Catriona Gray shows unwavering support for Philippine candidate Rabiya Mateo despite criticisms

by Arniel C. Serato
May 14, 2021
Miss Universe 2018 Catriona Gray (left) lauds Philippines' Miss Universe 2020 bet Rabiya Mateo (right) for her dedication in carrying 20 kgs. weight of her National Costume in the competition held today, May 14 (Philippine Time).
PHOTO/S: Courtesy: @catriona_gray / @rabiyamateo on Instagram

Hindi nagpatinag si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga bumabatikos sa kanya ngayong Biyernes, May 14.

Ilang sandali matapos niyang maging trending topic sa Twitter dahil sa kanyang Top 6 picks sa National Costume competition, pinuri niya nang husto si Rabiya Mateo sa kanyang ipinakitang dedikasyon sa kumpetisyon.

Sa kanyang Instagram Stories, hangang-hanga si Catriona kay Rabiya dahil hindi nito ininda ang bigat ng kanyang suot para sa National Costume competition.

Lagpas dalawampung kilo kasi ang bigat ng national costume ni Rabiya para sa 69th edition ng Miss Universe.

Dahil nagkasugat-sugat na siya, hindi na nito nasuot pa ang sun-inspired headpiece kaya naman naiyak si Rabiya sa kanyang Instagram Live.

Humingi siya ng dispensa sa mga Pinoy dahil baka nakulangan sila sa kanyang ipinakitang performance.

Pero, balewala ito kay Catriona.

Dahil daw sa dedikasyon ni Rabiya, looking forward na si Catriona na mapanood ang performance nito sa preliminary competition ng pageant.

Continue reading below ↓

Sabi ni Catriona, "20++ KGS BUT @RABIYAMATEO CARRIED IT WITH SUCH STRENGHT.

"IF THIS IS AN INSIGHT TO HER LEVEL OF PERFORMANCE, SO EXCITED FOR PRELIMS!"

IG Stories: Catriona Gray supports Rabiya Mateo

Nauna nang binatikos ng pageant fans si Catriona dahil hindi kasama ang Pilipinas sa anim niyang napili na magagandang National Costume.

Continue reading below ↓

Ang National Costume ng mga kandidata mula sa Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine, at Vietnam ang kanyang Top 6 picks.

Kaya hindi nakalagpas sa mga Pinoy pageant fans ang sinabing ito ni Catriona.

Paliwanag naman niya, okay lang daw na i-bash siya dahil may magkakaibang opinyon daw naman ang lahat.

Aniya, “That's okay were all entitled to our own opinions."

Sa Sabado, May 15, oras sa Pilipinas, gaganapin ang preliminary competition ng pageant.

Ang grand coronation naman ng Miss Universe 2020 ay sa May 16, 2021 (May 17 sa Pilipinas) sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood, Flordida.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona Gray (left) lauds Philippines' Miss Universe 2020 bet Rabiya Mateo (right) for her dedication in carrying 20 kgs. weight of her National Costume in the competition held today, May 14 (Philippine Time).
PHOTO/S: Courtesy: @catriona_gray / @rabiyamateo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results