Pageant fans abuzz over MJ Lastimosa's "Ay Catriona" comment on Miss Thailand

by Nikko Tuazon
May 15, 2021
MJ Lastimosa
Former Miss Universe Philippines MJ Lastimosa on her comment about Miss Thailand Amanda Obdam's performance during Miss Universe 2020 prelims: "Hindi po ako nang-aaway normal naman pag-aralan mga past queens."
PHOTO/S: @mj_lastimosa on Twitter/Instagram

Hindi napigilan ng former beauty queen na si Mary Jean "MJ" Lastimosa ang kanyang inner pageant fan nang manood ito ng Miss Universe 2020 preliminaries.

Isa si MJ sa mga personal na sumuporta kay Rabiya Mateo sa preliminary competition ng Miss Universe 2020 para sa swimsuit and evening gown. Ginanap ang event nitong Biyernes ng gabi, May 14, 2021 (May 15 naman ng umaga sa Pilipinas), sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood, Florida.

Habang ginaganap ang programa, nag-livestream rin si MJ sa kanyang Instagram account.

Dito ay napansin ng mga fans ang ilan niyang comment sa mga kandidata, partikular na si Miss Thailand Amanda Obdam.

Sa isang video na in-upload ng isang netizen sa Facebook, maririnig ang side comment nito kay Amanda sa swimsuit round ng competition.

Sabi nito, "Ginaya niya si Catriona maglakad. Ganyan si Catriona, e!"

Continue reading below ↓

Ito rin ang napansin niya nang muling rumampa si Amanda sa evening gown competition. Bulalas ni MJ, "Ay, Catriona!"

Sa Twitter, sinagot ni MJ ang ilang tweets patungkol sa mga comments nito kay Miss Thailand.

Ang tweet ng isang netizen sa kanya, "Bakla ka! Nakita ko videos at mga sinasabi mo kay Manding. Pag ikaw na-bash. Hahahaha. Nagkalat ka masyado, baklang to. Haha. Pero support kita. Hahahahahaha. Labyu. Ingat ka dyan. Todo support na bukas, buga mo na lahat. Haha."

Continue reading below ↓

Netizen warns MJ Lastimosa for possible bashers

Sabi naman ni MJ, may comments din siya sa iba pang kandidata, hindi lang kay Amanda. Pinuri rin nito ang ganda ng Thai beauty queen.

Aniya, "May comment naman ako sa lahat mumshie di lang sa kanya pero ang ganda niya!"

Continue reading below ↓

Sa isa pang tweet, nilinaw ni MJ na wala siyang inaaway bagkus ay nagsasabi lang siya ng kanyang obserbasyon.

Bukod dito, inamin rin ni MJ na maging siya ay may pinaggayahan din na beauty queen.

Ang tweet ng 33-year-old actress/host, "Hindi po ako nang-aaway normal naman pag-aralan mga past queens. I just can see cat on her I also watched cat live in Thailand, e. I also studied Dayana Mendoza love her to death."

Si Dayana ang kinatawan ng Venezuela at kinoronahang Miss Universe noong 2008.

Continue reading below ↓

May ilang netizens na naaliw at natawa sa mga side comments ni MJ.

Netizens react to MJ Lastimosa comment to Miss Thailand

Netizens react to MJ Lastimosa comment to Miss Thailand

Continue reading below ↓

Netizens react to MJ Lastimosa comment to Miss Thailand

Ngunit meron ding mga Pinoy na hindi natuwa sa naging comments nito kay Miss Thailand.

Netizen dismay over MJ Lastimosa comment to Miss Thailand

Continue reading below ↓

Netizen slams MJ Lastimosa for comparing Miss Thailand to Catriona Gray

Bago ang Miss Universe 2020 preliminaries, isa si MJ sa mga nangunang ipagtanggol si Rabiya matapos nitong umani ng samu't saring reaksiyon tungkol sa kanyang national costume.

Sa May 16, 2021 (May 17 naman sa Pilipinas) gaganapin ang grand coronation night ng Miss Universe 2020.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Miss Universe Philippines MJ Lastimosa on her comment about Miss Thailand Amanda Obdam's performance during Miss Universe 2020 prelims: "Hindi po ako nang-aaway normal naman pag-aralan mga past queens."
PHOTO/S: @mj_lastimosa on Twitter/Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results