BidaMan finalist Jervy delos Reyes laughs off comparison with fellow erotic performer Lloyd Agustin

by Jerry Olea
May 20, 2021
Jervy delos Reyes on his battle with depression: "Actually, halu-halo po, e. Minsan po, nag-iiba yung mood ko. Minsan po, may times na nalulungkot ako nang hindi ko alam ang dahilan. May times na umiiyak ako, ganun.”
PHOTO/S: @jervydlreyes on Instagram

Disisais (16) anyos si Jervy delos Reyes nang magkaroon daw siya ng mental health problem.

Kaugnay nito, inamin ng BidaMan finalist na may pagkakataong naisip niyang saktan ang kanyang sarili at kitilin ang sariling buhay.

“Yes po. Actually, halu-halo po, e. Minsan po, nag-iiba yung mood ko. Minsan po, may times na nalulungkot ako nang hindi ko alam ang dahilan.

“May times na umiiyak ako, ganun,” pahayag ni Jervy sa pagpapatuloy ng exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kumonsulta ba siya sa psychiatrist?

“Yes po. Meron po akong psychiatrist ngayon po talaga. Nagma-monthly check-up ako, tapos nagte-take din po ako ng medication.

“Pampakalma po iyon, as in makakatulog na lang po ako.”

Mas lumala raw ang mental health problem ni Jervy nang lumaganap ang pandemya.

“Opo. Kasi, grabe po talaga yung inano ng pandemic. Ang daming nawalan ng trabaho,” mabilis na pag-ayon ni Jervy.

Nabaon ba siya sa utang sa pagtagal-tagal ng pandemic?

Continue reading below ↓

Napailing nang bahagya si Jervy, “Hindi naman po. Hindi naman po ako nabaon sa utang, kasi madiskarte naman po ako. Ginagawan ko naman po ng paraan.

“Minsan po, nakikisabit ako sa raket ng mga tropa ko. Kunwari, may taping, ganun. Sinasabi ko po, isabit ako.

“Tapos, yun nga po. Yung… eto, pinasok ko po yung pagbebenta ng private contents online.”

May mga katropa o kaibigan ba siyang lumayo sa kanya nang sumabak siya sa ganoong trabaho?

“Ahh, hindi naman po. Parang doon ko nga po natagpuan iyong mga tunay kong kaibigan, e.

“Pag once na may ginawa kang ganoon, na parang medyo malakas yung impact sa mga taong malalapit sa iyo talaga…

“Parang doon mo mapapatunayan kung sino yung mga taong mag-i-stay talaga sa iyo.”

ON HIS FRIENDSHIP WITH LLOYD AGUSTIN

Nag-uumpisang lumaganap ang pandemya nang maging kaibigan ni Jervy ang TikTok influencer na si Lloyd Agustin, ang mentor niya sa paggawa ng mga erotikong performance.

“May kaibigan po kasi si Lloyd na niligawan ko. Tapos, doon ko po nakilala si Lloyd,” paggunita ni Jervy.

“Last year po iyon. Hindi pa po mahigpit noon, as in wala pang curfew.”

Sa ngayon ay BFF na sila ni Lloyd. Alam nila ang password ng social media accounts ng isa’t isa.

“Yes po. Talagang sobrang close ko na po si Lloyd ngayon.”

Tanggap daw ni Jervy ang pagkukumpara sa kanila ni Lloyd ng kani-kanilang subscribers.

Ayon sa ilang subscribers, hindi raw sulit ang subscription fee kay Jervy, as in shortchanged daw sila.

“Actually, in-embrace ko po yung pamba-bash nila. Kasi, kahit na ma-depress ako, parang hindi po ako nade-depress.

“Kasi, parang dinadaan ko na lang po na in good vibes, in positive way na… yun nga, sabi ko sa kanila, ‘O, maliit naman, kaya nga binansagan ko yung sarili ko na kikiam, e!’ sabi kong ganun sa kanila. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” napayukong pagtawa ni Jervy.

Continue reading below ↓

“Parang ano po, hindi po ako nagpapaka-depressed.”

Lloyd Agustin and Jervy Delos Reyes

Lloyd Agustin and Jervy del Rosario

BIDAMAN FINALISTS

Kumusta naman ang reaksiyon ng mga kasamahan niya dati sa It’s Showtime, lalo na iyong ibang BidaMan finalists?

“Ayun po, kinukumusta naman po nila ako. Tapos, sabi nila, wala naman daw po silang judgment sa akin.

Continue reading below ↓

“Kasi, matagal na po nila akong kilala. E, iyon nga po, parang magkakapatid na po kami talaga. As in big family na kami sa Showtime.”

May mga nagtanong ba sa kanya kung paano sumabak sa pagbebenta ng mga erotikong video, partikular sa mga kapwa niya BidaMan?

Umiling agad si Jervy, “Wala naman pong nagtatanong sa akin. And if ever na may magtatanong man sa akin na taga-Showtime, or ibang kaibigan ko na malapit sa akin, isa lang po ang sasabihin ko.

“Na huwag na nilang pasukin.”

Bakit? Dahil kakumpitensiya niya?

“Hindi naman po sa kakumpitensiya. Ayaw ko lang po na maramdaman nila yung nangyari sa akin,” katuwiran ni Jervy.

