Arabella del Rosario says no reason to feel jealous of Jimuel Pacquiao's ex-girlfriend Heaven Peralejo

by Melba R. Llanera
May 20, 2021
Arabella del Rosario on quarantine love with boyfriend Jimuel Pacquiao: "Hindi naman namin pinababayaan, parang nagmu-multitask naman kami. Palagi kaming on call, pagkagising, after training niya, tapos bago matutulog. Medyo mahirap, but we find ways naman."
PHOTO/S: @arabelladelro Twitter / @pacquiao.emmanuel Instagram

Siniguro ni Arabella del Rosario, 19, na hindi isyu sa kanya kung magkrus man ang landas ng dating magkasintahang sina Jimuel Pacquiao, 20, at Heaven Peralejo, 21.

Si Arabella ang current girlfriend ni Jimuel, na anak nina Senator Manny at Jinkee Pacquiao.

Nasa pangangalaga ng ABS-CBN talent management na Star Magic sina Arabella, Jimuel, at Heaven.

Pareho namang celebrity endorsers sina Jimuel at Heaven ng isang clothing brand, kaya bago nagpandemya ay nagkakasama pa ang mga ito sa mall shows.

Dati na ring naiulat na nagkakausap sa mall shows sina Jimuel at Heaven, pati ang kanilang mga ina, dahil naging maayos naman ang paghihiwalay ng dalawa.

Para naman kay Arabella, hindi raw iyon magiging mitsa ng alitan o selosan sa pagitan nila ng nobyong si Jimuel.

Sabi ni Arabella sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Hindi naman. I trust him. Pinakauna, I trust him naman.

"Marami na rin siyang na-explain na mga bagay. Saka wala naman siyang ginagawa na anything para magduda ako.

Continue reading below ↓

"Palagi niya akong binibigyan ng reassurance. Pinapakita niya hindi sa salita pero mas sa gawa."

Simula't sapul, aware naman daw si Arabella na endorsers sina Jimuel at Heaven ng isang clothing brand.

Ani Arabella, "Nabanggit na niya sa akin, pero nalaman ko before pa."

Noong May 15, nakapanayam ng PEP.ph si Arabella sa virtual media launch ng Kumita at Gumanda sa Orabella ad campaign ng skincare brand na Orabella.

ARABELLA ALREADY MET HEAVEN

Dahil nasa iisang istasyon, personal nang nagkakilala sina Arabella at Heaven sa isang okasyon noong February 28, 2020.

Kuwento ni Arabella: "Actually, once nung debut ni Maggie, kapatid ni Daniel Padilla. Seatmates kami pero di kami masyadong nag-usap.

"Actually, hindi ko pa kilala si Jimuel nun.

"She's nice naman. She came a little bit late, as I recalled. She said hi naman."

Tinanong din ng PEP.ph ang showbiz newbie kung bukas ba siyang makasama sa isang proyekto si Heaven.

Continue reading below ↓

"Wala namang problema sa akin," sagot ni Arabella.

ARABELLA AND JIMUEL'S QUARANTINE LOVE

Isang relasyon na nabuo sa panahon ng pandemic ang kuwento ng pag-iibigan nina Arabella at Jimuel.

Bandang December 2020 nang unang mapansin sa social media ang sweet moments ng dalawa.

May tweet noon si Arabella ng litrato nila ni Jimuel na magkahawak-kamay habang nagmamaneho ang binata.

Twitter Post: Arabella del Rosario with boyfriend Jimuel Pacquiao

Continue reading below ↓

Si Jimuel naman ay nag-post din ng litrato via Twitter noon.

Twitter Post: Jimuel Pacquiao and Arabella del Rosario

Limitado man ang pagkikita nila ng nobyo, nakakaisip daw sila ng paraan para magkaroon ng quality time.

Lahad ni Arabella: "Hindi naman namin pinababayaan, parang nagmu-multitask naman kami. Palagi kaming on call, pagkagising, after training niya, tapos bago matutulog.

Continue reading below ↓

"Medyo mahirap, but we find ways naman.

"We don't go outside naman, but he often visits me on my place."

Patuloy na pagkukuwento sa amin ni Arabella, marami ang pagkakatulad nila sa ugali ng kasintahan.

