Catriona Gray draws flak for dropping Rabiya Mateo's costume off her Miss U National Costume top picks

by Arniel C. Serato
May 14, 2021
Miss Universe 2018 Catriona Gray (left) trends on Twitter after dropping Philippines' Rabiya Mateo in her Top 6 picks in the Miss Universe 2020 National Costume competition.
PHOTO/S: Courtesy: @catriona_gray on Instagram / Lazada app

Nilaglag ba ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo?

Ito marahil ang tanong ng maraming Pinoy pageant fans matapos mabasa ang tweet ni Catriona ngayong Biyernes, May 14, habang idinadaos ang National Costume competition ng Miss Universe 2020 sa Florida, U.S.A.

Tila hindi pumasok sa panlasa ni Catriona ang Philippine-flag-inspired national costume ni Rabiya. Gawa ito ng namayapang fashion designer na si Rocky Gathercole para sa National Costume competition ng 69th Miss Universe.

Rabiya Mateo national costume

Continue reading below ↓

Ang Top 6 ni Catriona para sa National Costume ay ang mga kandidata mula sa Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine, at Vietnam.

Tanong pa niya: Who were yours?”

Dahil sa tweet niyang ito, naging trending topic sa Twitter ang ikaapat na Miss Universe ng Pilipinas sa Twitter.

Catriona Gray trends on Twitter

Continue reading below ↓

MIXED REACTIONS

Hati ang naging opinyon ng netizens.

May mga nagsabing opinyon ito ni Catriona at entitled siyang maghayag ng kanyang napupusuan.

Continue reading below ↓

Ang iba naman ay nagsasabing sana raw ay nagpakita pa rin siya ng suporta sa kandidata ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nirerespeto naman daw ni Catriona ang mga batikos laban sa kanya.

Sabi niya sa isang tweet: "That's okay were all entitled to our own opinions."

Catriona Gray comment on bashers

“NOT BASED ON THE CANDIDTATES’ PERFORMANCE”

Dahil sa magkakaibang opinyon, nilinaw ni Catriona na ang kanyang basehan sa napili niyang Top 6 sa National Costume ay kanyang personal na paborito.

Continue reading below ↓

Ito raw ang isa sa paborito niyang bahagi ng timpalak.

Sabi ni Catriona, “My best in National Costume picks are my favorite National Costumes, not based on the candidates performance. I love the celebration of culture and a country's expression of identity which is why its one of my favorite segments! @MissUniverse

Continue reading below ↓

Sa kanya namang Instagram Stories ngayong araw rin, pinuri niya ang dedikasyong ipinakita ni Rabiya sa National Costume competition.

Lagpas dalawampung kilo kasi ang bigat ng national costume ni Rabiya. Dahil nagkasugat-sugat na siya, hindi na nito nasuot pa ang sun-inspired headpiece.

Sabi ni Catriona, "20++ KGS BUT @RABIYAMATEO CARRIED IT WITH SUCH STRENGHT.

"IF THIS IS AN INSIGHT TO HER LEVEL OF PERFORMANCE, SO EXCITED FOR PRELIMS!"

Catriona Gray supports Rabiya Mateo

Continue reading below ↓

Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2020 sa May 16, 2021 (May 17 sa Pilipinas) sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood, Flordida.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona Gray (left) trends on Twitter after dropping Philippines' Rabiya Mateo in her Top 6 picks in the Miss Universe 2020 National Costume competition.
PHOTO/S: Courtesy: @catriona_gray on Instagram / Lazada app
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results