Katrina Velarde ties the knot with American fiancé Mark Shapiro

by Arniel C. Serato
May 16, 2021
Suklay Diva Katrina Velarde finally weds American fiancé Mike Shapiro in a private wedding ceremony held in Tagaytay today, May 16, 2021.
PHOTO/S: Courtesy: @katrinavelarde24 on Instagram / Katrina Velarde on Facebook

Sa wakas ay natuloy na rin ang naudlot na kasal ng singer na si Katrina Velarde sa American fiancé nitong si Mike Shapiro.

Ngayong araw, May 16, ibinahagi ni Katrina sa kanyang Facebook ang larawan nila ng asawa na magkayakap sa wedding venue nila sa AQUILA Crystal Palace, Tagaytay Events Place, Tagaytay.

Simpleng caption niya, “#Masteipiece #MrsShapiro

Continue reading below ↓

Pribado daw ang kasal, ayon pa sa isang post sa Facebook.

Dapat ay noong July 2020 pa ang kasal nina Katrina at Mike ngunit naurong ito dahil sa coronavirus pandemic.

Inamin ito ni Katrina sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panayam sa kanya noong November 2020.

Hindi na rin daw nila pinilit at maghihintay na lamang daw sila ng nararapat na panahon na maisakatuparan ito.

Continue reading below ↓

Saad niya, "Dapat ikakasal kami noong July, kaso hindi muna namin itinuloy dahil sa pandemic. Kesa pilitin, huwag na lang."

Isang respetadong American musician si Mike na nakatrabaho na ang mga sikat na personalidad katulad nina Justin Timberlake, ng Black Eyed Peas, at ng late singer na si Natalie Cole.

Si Gary Valenciano ang naging tulay upang magkakilala sina Katrina at Mike.

Kaibigan kasi ni Mr. Pure Energy si Mike.

Si Mike palagi ang kinukuhang drummer ni Gary sa mga U.S. tour nito.

Si Katrina naman ang madalas na guest ni Gary kapag may mga concert ito sa Amerika.

Nang magkaroon ng relasyon ang dalawa, nagpasya na si Mike na manirahan nang permanente sa Pilipinas.

Kuwento pa noon ng singer na naunang nakilala bilang Suklay Diva, “Nandito na si Mike sa Pilipinas. For good na siya dito. Siyempre ang feeling ko, ang ganda-ganda ko!

"Yung puso niya kasi malapit talaga sa Pilipinas, kaya hindi nahirapan si Mike na mag-decide na dito na lang siya sa atin.

Continue reading below ↓

"Ayoko sa States, iba ang feeling kapag nandoon ako. Mas gusto ko talaga sa bansa natin kaya sabi ko sa kanya, dito na lang siya sa Pilipinas.

"Hindi naman siya nahirapan na mag-adjust dahil marami siyang kaibigan dito."

May four-year-old son na si Katrina sa isang dating karelasyon, pero itinuturing ito ni Mike na tunay na anak.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Suklay Diva Katrina Velarde finally weds American fiancé Mike Shapiro in a private wedding ceremony held in Tagaytay today, May 16, 2021.
PHOTO/S: Courtesy: @katrinavelarde24 on Instagram / Katrina Velarde on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results