Rabiya Mateo is now the most followed Miss Universe 2020 candidate on Instagram

by Nikko Tuazon
May 15, 2021
Rabiya Mateo
On Friday, May 14, 2021, Rabiya Mateo thanked her fans for their unwavering support after she reached the one-million mark on Instagram: "Woke up with 1 Million followers! You guys are the best. Sending love to the rest of the universe."
PHOTO/S: @sevenbarretto on Instagram

Si Rabiya Mateo na ang most followed Miss Universe 2020 candidate sa Instagram

Ngayong Biyernes ng gabi, May 14, 2021 (na umaga naman sa U.S.), umabot na sa mahigit isang milyon ang followers ni Rabiya sa nasabing social media platform.

Si Rabiya ang kauna-unahang kandidata mula sa 69th edition ng nasabing pageant na nagkaroon ng ganito karaming followers.

Sa isang Instagram post, taos-pusong nagpasalamat si Rabiya sa lahat ng kanyang mga followers na patuloy na sumusuporta upang makuha niya ang ika-limang Miss Universe title ng bansa.

Masayang sabi niya, "Woke up with 1 Million followers! You guys are the best. Sending love to the rest of the universe. Today is a big day. Please pray for us [heart emoji]."

View this post on Instagram

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Halos kalahating milyon din ang lamang ng followers ni Rabiya sa iba pang kandidata ng Miss Universe 2020.

Ang kandidatang sumunod kay Rabiya na may pinakamaraming followers ay si Miss France Amandine Petit. Sa kasalukuyan, si Amandine ay may mahigit 567,000 Instagram followers.

Continue reading below ↓

Pumangatlo naman si Miss Chile Daniela Nicolás na may 529,000 Instagram followers.

Nakakahabol naman sa kanya sa pang-apat si Miss Thailand Amabda Obdam na may 513,000 Instagram followers.

View this post on Instagram

A post shared by Amanda Obdam (@amanda.obdam)

Pasok sa ika-limang spot si Miss Indonesia Ayu Maulida Putri na may 489,000 Instagram followers.

Kasunod ni Miss Indonesia ay si Miss Vietnam Nguyen Tran Khanh Van na may 427,000 Instagram followers naman.

Ilan pa sa most followed delegates ng Miss Universe 2020 sa Instagram ay sina Miss Russia Alina Sanko, Miss Italy Viviana Vizzini, Miss Colombia Laura Olascuaga Pinto, at Miss Venezuela Mariangel Villasmil Arteaga.

Matatandaang ganito rin ang naging eksena ni Catriona Gray noong sumali siya sa Miss Universe pageant.

Umabot sa 1 million followers ang kanyang official Instagram account sa bisperas ng grand coronation night ng nasabing pageant noong December 2018. Kalaunan ay itinanghal si Catriona bilang Miss Universe 2018.

Sa ngayon, maigi namang pinaghahandaan na ni Rabiya ang preliminary swimsuit and evening gown competition ng Miss Universe 2020 pageant na gaganapin ng Biyernes ng gabi sa U.S. (May 15 naman ng 7 a.m. sa Pilipinas).

Continue reading below ↓

Patuloy naman ang pagboto ng Pinoy pageant fans kay Rabiya para sa Best in National Costume sa missuniverse.com/vote. Bukod dito, maiboboto rin si Rabiya para sa Top 21 semi-finals spot sa Miss Universe tab ng Lazada app.

Sa Linggo, May 16, 2021 (May 17 naman sa Pilipinas) gaganapin ang grand coronation night ng Miss Universe 2020.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Friday, May 14, 2021, Rabiya Mateo thanked her fans for their unwavering support after she reached the one-million mark on Instagram: "Woke up with 1 Million followers! You guys are the best. Sending love to the rest of the universe."
PHOTO/S: @sevenbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results