Rabiya Mateo of the Philippines, Amanda Obdam of Thailand spotted holding hands after Miss Universe 2020 finals

by Rachelle Siazon
May 17, 2021
NOT SEEN ON TV: Despite the tough fight in the 69th Miss Universe pageant, Rabiya Mateo of the Philippines and Amanda Obdam of Thailand remain good friends off cam. Seen here on the center photo is a snapshot of them holding hands as they exit the stage.
PHOTO/S: @furneamato Instagram / Benjamin Askinas for MUO

Matindi man ang labanan sa kakatapos na 69th Miss Universe coronation night, nangibabaw ang pagkakaibigan sa pagitan nina Miss Philippines Rabiya Mateo at Miss Thailand Amanda Obdam.

Miss Philippines Rabiya Mateo and Miss Thailand Amanda Obdam holding hands

Sa social media, sina Rabiya at Amanda ang pinakamainit na pinag-usapan mula noong preliminary competition hanggang nitong finals night.

Bukod kasi sa pareho silang strong contenders ay marubdob din ang suporta ng Pinoy at Thai fans sa kanila.

Continue reading below ↓

Pero kakatwang huli sa aerial shot ng camera ang holding-hands-while-walking moment nina Rabiya at Amanda nang matapos ang pageant program.

Base ito sa video na kumakalat ngayon sa social media.

Kuha iyon habang pa-exit sila ng stage sa venue.

Miss Philippines Rabiya Mateo and Miss Thailand Amanda Obdam hold hands at Miss Universe 2020

Si Amanda ay pasok sa Top 10 finalists, habang si Rabiya ay nakabilang sa Top 21 finalists ng Miss Universe 2020.

Continue reading below ↓

Nagwagi naman bilang Miss Universe 2020 si Andrea Meza ng Mexico.

PINOY FANS BASHING THAILAND

Hindi kaila na ilang araw umani si Amanda ng batikos mula sa Pinoy fans na nagsasabing copycat siya ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, na pambato ng Pilipinas noon.

Base sa performance ni Miss Thailand, marami kasi ang nakapansin na kuha nito ang sexy pose at style ng pagrampa ni Catriona sa stage.

Filipino pageant fan bashes Miss Indonesia and Miss Thailand

Continue reading below ↓

Noong May 5, ibinahagi ni Rabiya sa Philippine press na humingi siya ng paumanhin kay Amanda at pati na rin kay Nova Stevens ng Canada dahil sa toxic messages na natanggap ng mga ito mula sa Pinoy fans.

Umapela noon si Rabiya na sana ay tigilan na ang pagpakalat ng hate messages dahil hindi raw iyon ang nais niyang maging impression ng ibang bansa sa mga Filipino.

RABIYA AND AMANDA'S CAMARADERIE

Pinatotohanan nina Rabiya at Amanda ang mabuti nilang pakikitungo sa isa't isa dahil bago pa ang finals night ay may mga pagkakataong nagkakasama na sila.

Noong May 8 (Philippine time), unang nagkrus ang landas ng dalawa at ibinahagi pa ito ni Amanda sa kanyang Instagram Story.

"Finally meeting Miss Philippines!" masiglang sabi noon ni Amanda.

Sagot ni Rabiya, "Sawadee ka, Thailand!"

Nakangiting sabi ni Amanda, "Sawadee ka! Mabuhay!"

Rabiya Mateo with Amanda Obdam

Continue reading below ↓

Nagkasama rin sila sa ibang photo at video shoots bago ang coronation night.

Nang umiyak si Rabiya matapos ang aberya na dinanas sa National Costume Competition noong Biyernes, May 14 (Philippine time), si Amanda ang isa sa beauty queens na nanguna sa pagbigay ng words of comfort para kay Rabiya.

"Beautiful" ang paglalarawan ni Amanda kay Rabiya na nagsuot noon ng Philippine flag at Victoria Secret Angel-inspired costume.

Amanda Obdam comments on Rabiya Mateo national costume

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
NOT SEEN ON TV: Despite the tough fight in the 69th Miss Universe pageant, Rabiya Mateo of the Philippines and Amanda Obdam of Thailand remain good friends off cam. Seen here on the center photo is a snapshot of them holding hands as they exit the stage.
PHOTO/S: @furneamato Instagram / Benjamin Askinas for MUO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results