu noong Agosto 2, 2015 nang barilin sa Angono, Rizal.

Continue reading below ↓

Ang unang nalagas sa Maryo Brothers ay si Daniel Figueroa, na pumanaw noong Mayo 16, 2019 dahil sa kidney failure.

Nagluksa muli ang Maryo Brothers sa pagkamatay ni Allyson VII (John Allyson Gonzales sa totoong buhay) nitong Mayo 8, 2021, Sabado, sa edad na 44 dahil sa heart attack.

ROBERT AVILES

Malapit na kaibigan ni Direk Maryo si Direk Cloyd Robinson, na namayapa na rin noong Agosto 31, 2010 sa edad na 70 dahil sa heart attack.

Ayon kay Robert, “Ang naka-discover sa amin ni Allyson ay si Direk Cloyd. 1994 ako na-discover ni Direk Cloyd. Si Allyson, 1996 or 1997.

“Ipinaubaya ni Direk Cloyd kay Direk Maryo kaming dalawa ni Allyson.

“Si Allyson ang klase ng tao na masayahin, tahimik lang, simple, at sweet. Mabait.

“Sabi ni Allyson, kung pumili si Direk Maryo ng talent na lalaki, halos magkakahawig.

“Sabi ko naman, ‘Oo nga, medyo magkakahawig tayo ng mga mata.’

Continue reading below ↓

“Marami kaming pinagsamahan ni Allyson lalo na noong uso pa yung disco. Lagi kaming magkakasama niyan with Direk Maryo sa Ozone, yung nasunog na disco sa Timog Avenue, pati sa Equinox sa Makati, at saka sa music bars.

“Nag-bonding din kami sa resort ni Direk Maryo sa Pansol [Calamba City], sa mga pictorial at swimming party.

“Magkakasama rin kaming mag-workout noon sa dating bahay ni Direk Maryo sa Mother Ignacia."

Robert Aviles, Lucas Leonardo at Allyson VII wake

Continue reading below ↓

Robert Aviles and Lucas Leonardo at Allyson VII's wake

Dagdag ni Robert, “Pangarap niya noon sa showbiz na sana, sabay-sabay kaming sumikat.

“Noong ibinalita ni Poppo sa group chat namin yung tungkol kay Allyson, sumikip ang dibdib ko.

“Kausap ko si Allyson bago mag-lockdown. Sayang at hindi ko man lang siya napaglingkuran about sa health niya.

“Kasi, mayroon kaming wellness clinic ng wife ko. My wife is a doctor of alternative medicine.

“Na-guilty ako… Ang gagawin ko na lang ay gabayan ang asawa at anak niya sa abot ng aking makakaya, kasama ang family ko, lalo na sa spiritual support.”

Isa nang elder si Robert sa Seventh-Day Adventist Church sa Paradahan I, Tanza, Cavite.

Robert Aviles

Continue reading below ↓

POPPO LONTOC

Hindi makapaniwala si Poppo Lontoc nang mabasa ang Facebook post ng asawa ni Allyson VII kaugnay sa pagpanaw nito.

Saad ni Poppo nitong Mayo 14, Biyernes ng madaling-araw via Messenger, “Pina-double check ko sa group chat ng Maryo Brothers kung totoo yung post. Nang makumpirma, saka ako nag-message sa asawa niya.

“Inisip ko pa rin na sana, joke lang iyong pagkamatay niya… hanggang sa nakita ko na siya na nakahiga sa kabaong. Sobrang lungkot ang naramdaman ko.

“Halos magkasabay kami ni Allyson na napasama sa Maryo Brothers. Nauna lang ako nang konti."

Poppo Lontoc at Allyson VII wake

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Poppo, “Tahimik na tao si Allyson. Kahit nag-aartista na siya, hindi ko nakita ang paglaki ng ulo.

“Tahimik lang siya sa set. Pero pag umarte na iyan, todo bigay.

“Wala akong nakita na pangit na ugali niya. Mabait siya. Maraming beses kaming nagka-bonding noon sa resort ni Direk Maryo sa Pansol.

“Noong huli kaming nagkausap, ang pinag-usapan namin ay negosyo. Gusto niya, magkita-kita kami nina Kuya Robert or kumain sa labas. Ayun, hindi na natuloy.

“Parang si Direk Maryo, noong huli kong nakausap, gusto niyang mag-reunion ang Maryo Brothers. Kaso, kinamatayan na niya ang plano.

“Kaya ang hirap na magplano ng reunion, tapos, hindi natutuloy.”

LUCAS LEONARDO

Si Lucas Leonardo aka Jun Palattao ang may-ari ng Pepeton’s bar sa Mother Ignacia Ave. cor. Sct. Borromeo St., kung saan ilang beses nag-birthday party si Direk Maryo J.

May tinuluyang apartment noon si Direk Maryo J. sa Mother Ignacia Ave., which was a stone throw away from Pepeton’s, kaya maraming beses na nag-bonding sa nasabing bar ang Maryo Brothers.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Lucas, na Rodolfo Palattao Jr. sa totoong buhay, nitong Mayo 13, Huwebes ng gabi, via Messenger, “Masayang kasama si Allyson VII. Palagi kaming magkasama before sa inuman at kalokohan.

“Hindi madamot na tao iyan, very loving person at masinop sa gamit, lalo na noong nag-Boracay kami, panahon ng Men of M calendar, doon kami naging close nina Anton Bernardo, Yul Servo, Poppo Lontoc, at Robert Aviles.

