Richard Gutierrez admits going out with Jewel Mische—for coffee

by Nora Calderon
Dec 20, 2007
"Although I can't afford to have a relationship now, I'm not closing my doors. Ayokong pangunahan yung mga bagay, so tingnan na lang natin. Basta sa ngayon, we work together almost every day kaya hindi maiiwasang maging close kami talaga," says Richard Gutierrez about the possibility of falling for Jewel Mische (inset).


Marami raw dapat ipagsalamat sa Diyos ang young actor na si Richard Gutierrez nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Christmas party ng Gutierrez Family for the entertainment press last Tuesday, December 18, sa Imperial Palace Suites, Quezon City.

"Sunud-sunod po ang blessings na dumating sa akin at sa family ko ngayong 2007," nakangiting wika ni Richard. "It is a good year for me, kahit pa meron din namang ups and downs. This year din namin nasimulan ang pagpapagawa ng sarili naming bahay sa Makati. Malapit nang matapos ‘yon at soon ay lilipat na ang buong family doon."

Ibebenta ba ang bahay nila sa White Plains?

"Hindi, hindi namin ibebenta ‘yon," sagot ng young actor. "Nandoon lahat ang good memories ng buong family. Lahat ng blessings na dumating sa buhay namin, nangyari sa bahay na ‘yon. Mag-iiwan kami ng mga taong magme-maintain doon at siguro, paminsan-minsan, mag-i-stay pa rin kami doon. Wala naman kaming babaguhin sa bahay."

Continue reading below ↓

For 2008, tuluy-tuloy pa rin ang TV and movie projects ni Richard pagkatapos ng ginagawa niya ngayong A Very Special Love, ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Marian Rivera para sa GMA Films at Regal Entertainment.

"Marami rin kaming gagawing major events ng mga kapatid ko," dagdag ni Richard. "Isa dito ay para sa Daddy namin [Eddie Gutierrez]. Excited na kami tungkol dito, pero ayaw muna naming sabihin kung ano ‘yon. Ayaw naming ma-preempt, baka malaman ni Daddy."

ALL ABOUT JEWEL. Matapos ma-link kay KC Concepcion, ngayon naman ay kay Jewel Mische—ang isa sa leading ladies niya sa Kamandag—nali-link kay Richard. Kumusta naman sila ni Jewel, na siya mismo ang pumili parang maging isa sa leading ladies niya?

"Kapag may katambal ka, hindi talaga maiwasan kung minsan na ma-link kayo," nangingiting wika ni Richard. "Hindi ko naman itinatanggi na paminsan-minsan, lumalabas kami ni Jewel. As of now, nasa getting-to-know each other stage kami."

Continue reading below ↓

Lumalabas, as in nagde-date sila ni Jewel?

"No, hindi pa naman," tanggi ng binata. "Several times na kaming lumabas, pero nagku-coffee lang kami kapag medyo mahaba ang dinner break namin sa taping. Jewel is so sweet, and although bago pa lang kaming nagkakatambal, I'm comfortable working with her. Masarap siyang kasama.

"Pero minsan, napapansin ko na nako-conscious siya, naiilang siya kapag tinatanong tungkol sa akin. Kaya sabi ko sa kanya, maging true lang siya sa sarili niya, huwag siyang mahiyang i-voice out kung ano ang napi-feel niya. I know, she will be a good actress."

Totoo bang minsan ay magkasabay silang dumating ni Jewel sa Sunday noontime show nilang SOP, at sa kotse pa niya nakasakay ang dalaga?

"Ah, ‘yon, wala lang. Nag-coffee lang kami ni Jewel bago kami pumunta sa show," paliwanag ni Richard.

A few months ago ay nag-break na si Richard at ang longtime girlfriend niya na si Georgina Wilson dahil sa long-distance love relationship nila. Si Jewel na kaya ang puwede niyang ipalit kay Georgina?

Continue reading below ↓

"Well, tingnan na lang natin," sagot ni Richard. "Although I can't afford to have a relationship now, I'm not closing my doors. Ayokong pangunahan yung mga bagay, so tingnan na lang natin. Basta sa ngayon, we work together almost every day kaya hindi maiiwasang maging close kami talaga."

Read Next
Read More Stories About
Richard Gutierrez, Jewel Mische
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Although I can't afford to have a relationship now, I'm not closing my doors. Ayokong pangunahan yung mga bagay, so tingnan na lang natin. Basta sa ngayon, we work together almost every day kaya hindi maiiwasang maging close kami talaga," says Richard Gutierrez about the possibility of falling for Jewel Mische (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results