Jennica Garcia issues statement on breakup with Alwyn Uytingco: “FINANCIAL PROBLEM is NOT the reason”

by Arniel C. Serato
May 21, 2021
Jennica Garcia defends husband Alwyan Uytingco from criticisms: "I will try my best to gear away from questions pertaining to Alwyn from this day forward to protect what my children will be able to read in the future.”
PHOTO/S: Courtesy: @jennicauytingco / @alwynzky on Instagram

Nilinaw ni Jennica Garcia na hindi pinansiyal na problema ang dahilan ng hiwalayan nila ng asawang si Alwyn Uytingco.

Sa post niya sa Instagram ngayong hapon ng Biyernes, May 21, hinikayat ni Jennica ang publiko na huwag maniwala sa mga nabasa sa internet dahil may mga nagsulat umano na pera ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ayon sa aktres, hindi sila ang mismong kausap ng naglabas ng report at tila iniba ang konteksto ng kanyang sinabi kumpara sa original interview niya.

Hindi raw inilabas sa artikulo ang mga magagandng sinabi niya tungkol sa ama ng kanyang mga anak.

Pahayag ni Jennica: “There are a lot of new articles about me and Alwyn on the internet.

"There are those (not all) who did not interview me personally and yet quoted lines/parts from my original interview and pierced it together so that it will look like how they wanted it to appear to get more likes and comments.

Continue reading below ↓

“The good things that I said about how I honor Alwyn up to this day because he was never materialistic, hardworking and a good provider was not included in the reposted articles."

Diin niya: “FINANCIAL PROBLEM is NOT the reason.

"Going back and pursuing my career as an actress is simply the wise thing for me to do in this season in my life.

“Our savings was never an issue. If you see an article with me putting Alwyn in a bad light, please make sure it was published by a reputable source before you believe.

“I will NEVER say anything bad about the father of my children.”

Simula raw ngayon ay hindi na siya magbibigay ng anumang panayam tungkol sa asawa dahil kailangan niyang protektahan ang kanyang mga anak pagdating ng araw.

Baka raw mabasa ng mga ito ang mga lumabas na artikulo.

Giit niya, “Because what I said is twisted by other Entertainment Sources due to their chosen Titles.

Continue reading below ↓

“I will try my best to gear away from questions pertaining to Alwyn from this day forward to protect what my children will be able to read in the future.”

“CRITICISMS ARE BEYOND OUR CONTROL”

Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si Jennica sa mga taong nakisimpatiya sa kanya.

Nais din niyang ipaalam bago pa man nadurog ang mga puso ng mga ito para sa dalawa nilang anak ni Alwyn, nauna raw nasaktan ang damdamin nilang mag-asawa.

Saad ng aktres, “To those who sympathize with us, thank you.

“Know that even before your heart broke for my kids, for what happened to us...

“Alwyn and I's heart got broken too.

“My mind is clouded with worries and fear.”

Hindi rin daw nila kontrolado ang batikos na kanilang matatanggap dahil sila ay mga pampublikong pigura.

Pag-amin niya, naapektuhan din ang damdamin nila.

Aniya, “Your criticisms are beyond our control and it is not something we can ask to be put to an end because we are public figures.

Continue reading below ↓

“I understand and accept that it comes with the job but I hope you'll understand that we get affected by your assumptions and accusations even if we do not wish to welcome it.

“Thank you for understanding.”

Sa naunang lumabas na ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na halaw sa artikulo ng GMANetwork.com, hindi nakasaad kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nina Jennica at Alwyn.

Pitong taon nagsama ang dalawa matapos ang kanilang secret wedding noong February 12, 2014.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennica Garcia defends husband Alwyan Uytingco from criticisms: "I will try my best to gear away from questions pertaining to Alwyn from this day forward to protect what my children will be able to read in the future.”
PHOTO/S: Courtesy: @jennicauytingco / @alwynzky on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results