“Na iyon nga po, andaming judgment ng lipunan natin.”

Continue reading below ↓

Gusto pa ba niyang ipagpatuloy ang pag-aartista?

“Para sa akin po, if ever na may opportunity na dumating, why not? Pero sa ngayon po, parang... mahirap pa, e.

“Kasi, talagang pandemic po talaga, e. Saka sa sitwasyon po ngayon ng ABS-CBN, parang... medyo mahirap pa talagang ipagpatuloy, e.”

So, loyal siya sa ABS-CBN? Ayaw niyang sumubok sa GMA-7 o TV5?

“Yes po. Kasi, sila po yung nagbigay sa akin ng trabaho talaga. Sila yung nagbigay sa akin ng... kung nasaan ako nakatayo ngayon.

“Sila ang dahilan kung bakit ako nandito.”

Idolo ni Jervy sina Robin Padilla at Coco Martin. Inaasam niyang makapag-guest sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Mas OK po sa akin kung kontrabida ako. Mas kaya ko pong gampanan yung pagiging kontrabida, e.”

Magaling ba siyang bumaril?

“Magaling po akong magpaputok!” natatawang bulalas ni Jervy.

EMBRACING JUDGMENT FROM OTHERS

Ang idolo niyang si Robin Padilla, tinagurian noon bilang Bad Boy of Philippine Cinema. E, siya, maituturing bang bad boy?

Continue reading below ↓

Napakunot-noo si Jervy, “Ahhh, hindi po. Pero ganoon na po kasi iyong dumadating na image sa ibang tao pagdating sa akin.”

Paano niya ide-describe ang kanyang personality?

“Ako po kasi, seryoso po talaga ako sa buhay, as in dinadamdam ko lahat. Pero ngayon po kasi, nang pinasok ko po ito, parang I learned how to control my emotions.

“Parang naging strong akong tao. Parang na-develop yung personality ko dahil dito sa ginawa ko, na iyon nga, hindi ko kailangang magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao.

“Parang imbes na ika-depress ko iyong pandya-judge nila sa akin, parang in-embrace ko na lang.

“Kasi, iyon naman talaga ako. Parang I’m just being myself na... oo, maliit ito, ganun talaga.

“Hindi naman perpekto yung ginawa ni Lord, e. Wala namang perpekto na ginawa si Lord, na guwapo ka na, daks ka pa, di ba?” natatawang hirit ni Jervy.

EXPERIENCE WITH A TRANS

Sobrang dami ng nag-message ng indecent proposal kay Jervy mula nang magbenta siya ng private contents online.

Continue reading below ↓

“Pero hindi ko po tinatanggap. Siguro po, wala pa ako sa point na ganoon,” sabi ni Lloyd.

Sa future ba, posibleng tumanggap siya ng ganoong offer?

“Iyon po ang hindi ko alam. Kasi, hindi naman po natin alam kung ano yung mangyayari sa future. Parang mas nagpo-focus po ako sa present.

“Kasi, sa present, pwede ko pang maiayos iyong future ko, e.”

May experience na ba siya sa gays?

Mabilis na tumugon si Jervy, “Wala pa po. Pero meron po akong experience sa trans.“

Alam niyang trans iyong nakatalik niya?

“Hindi ko po alam na trans siya noong una. Nagkakilala po kami sa inuman. Noong 2019 po iyon, BidaMan days.

“Hindi ko po nahalatang trans siya. Kasi po, sobrang ganda po niya talaga. As in babaeng-babae.

“Lasing na lasing po ako noon. Nalaman ko lang po na trans siya noong sinabi niya, noong tapos na.”

Anong reaksiyon niya nang ipagtapat ng kasiping niya na trans ito?

Continue reading below ↓

“Wala lang. Nagulat po ako. Tapos, siyempre, parang bago po sa experience ko. So, nanibago po ako na... ay! Ganoon pala yung feeling nun!”

Naulit pa ba ang minsang karanasan niya sa trans?

“Hindi na po.”

Ano ang paborito niyang sports?

“Basketball po. Magaling po akong mag-shoot!”

Magaling din ba siyang lumangoy at sumisid?

“Ay! Yes po! Iyan po ang specialty ko talaga!”

Good in bed ba siya?

“Siyempre! Talo po ako sa size, kaya bumabawi po ako sa performance.”

Hanggang ilang round ang kaya niya sa pakikipagtalik?

“Dati po, umaabot ako ng eight [8], e,” sambit ni Jervy, na 16-anyos daw nang ma-devirginize.

Anong sabi ng babae pagkatapos ng ikawalong round?

“Isa lang po ang sinasabi sa akin, e. Pag minsan po, kinabukasan... sinasabi po sa akin, hindi siya makalakad. Ganun!

“Kasi siyempre, kikiam na nga po ako, e! Bakit ba?! Pagbibigyan ko na lang ng marami para matuwa naman! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak pa ni Jervy.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jervy delos Reyes on his battle with depression: "Actually, halu-halo po, e. Minsan po, nag-iiba yung mood ko. Minsan po, may times na nalulungkot ako nang hindi ko alam ang dahilan. May times na umiiyak ako, ganun.”
PHOTO/S: @jervydlreyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results