Vilma Santos happy to see son Luis Manzano married to Jessy Mendiola

by Rachelle Siazon
May 19, 2021
Vilma Santos on relationship of Luis Manzano and Jessy Mendiola: "They've been together for four years. One thing na na-appreciate ko, and siguro nakita rin ni Lucky kaya sila ang nagkatuluyan ngayon, isa lang ang significant na napuna ko kay Jessy. Hindi ko siya nakitaan ng kompetisyon sa anak ko."
PHOTO/S: @rosavilmasantosrecto Instagram

"Happy ako na now he's now married."

Ito ang pahayag ni Batangas Sixth District Representative Vilma Santos, 67, sa pagpapakasal ng anak niyang si Luis Manzano, 40, sa longtime girlfriend na si Jessy Mendiola, 28.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), aminado si Vilma na matagal din niyang hinintay na lumagay sa tahimik si Luis.

Hindi raw siya "stage mom" o nakikialam sa love life ng anak, pero nais daw niyang ma-enjoy ni Luis ang pagpapamilya.

Si Luis ay ikinasal kay Jessy sa Batangas noong February 21, 2021.

"Nung nalaman ko dito na at last, may engagement na, sabi ko, 'Anak, totoo na ba ito? My god, anak, are you sure?'

"Kasi, looking forward na rin ako. Gusto ko ma-enjoy family niya. And gusto ko na rin may baby. Gusto ko na rin ng apo. Wala nang baby sa bahay.

"Sabi ko, 'Anak, no pressure naman. Kaya lang you're not getting any younger. Gusto ko rin ma-enjoy mo yung may mga anak ka, may family life ka.

Continue reading below ↓

"'Iba pa rin yun kasi nag-iiba ang outlook mo sa buhay, and I want you to experience that.'

"Ngayon niya ine-enjoy iyan."

Sa wedding video na ibinahagi nina Luis at Jessy noong April 4, makikita na naroon si Vilma at ang ama ni Luis na si Edu Manzano.

Hindi nakarating ang ina ni Jessy na si Didith Garvida, pero makikita sa video na tinawagan ng couple via video call si Didith.

Pati si Vilma ay makikitang kausap din si Didith sa video call.

Luis Manzano and Jessy Mendiola wedding

Continue reading below ↓

WHAT MADE LUIS AND JESSY PERFECT FOR EACH OTHER

Nakapanayam ng PEP.ph editorial team si Vilma via Zoom Call noong April 28.

Dito hiningan ng PEP.ph ng komento si Vilma tungkol sa apat na taong relasyon nina Luis at Jessy.

Hindi kaila sa publiko na nakakasama si Jessy sa family gatherings ng pamilya ni Luis, at dito napansin ni Vilma kung ano ang katangiang nagpatatag sa magkasintahan na ngayon ay mag-asawa na.

Paliwanag ni Vilma: "They've been together for four years.

"One thing na na-appreciate ko, and siguro nakita rin ni Lucky kaya sila ang nagkatuluyan ngayon, isa lang ang significant na napuna ko kay Jessy.

"Hindi ko siya nakitaan ng kompetisyon sa anak ko. Wala akong nakitang trace ng competition, especially pag parehong showbiz.

"Alam mo ibig ko sabihin? May naiiwan na ego trip iyan, e, na, 'Artista ako, di ba?'

"Even if you and I are in show business, parang kahit papaano may kumpitensiya. Hindi ko nakitaan ng ganoon.

Continue reading below ↓

"Talagang nakita ko lang minahal niya at very supportive naman kay Lucky.

"Aside from that, mas alam nilang dalawa iyon. But yun lang ang nakita ko na medyo nagpatatag sa kanila."

Luis and Jessy with Vilma Santos and Ryan Christian

WHEN ASKED FOR LOVE ADVICE

Proud si Vilma dahil maganda ang relasyon nilang mag-ina.

Continue reading below ↓

Alam daw ni Luis na kahit hindi siya nakikialam sa personal na buhay nito ay madali siyang lapitan kung kailangan ng payo ng anak.

Pagdating sa pag-ibig, binibigyan lang daw niya ng female perspective si Luis kapag may naidudulog itong love problem noon.

"Minsan, 'Mom, what do you think? It's like this, like that.' And then magsi-share ako ng sagot ko.

"But at the end of the day, hindi ko desisyon. Desisyon mo.

"Liliwanagan ko lang, kasi wala akong babaeng anak, e. Kaya pinapaliwang ko palagi sa kanya ang side ng babae."

Pinalaki raw niya si Luis na isaalang-alang ang damdamin ng karelasyon kapag may mga hindi pagkakaunawaan.

Sabi ni Vilma, "Halimbawa, nag-away. Siyempre lalaki, magsusumbong siya, 'Ganito ang sitwasyon, Mom.'

"As a mom, ibinibigay ko yung side ng babae, 'Baka ganito naman anak. Hindi naman tama iyon sa aming babae.' Things like that.

"Ganun ko sila naga-guide, ganun ko sila natutulungan in a way. Same thing with Ryan.

Continue reading below ↓

"So, nakaka-share ako sa kanila ng feelings ng isang babae. Ganun ang palaki ko sa aking dalawang bruskong anak. Hahaha!"

Ang tinukoy ni Vilma na Ryan ay ang bunsong anak na si Ryan Christian Recto, 25.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos on relationship of Luis Manzano and Jessy Mendiola: "They've been together for four years. One thing na na-appreciate ko, and siguro nakita rin ni Lucky kaya sila ang nagkatuluyan ngayon, isa lang ang significant na napuna ko kay Jessy. Hindi ko siya nakitaan ng kompetisyon sa anak ko."
PHOTO/S: @rosavilmasantosrecto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results