Melissa Ricks weds non-showbiz boyfriend in California

by Rachelle Siazon
May 24, 2021
Actress Melissa Ricks ties the knot with non-showbiz boyfriend Michael Macatangay in an intimate wedding ceremony in California. Melissa once described Michael as answered prayer as she met him at a church in Batangas where she prayed to meet the right man for her.
PHOTO/S: @mellyricks09 Instagram

Ikinasal si Melissa Ricks sa non-showbiz boyfriend niyang si Michael Macatangay sa California, Linggo ng hapon, May 23 (U.S. time).

Base ito sa sunud-sunod na Instagram Stories na ibinahagi ni Melissa ilang oras ang nakararaan.

"I said yes!" masayang anunsiyo ng 31-year-old actress na si Melissa.

Ipinakita niya ang diamond-studded wedding band katabi ng engagement ring na bigay sa kanya ni Michael.

Melissa Ricks engagement

Continue reading below ↓

THE WEDDING PARTY

Makikitang ginanap sa isang garden ang wedding reception na dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at kaibigan.

Melissa Ricks wedding

Walang pagsidlan ang saya nina Melissa at Michael na panay ang wacky pose sa camera.

Melissa Ricks with husband Michael Macatangay

Continue reading below ↓

Nakunan din ng kanilang mga kaibigan ang sweet kiss ng couple.

Melissa Ricks and Michael Macatangay wedding

Nagkasiyahan din ang mga bisita sa sayawan at paglalaro ng party games.

Melissa Ricks and Michael Macatangay wedding reception

Continue reading below ↓

LOVE STORY OF MELISSA AND MICHAEL

Higit dalawang taon nang magkarelasyon sina Melissa at Michael.

August 2020 nang sorpresahin ni Michael si Melissa sa isang romantic proposal sa Rosario, Batangas kunsaan sila nagkakilala.

Sa pamamagitan ng Instagram post, ibinahagi noon ni Melissa na nakilala niya si Michael noong taong 2018.

Nakagawian daw ni Melissa na magsimba sa Anointed One sa Rosario, Batangas kahit na dalawang oras at kalahati ang biyahe mula sa kanyang bahay.

Noong panahong iyon ay "hopeless" daw ang pakiramdam ni Melissa, at nag-aalala siya dahil hindi na ganun kalakas ang kita niya ng pera.

Bilang single mom, puno raw ng pangamba noon si Melissa kaya mas lumapit siya sa Diyos.

"I knew that hindi Niya ako papabayaan. Hindi Niya kami ni Kiera papabayaan. He was the one I could rely on.

"He was my rock. It's true, rock bottom is where you rebuild your life, where God will rebuild your life," saad sa caption ni Melissa.

Continue reading below ↓

Doon din daw niya sa simbahan sa Batangas ipinalanganing makilala ang "The One" para sa kanya.

Naidasal pa raw noon ni Melissa na kung plano ng Diyos ng maging mag-isa lang siya sa buhay ay tanggap niya.

Pero dagdag ni Melissa, "In a separate prayer on one of my visits, nag baka sakali lng ako, actually it was more like a thought, 'Lord, baka naman po may ma meet ako dito, yung alam ang sakit, yung napagdaanan na ang lahat, yung masipag, yung mabait, mahal ako and mahal anak ko. But most of all, may takot sa Diyos. Sana po may makatabi ako.'

"I smiled thinking as I prayed.:

Hindi raw nagtagal ay sinagot daw ng Diyos ang kanyang dalangin.

"A few months later, I walk into church, like I did every Sunday along with Kiera, and I sat in the front row... right next to Michael."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Melissa Ricks ties the knot with non-showbiz boyfriend Michael Macatangay in an intimate wedding ceremony in California. Melissa once described Michael as answered prayer as she met him at a church in Batangas where she prayed to meet the right man for her.
PHOTO/S: @mellyricks09 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results