Pauline Mendoza accompanied by family in BF Bryan Celeste's hometown

by Rommel Gonzales
May 15, 2021
Ang huling Instagram post ni Pauline Mendoza kasama ang nobyo na si Mayor Bryan Celeste ay kuha sa isang community pantry sa Alaminos, Pangasinan noong April 27. Proud na paglalarawan ni Pauline kay Bryan, "He's really hardworking talaga and talagang mahal siya dito sa Alaminos."
PHOTO/S: @paulinemendoza Instagram

Akma sa magkasintahang sina Pauline Mendoza at Mayor Arth Bryan Celeste ng ang linyang "malayo man, malapit din."

Hindi kailang long-distance relationship (LDR) ang dalawa dahil sa Manila nakabase si Pauline na kilalang Kapuso actress. Habang si Bryan ay namumuno bilang alkalde sa Alaminos City, Pangasinan.

Nitong Biyernes ng hapon, May 14, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauline sa virtual mediacon ng GMA-7 para sa Babawiin Ko Ang Lahat.

Dito nakangiting inamin ni Pauline na sa mga sandaling iyon ay naroroon siya sa Alaminos, kasama ang kanyang pamilya habang nagaganap ang mediacon via Zoom.

Inasikaso raw kasi ni Pauline ang itatayo niyang negosyo doon sa Alaminos na may kinalaman sa beauty and skincare.

Sa tanong namin kay Pauline kung magkasosyo ba sila ni Mayor Bryan sa bubuksan niyang tindahan doon, nilinaw ng Kapuso actress na solo niya ang naturang negosyo.

STRICT SAFETY PROTOCOLS

Pero kahit naroroon rin si Pauline sa Alaminos, tila LDR rin sila ni Mayor Bryan dahil halos hindi rin daw sila nagkikita ng personal.

Continue reading below ↓

"Medyo strict ang aking family. So pag nagkikita kami, kailangan naka-swab siya, naka-swab din ako," ani Pauline.

Bilang public official, maraming activities at pinupuntahang lugar si Bryan. Kaya strikto raw nilang sinusunod ang health and safety protocols bago sila magkita.

Paliwanag ni Pauline sa PEP.ph: "Yes, yes, mahigpit. Kung gaano kahigpit dito sa Alaminos, ganun din kahigpit na hindi kami puwedeng magkita. So siguro nagkita kami recently lang.

"Parang ilang weeks na rin kaming hindi nagkikita dito kasi meron siyang work, tapos at the same time I have something to do here which is the business nga po. So hindi rin madalas."

Madalas raw ay magkausap lamang sila ni Mayor Bryan sa pamamagitan ng Facetime.

NO WEDDING TALKS YET

Napatili naman si Pauline nang tanungin namin kung napag-uusapan na ba nila ni Bryan ang tungkol sa kasal.

Si Pauline ay 21 years old, habang si Bryan ay may edad na 24.

Continue reading below ↓

"Yung mommy ko medyo nagulat-gulat," natatawang pagtukoy ni Pauline sa ina niya na kasama niya sa kuwarto noong mga oras na iyon.

Hindi pa raw nila napag-uusapan ng nobyo ang tungkol sa pagpapakasal, lalo pa't pareho daw sila ni Bryan na nakapokus sa kani-kanilang career.

"Career muna, career muna," nangingiting sabi ni Pauline.

Proud girlfriend si Pauline dahil saksi raw siya sa pagmamahal ni Bryan para sa mga kababayan sa Alaminos.

Dagdag pa rito na si Bryan ang isa sa pinakabatang nahalal na alkalde sa buong Pilipinas.

Ipinanganak noong June 5, 1996, si Bryan ay twenty-two years old lamang nang manalo noong May 2019 election.

Sabi ni Pauline ukol dito: "Of course, nakaka-proud! Kasi siyempre talagang knowing Bryan, he's really hardworking talaga and talagang mahal siya dito sa Alaminos.

"Sa totoo lang, priority niya talaga ang mga kababayan niya dito sa Alaminos so kita ko yung dedikasyon niya as a public servant."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

FINALE WEEK OF BABAWIIN KO ANG LAHAT

Ang pinagbibidahang teleserye ni Pauline na Babawiin Ko Ang Lahat ay magtatapos na sa May 21.

Kasama niya rito sina Liezel Lopez, Dave Bornea, Carmina Villarroel, John Estrada, Therese Malvar, Kristoffer Martin, Tanya Garcia, at marami pang iba.

Sa direksyon ni Jules Katanyag, ang Babawiin Ko Ang Lahat ay mapapanood sa GMA Afternoon Prime.

Kung si Pauline ang tatanungin, ano ang gusto niyang role o proyekto na ibigay sa kanya ng GMA-7?

Sagot ng dalaga: "Hindi naman po ako namimili, pero siyempre I have dream roles na gusto ko ring ma-experience which is action.

"Kasi parang naging horror na yung Kambal, Karibal, pero kung horror puwede in naman. Actually, comedy, ganyan...

"But whatever projects na ibibigay nila sa akin siyempre I would love to accept and do the role."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang huling Instagram post ni Pauline Mendoza kasama ang nobyo na si Mayor Bryan Celeste ay kuha sa isang community pantry sa Alaminos, Pangasinan noong April 27. Proud na paglalarawan ni Pauline kay Bryan, "He's really hardworking talaga and talagang mahal siya dito sa Alaminos."
PHOTO/S: @paulinemendoza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results