MJ Lastimosa defends Rabiya Mateo against naysayers of her National Costume performance

by Arniel C. Serato
May 14, 2021
Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa to bashers of Rabiya Mateo: "21kls yun pakpak mga mars kalma lang kayo. She carried it like it’s feather weight. Dami parin hanash haaaa. Dun tayo sa prelims totodo.”
PHOTO/S: Courtesy: @mj_lastimosa on Instagram / Missosology on Facebook

Palabang dinepensahan ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ang pambato natin sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo.

Nakatanggap kasi ng bashing mula sa mga Pinoy pageant fans si Rabiya matapos nitong ipamalas ang kanyang National Costume sa ika-69 Miss Universe.

Marami ang tila nakulangan sa angas ng dating ng kanyang Philippine-flag-inspired national costume na gawa ng namayapang fashion designer na si Rocky Gathercole.

Ayon kay Rabiya, ginahol siya sa oras bago rumampa ng stage dahil sa dinanas na minor accident backstage.

Hinihinalang ito ang dahilan kaya hindi na niya nasuot ang sun-inspired headpiece na gawa ng Filipino designer at jewelry maker na si Manny Halasan.

Bunsod nito ay may ibang netizens ang nagkomento na kulang sa dating ang kasuotan ni Rabiya.

Pero para kay MJ, nagawa ni Rabiya ang kanyang tungkulin ng maayos.

Sabi niya sa kanyang tweet, “My palangga delivered!!!! #AribaRabiya RABIYA ShowItToTheUniverse”

Continue reading below ↓

“SHUTACAYO”

Hindi rin pinalagpas ni MJ ang mga bumatikos kay Rabiya.

Pagtatanggol pa niya, masyadong mabigat ang headdress ni Rabiya kaya hindi na niya ito naisuot pa.

Ang importante daw ay naging bongga ang kanyang presentasyon.

Sabi pa ni MJ, “Mabigat ang head dress mga besh okay lang yun wag isacrifice ang performance sa stiff neck lolz. Ang mahalaga bongga sya”

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “21kls yun pakpak mga mars kalma lang kayo.

“She carried it like it’s feather weight. Dami parin hanash haaaa. Dun tayo sa prelims totodo”

Paninita pa niya sa mga kapwa Pinoy na pumuna sa performance ng ating pambato, “Yung iniintindi mo na nga yung bash ng neighboring countries iintindihin mo pa pambabash ng kapwa mo. Shutacayo.”

Continue reading below ↓

Mensahe pa niya, walang makakatibag na batikos sa determinasyon ni Rabiya sa kumpetisyon.

Aniya, "Beat her, hate her, but you can never break a determined woman with a pure heart”

Continue reading below ↓

Hindi naman nagpatinag ang ilang mga beauty queens ng bansa at mas lalo pa nilang pinalakas ang loob ni Rabiya.

Pati ang kalaban niyang si Miss Universe Thailand Amanda Obdam ay may word of encouragement din sa kanya matapos ang National Costume competition.

Sa Linggo na, May 16, 2021 (May 17 sa Pilipinas), ang grand coronation ng Miss Universe 2020 sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood, Florida.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa to bashers of Rabiya Mateo: "21kls yun pakpak mga mars kalma lang kayo. She carried it like it’s feather weight. Dami parin hanash haaaa. Dun tayo sa prelims totodo.”
PHOTO/S: Courtesy: @mj_lastimosa on Instagram / Missosology on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results