Willie Revillame asks John Lloyd Cruz why he left showbiz in 2018

by Arniel C. Serato
May 20, 2021
Willie Revillame on friend John Lloyd Cruz's temporary showbiz leave in 2018: "Yun bang binigyan niya ng halaga yung sarili niya.”
PHOTO/S: Courtesy: @samverzosa / @direkbobot on Instagram

Nag-bonding ang magkaibigang Willie Revillame at John Lloyd Cruz, kasama ang ilan pang kaibigan, sa resort ng TV host sa Puerto Galerana Wil’s Cove.

Nagkuwentuhan ang dalawa tungkol sa buhay-buhay, at isa raw sa napag-usapan nila ay ang tungkol sa pansamantalang pamamahinga ni John Lloyd sa showbiz noong 2018.

Sa programa niyang Wowowin: Tutok To Win kahapon, May 19, binanggit ng 60-year-old TV host ang aktor.

Ani Willie, “Actually, gusto ko lang batiin ang kaibigan nating si John Lloyd.

“Kagabi kasama ko siya, nasa Puerto Galera kami. Nagkuwentuhan kami sa buhay.

“Tinanong ko siya, 'Bakit ka ba huminto?'”

Nagkuwento naman daw si John Lloyd ng dahilan nito sa pansamantalang paglisan sa showbiz.

Pagpapatuloy ni Willie, “Alam mo, maganda yung mga rason niya, e. 'Paminsan nabe-burnout ka na. Ito na lang po ginagawa ko araw-araw. Paggising ko, shooting. Pagtulog ko, paggising ko, shooting.'”

Ang dating daw kay Willie, parang binigyan muna ni John Lloyd ang sarili ng panahon upang makapagpahinga.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “’Yun bang binigyan niya ng halaga yung sarili niya.”

“WELCOME BACK JLC”

Kasama rin nina Willie at John Lloyd sa kanilang bonding ang mga direktor na sina Bobot Mortiz at Cathy Garcia-Molina, ang dating Star Cinema head na si Malou Santos, at Frontrow executive na si Sam Verzosa.

Sabi ni Direk Bobot sa isa niyang post sa Instagram, “Kasama ko mga Lodi!!”

View this post on Instagram

A post shared by direkbobot (@direkbobot)

Winelcome naman niya si John Lloyd sa pagbabalik-showbiz nito.

Post pa ni Direk Bobot, “Welcome back JLC...”

View this post on Instagram

A post shared by direkbobot (@direkbobot)

Post naman ni Sam, “Sorrounded by ICONS in their industry.. award winning actor (jl aka popoy), host (kuya wil), directors (direk bobot and direk cathy garcia-molina), producer (Malou Santos) of Star Cinema.”

View this post on Instagram

A post shared by SV (@samverzosa)

May 2018 nang mag-indefinite leave sa showbiz si John Lloyd sa kasagsagan ng kontrobersiyal na relasyon nila ni Ellen Adarna.

Base sa official statement mula sa ABS-CBN Corporate Communications noon: “John Lloyd will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence.”

Continue reading below ↓

Hindi maliwa kung ano ang pinakarason ng kanyang pansamantalang pagtalikod sa showbiz.

Ngayong taon, muling magbabalik sa showbiz si John Lloyd. Nasa pangangalaga siya ng bagong talent management na pag-aari ni Maja Salvador, ang Crown Artist Management (CAM).

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame on friend John Lloyd Cruz's temporary showbiz leave in 2018: "Yun bang binigyan niya ng halaga yung sarili niya.”
PHOTO/S: Courtesy: @samverzosa / @direkbobot on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results