Jennica Garcia admits split with husband Alwyn Uytingco

by Arniel C. Serato
May 21, 2021
Jennica Garcia: "From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made."
PHOTO/S: Courtesy: @jennicauytingco on Instagram / FILE

Kumpirmadong hiwalay na sina Jennica Garcia at Alywn Uytingco.

Pitong taon ang itinagal ng kanilang relasyon kung saan nagbunga ng dalawang babaeng supling ang pagsasama nila.

Ikinasal ang dalawa sa isang secret wedding noong February 2014.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com na lumabas kagabi, May 20, nagpahiwatig si Jennica na hindi na buo ang kanilang pamilya.

Deklarasyon ni Jennica tungkol sa kasalukuyang sitwasyon niya: "From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made."

Ang tinutukoy niya ay ang kabuuan ng kanilang pamilya ni Alwyn at ng dalawa nilang anak na babae—sina Mori, 4, at Alessi, 3.

Marespeto namang tumanggi si Jennica na isapubliko ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Sabi nito, “That's the most that I could say right now. That's the most that I can say now.

"It's the reason din kasi talaga kung bakit kinailangan [ko] bumalik sa pag-aartista."

Jennica Garcia and Alywn Uytingco

Continue reading below ↓

Lumutang ang balitang nagkakalabuan sina Jennica at Alwyn dahil sa panayam ng aktres sa Cristy Ferminute noong March 30, 2021.

Umiwas si Jennica na pag-usapan ang isyu kung bakit burado na ang mga larawan nilang mag-asawa sa kanyang Instagram account.

Sabi niya sa panayam,“Nay Cristy, alam niyo sa totoo lang po, nahihiya ako dahil sa inyo na rin po nanggaling, dahil ninang ko nga po kayo sa binyag.

“Kaya ko naman pong sabihin sa inyo, Nay Cristy, kung tayong dalawa lang po, out of my respect din po, of course, naman po of you.

“It’s just that right now, Nay, talagang hindi lang po kaya sa ngayon na pag-usapan pa po.”

"WE LOVE EACH OTHER MORE"

“Last February 12, we got married secretly.”

Ito ang pagtatapat ni Alwyn tungkol sa kanilang pagpapakasal ni Jennica noong February, 12, 2014.

Ikinasal sila sa Victory Church sa Greenhills, San Juan City.

Sabi pa ni Alwyn noon sa presscon ng pinagsasamahan nilang proyekto ni Jennica sa Kapatid network na TV5’s Wattpad Presents: Dyepni, “So, sorry kung may mga nagtatanong, hindi namin alam kung ano ang sasabihin namin.

Continue reading below ↓

"Kasi lagi kaming tinatanong, kailan kami magpapakasal, 'tapos hindi ko lang masabi na, ‘A, actually kasal na kami at naghahanap lang kami ng right time to tell everyone.’

“And ayun, nangyari sa… with the help of our Christian family, sa Victory Greenhills, San Juan.

"Nagkaroon kami ng napaka-intimate, napaka-small na gathering. Maliit na ceremony.

“Family lang and a few friends... actually marami pa po kaming mga kaibigan na hindi nakakaalam sa nangyari."

Dagdag pa ni Alwyn noon, "I think it is our obligation din na i-share yung good news sa lahat ng taong without them, hindi kami mai-inspire to do this.

“We love each other more at nag-level up sa ganitong level ang relationship namin.”

Samantala, balik-telebisyon naman si Jennica sa pamamagitan ng GMA afternoon series na Las Hermanas.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennica Garcia: "From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made."
PHOTO/S: Courtesy: @jennicauytingco on Instagram / FILE
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results