“Minsan ay nagagalit sa amin si Direk Maryo J, pero tuloy lang ang trabaho namin. May konting kalokohan sa bisyo na ikinagagalit ni Direk sa amin.

“Mahal na mahal ni Allyson si Direk Maryo J hanggang sa nakapag-asawa na siya at tinalikuran na ang showbiz. Naging family man siya, isang padre de familia sa kanyang asawa at anak.

“Dinamdam ni Allyson ang pagkamatay ng kanyang sanggol na anak dahil nagkasakit. Hindi na siya naka-move on.

“Baka isa yun sa dahilan ng kanyang pagkamatay, sobrang dinamdam niya ang nangyari sa pangalawang anak niya.”

Continue reading below ↓

ANTON BERNARDO

Nakilala si Anton Bernardo bilang Seiko stud, at tinaguriang "Pubic Hair King."

Gusto ni Direk Maryo na itaas ang level ni Anton bilang aktor, kaya pinagbida niya ito sa Good Harvest film na Sa Paraiso ni Efren (1999).

Co-stars ni Anton sa nasabing movie sina Allan Paule, Ana Capri, Ynez Veneracion, at Marinella Moran. Nasa cast din sina Poppo Lontoc, Allyson VII, Dante Gomez, at Jon Romano na nag-choreograph ng macho dancing sequences na kinunan sa defunct Club 690, Amonranto St. (dating Retiro St.), Quezon City.

Sa Paraiso Ni Efren stars

Continue reading below ↓

Sa Paraiso Ni Efren stars (from left) Poppo Lontoc, Allyson VII, Allan Paule, and Anton Bernardo

Lahad ni Anton nitong Mayo 13, Huwebes ng gabi, via Messenger, “Laking gulat ko nang malaman kong wala na si Allyson dahil napakabata pa niya, at nakakalungkot isipin na wala na ang pinakabunso ng Maryo Brothers.

“Iniisip ko na lang na makakasama at magkikita na sila ni Direk Maryo.

“Nakasama ko at nakatrabaho ko si Allyson VII sa pelikulang Sa Paraiso ni Efren at Gusto ko Nang Lumigaya (2000), both directed by Maryo J. de los Reyes. Napakapropesyonal niyang katrabaho. Pag off cam naman ay napakabait at napakatahimik na tao.

“Nakaka-miss siyang kasama sa mga kalokohan, tawanan, at mga magagandang memories lalo na kapag get together party with Maryo J. and all Maryo Brothers.

“Rest in Peace, Bro… We’re gonna miss you, Brother Allyson… Paalam."

ZOLTAN AMORE

Mula sa pagiging isa sa Maryo Brothers, isinama ni Direk Maryo si Zoltan Amore sa grupong Masculados.

Continue reading below ↓

Lahad ni Zoltan nitong Mayo 14, Biyernes ng umaga, via messenger, “Madalas na sabay kaming mag-gym noon ni Brother Allyson sa bahay ni Direk Maryo sa Mother Ignacia. Saka mag-food trip sa Tropical Hut. Iyon ang na-miss ko sa kanya.

“Kapag may showbiz gathering, medyo tahimik lang po ‘yan, gaya ko po. He! He! He! He!

“Pero kapag during pictorial, medyo active ‘yan. Madalas kaming magkasama noon na may kasamang kulitan, lalo na noong mag-pictorial kami sa Boracay para sa Men of M calendar. Masaya po ang bonding moments noon ng Maryo Brothers.

“Nakakalungkot man… paalam, Brother Allyson. We miss you, brother.”

CARLOS CASTELO

Hindi makalimutan ni Carlos Castelo ang pagiging masayahin at palabiro ni Allyson, na kung ituring niya ay kapatid sa showbiz.

“Noong nag-birthday ako sa Steel Bar, first showbiz bday party ko, tinawagan niya ako at pabirong sabi niya, imbitahin ko raw siya. He! He! He! He!” paggunita ni Carlos.

Continue reading below ↓

“Lagi kaming magkakasama sa mga pictorial noon. Wala kaming ginawa kundi magkulitan. Minsan, nagagalit na nga si Direk Maryo. Para raw kaming mga bata!

“Unang kita namin ni Allyson, siya ang nag-approach sa akin. Wala siyang yabang sa buhay.

“Sabay kami minsan kumain ng kanin-lamig sa bahay ni Direk. He! He! He!

“Bago siya namatay, nagse-send kami ng mga quote sa Messenger. Hindi pa rin nawawala ang pagiging maalalahanin niya sa kanyang mga kaibigan.

“Hanggang ngayon, parang hindi ko pa matanggap sa isip ko na pumanaw na siya.

“Hindi ko maisip hanggang ngayon na wala na si bro. Kasi, ang bata pa niya, malakas.

“Sobrang nalungkot ako, pati mga kasamahan namin sa Maryo Brothers. Ang nasabi na lang sa group namin, ‘Sana, joke lang ‘yung balita!’

“Pero wala tayong magagawa. Lahat ng buhay natin, hiram lang natin sa Diyos. May plan si God para sa ating lahat.

“Nasaan man ngayon si Allyson, kasama na niya ang Poong Maykapal.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang yumaong dating sexy actor na si Allyson VII ay miyembro ng Maryo Brothers, tawag sa mga talent ng yumao na ring direktor na si Maryo J. de los Reyes; (kanan) si Allyson kasama ang co-stars sa pelikulang Sa Paraiso Ni Efren at kamiyembro sa Maryo Brothers na sina Poppo Lontoc at Anton Bernardo.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results