"Sa pag-iisip and personality-wise, same kami and sa religion.

"Yun ang importante—that God is the center of our relationship.

"We always hear service every Sunday. Kahit virtual lang, sabay kaming nagse-service sa YouTube kasi mayroon naman dun.

Dugtong ni Arabella: "Siyempre, mayroon naman kaming differences. But from our differences, we learn from each other.

"Lahat naman iba-iba ang pag-iisip. Pero when we talk about topics, nagse-share kami ng ideas."

ARABELLA AND JIMUEL'S "BABY"

Sa ngayon nga ay may "baby" na sila Jimuel at Arabella—isang aso na ang breed ay bully.

Paliwanag ni Arabella: "Si AJ, pinagsamang Arabella-Jimuel, bully siya.

"Actually, binigay siya sa akin ng ninong ko. One time, nagpunta kami ng Bulacan, dun siya based, dun ibang family ko. Nagbi-breed siya ng bullies, sine-sale niya sa ibang tao dun.

Continue reading below ↓

"He asked us kung gusto namin. Umoo naman kami."

Pareho raw nilang inaalagaan ang kanilang aso na si AJ.

"Nandito siya sa akin ngayon, pero sa mga kailangan niya, like vaccine, cage and other stuff... Marami kasing kailangan kasi para siyang baby. Share naman kami.

"Marami kasi silang pets, kasi pag nasa kanya kailangan niyang asikasuhin.

"Medyo marami rin siyang ginagawa—school, taping, and iba pang outside showbiz so wala siyang time."

ARABELLA ON JIMUEL'S PASSION FOR BOXING

Puspusan daw ang training ni Jimuel, na nais pasukin ang larangan ng boxing tulad ng amang si Manny na kilalang world boxing champ.

Hindi itinago ni Arabella na may kaba siya sa passion ng boyfriend, pero buo ang suporta niya para dito.

Paliwanag ng dalaga: "Kahit nga sparring, kasi nag-i-sparring din siya, natatakot na ako. 'Hala, ano kaya ang mangyayari?' But I trust him. I trust him na alam niya sa sarili niya na kaya niya.

Continue reading below ↓

"Of course, ako rin naniniwala ako sa kanya kasi passion niya yun. And I see him every day training, working hard, na di talaga biro.

"Alam ko na passion niya talaga, and, of course, nandito lang ako bilang girlfriend niya to support him.

"Hindi mawawala ang kaba, pero pray na lang tayo na kaya niya and di siya masyadong masaktan nang sobra-sobra."

ARABELLA'S UPCOMING PROJECT

Gusto ni Arabella na magkapareha sila ni Jimuel kung bibigyan sila ng proyekto ng ABS-CBN in the future.

Pero sa ngayon ay nakapokus daw muna si Arabella sa paggawa ng pangalan bilang solo artist.

Paliwanag niya: "Right now, ayoko naman to be known as parang [part of a ] love team. Parang I want to make a name for myself muna.

May pinaghahandaan si Arabella na isang upcoming serye ng Kapamilya network, pero hindi pa siya nagbigay ng detalye ukol dito.

"I'm getting ready for a lock-in taping for one of the seryes. Magla-lock-in ako for a role," sabi lang ng dalaga.

Continue reading below ↓

Nagpapasalamat din si Arabella dahil pinalad siyang magkaroon ng endorsement sa panahon ng pandemya.

Malaking bagay raw ang natanggap niyang talent fee mula sa Orabella.

"It really helped me and family during this pandemic kasi mahirap talagang kumita.

"I just want to save it din for myself and for my future uses. But if ever na kailangan to help my mom out, kasi single mother si Mommy, of course I'm more than willing to help her out kasi she gave it to me as my money.

"Ginagamit ko na yung iba, pero I think wisely on how to spend it.

"I'm very matipid now, especially I'm in adulting stage, so I'm very picky now on how to spend my money."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arabella del Rosario on quarantine love with boyfriend Jimuel Pacquiao: "Hindi naman namin pinababayaan, parang nagmu-multitask naman kami. Palagi kaming on call, pagkagising, after training niya, tapos bago matutulog. Medyo mahirap, but we find ways naman."
PHOTO/S: @arabelladelro Twitter / @pacquiao.emmanuel Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results