Catriona Gray posts first couple photo with boyfriend Sam Milby on Instagram

by Rachelle Siazon
May 23, 2021
Miss Universe 2018 Catriona Gray to boyfriend Sam Milby: "So sad I can't be with you today to celebrate (even though you hate birthdays) but I'm so thankful I get to do life with you."
PHOTO/S: Dookie Ducay for PEP.ph / @catriona_gray / @samuelmilby Instagram

Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Miss Universe 2018 Catriona Gray, 27, ng litrato kasama ang nobyong si Sam Milby, 37.

Masuyong nakayakap si Catriona kay Sam at pareho silang matamis ang pagkakangiti sa larawan.

Kuha ang throwback photo sa isang bridge na napapaligiran ng mayayabong na puno. Simple lang ang suot ng magkasintahan na parehong nakatsinelas, shorts, at sleeveless top.

Ngayong Linggo, May 23, ang ika-37 kaarawan ni Sam.

Hindi makakasama ni Catriona si Sam na magdiwang ng birthday nito dahil nasa Australia ang beauty queen para bisitahin ang kanyang mga magulang na naninirahan doon.

Pero sweet message naman ang ipinaabot niya para kay Sam.

Sabi ni Catriona: "Happy Birthday my love @samuelmilby!

"So sad I can't be with you today to celebrate (even though you hate birthdays) but I'm so thankful I get to do life with you.

"ILYSM."

Ang acronym na ILYSM ay tumutukoy sa "I love you so much."

Continue reading below ↓

IG Post: Catriona Gray birthday greeting to boyfriend Sam Milby

Bihira lang mag-post si Catriona sa social media ng anumang tungkol sa kanila ni Sam, tulad noong ipinagdiwang nila ang birthday ng former Miss Universe sa U.S. at nang magpunta sila sa Batangas noong Valentine's Day.

IG Stories: Catriona Gray and Sam Milby batangas date

Continue reading below ↓

Pero sa mga pagkakataong iyon ay maiksing video ang ibinahagi ni Catriona, at solo shots nila ang mapapanood doon.

May 22, 2020, isang araw bago ang 36th birthday ni Sam, inamin ng singer-actor sa isang online show na “very special” sa kanya ang ikaapat na Miss Univere titleholder ng bansa.

Kinabukasan, May 23, sa mismong araw ng kaarawan ni Sam, kinumpirma nitong magkarelasyon na nga sila ni Catriona.

Iyon din ang kaisa-isang pagkakataong nagbahagi si Sam ng litrato nila ni Catriona sa social media.

Low-key man ang couple pagdating sa kanilang relasyon, minsan nang inamin ni Catriona na siya ang tipo ng girlfriend na sobrang malambing.

Sinabi rin ni Catriona sa isang panayam noong Pebrero na pareho sila ni Sam na acts of service ang love language o paraan para ipakita ang pagmamahal nila sa isa't isa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona Gray to boyfriend Sam Milby: "So sad I can't be with you today to celebrate (even though you hate birthdays) but I'm so thankful I get to do life with you."
PHOTO/S: Dookie Ducay for PEP.ph / @catriona_gray / @samuelmilby Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results