Pauline Mendoza says "sweet na asaran" is her love language with Mayor Bryan Celeste

by Rachelle Siazon
May 24, 2021
Pauline Mendoza on boyfriend Bryan Celeste: "The good thing about us ni Mayor Bryan, hindi kami nagka-clash. We understand kung anumang work namin."
PHOTO/S: @paulinemendoza Instagram / Pauline Mendoza YouTube

"Best friends" ang turingan ng Kapuso actress na si Pauline Mendoza at nobyo niyang si Alaminos, Pangasinan Mayor Bryan Celeste.

Madalas daw silang mag-asaran, pero sweet pa rin naman sila sa isa't isa.

Si Pauline ay 21 taong gulang, habang 24 naman si Bryan.

Paglalarawan ni Pauline: "Kami ni Bryan, we're like ordinary couples. We're not that special.

"Kapag magkasama kami, mahilig kami mag-asaran. Yun ang pakitaan namin ng pagiging sweet sa isa't isa.

"Kasi minsan clingy siya, minsan clingy ako. Pero most of the time, parang asaran lang yung nangyayari, which is okay for the both of us kasi parang best friends lang."

Sinabi ito ni Pauline sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Babawiin Ko Ang Lahat, ang katatapos na GMA-7 afternoon drama series.

SELOSAN NA "JOKE-JOKE LANG"

Minsang nag-vlog si Pauline kasama si Bryan, makikita roon na panay ang kulitan nila kung sino ang seloso o selosa sa kanilang dalawa.

Continue reading below ↓

Sinabi noon ni Bryan na selosa si Pauline, pero itinanggi ito ng aktres sa PEP.ph.

"Hindi totoo 'yan! Hahaha! Baka siya yung seloso. Tanungin niyo siya ulit. I-PEP niyo siya ulit," nakangiting turan ni Pauline.

Sabay sabi niya, "Hindi naman siguro sa selosa. I think it's normal lang for girls na may konting ganun. Trust pa rin ang importante."

Kuwento pa ni Pauline, hindi nila sineseryoso kung may pagkakataon mang nagkakaselosan sila.

Tulad halimbawa nang gumawa ng insinuated love scene si Pauline kasama ang leading man na si David Bornea sa Babawiin Ko Ang Lahat.

"Sabi niya, 'Susuportahan ko iyong series mo, pero hindi ko papanoorin yung part na iyan.'

"Pero for sure, pinanonood niya yun. Alam naman niya na professional ako, professional si Dave. Part naman yun ng pagiging artista.

"Wala namang problema sa kanya. Pero since naglolokohan kami, pinapakita niya kunwari na napipikon siya. Pero joke-joke lang iyon."

Continue reading below ↓

Pauline Mendoza with boyfriend Bryan Celeste

pauline designs a furniture for bryan's office

Higit isang taon na ang relasyon nina Pauline at Bryan, at mas inspirado raw silang pagbutihin ang kani-kanilang trabaho.

Inengganyo pa raw ni Bryan si Pauline na ma-apply ang kurso ng dalaga na Interior Design sa pamamagitan ng paggawa ng bamboo sofa para sa opisina ni Bryan sa Alaminos.

Continue reading below ↓

Kilala ang lugar para sa manufacturer ng engineered kawayan o e-kawayan.

Paliwanag ni Pauline: "That one po I designed one of e-kawayan piece of furniture in Alaminos.

"Basically, pina-design ako dito ni Mayor Bryan ng furniture kasi I'm taking up interior designing. So sabi niya, 'Why not mag-design ka dito ng furniture?'

"Ang Alaminos kasi, they're known for e-kawayan. Manufacturer sila ng mga bamboo. So, yung ginawa kong set na living sofa, yung chairs sa Instagram ko, yun ang dinesign ko."

Nang makapanayam ng PEP.ph si Pauline ay saktong nasa Alaminos siya kasama ng kanyang ina, dahil may itinatayo siyang negosyo roon.

Kaya nakangiting sabi ni Pauline, "Kung makakabisita kayo dito, I'll bring you here, papakita ko yung design."

Mayor Bryan Celeste and Pauline Mendoza

Continue reading below ↓

"HINDI KAMI NAGKA-CLASH."

Pero kahit nasa Manila raw si Pauline, hindi problema sa kanila ni Bryan ang long-distance relationsip.

"The good thing about us ni Mayor Bryan, hindi kami nagka-clash. We understand kung anumang work namin.

"Like, when I'm in Manila, busy din ako kasi I have tapings. At the same time, andito siya sa Alaminos, marami siyang trabaho talaga.

"Parehas kaming busy, so nagkakaintindihan kami ng situation, so di kami nagka-clash."

May paraan naman para makapag-usap sila.

Dagdag ng Kapuso actress, "The good thing about it also, never siya nag-stop na mag-update.

"Whenever he has free time, we make sure na nag-uusap kami through Facetime or text.

"Communication is really important in a relationship, at the same time, the trust."

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauline Mendoza on boyfriend Bryan Celeste: "The good thing about us ni Mayor Bryan, hindi kami nagka-clash. We understand kung anumang work namin."
PHOTO/S: @paulinemendoza Instagram / Pauline Mendoza YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results