Kapuso actress Cassy Legaspi to Kapamilya singer Darren Espanto: "Here for you always."

by Rachelle Siazon
May 24, 2021
Cassy Legaspi shows photo of her and Darren Espanto on his 20th birthday today, May 24. Fans can't get over what appears to be a recent photo of the rumored couple. They are also asking if "Bebe" is Cassy and Darren's term of endearment for each other.
PHOTO/S: @cassy / @darrenespanto Instagram

"Here for you always."

Ito ang bahagi ng sweet message ni Cassy Legaspi para kay Darren Espanto, na nagdiwang ng ika-20 kaarawan ngayong Lunes, May 24.

Hindi nabigo ang masugid na tagasuporta nina Cassy at Darren (CassRen) nang biglang mag-post si Cassy ng litrato nila ni Darren via Instagram Story.

Ang buong caption ni Cassy: "okay NOW you're 20 @darrenespanto Happy Birthday D!!here for you always, and we are all so proud of you."

Nilagyan pa ito ni Cassy ng Canadian at Philippine flag bilang pagtukoy sa Canada kunsaan lumaki si Darren at sa Philippines kunsaan may showbiz career ito.

Parehong nakasuot ng mask ang dalawa habang sakay ng elevator, kaya pinaniniwalaang hindi ito basta throwback photo.

IG Stories: Cassy Legaspi birthday message for Darren Espanto

Continue reading below ↓

EAGLE-EYED CASSREN FANS

Kaya panay ang tanong ng fans kung nagpahiwatig ba si Cassy na nagkita na sila ni Darren kamakailan.

Noong nakaraang buwan lamang umuwi ng Pilipinas si Darren matapos ang higit isang taong pamamalagi sa Canada dulot ng pandemya.

Excited ang CassRen fans dahil noong panahong nasa Canada si Darren ay nasaksihan ang pagiging malapit na magkaibigan ng dalawa, base sa social media posts ng mga ito.

Sinusubaybayan ng CassRen ang tingin nila ay namumuong pagsinta nina Cassy at Darren sa isa't isa.

Hindi kaila sa fans na pati ang ama ni Darren na si Lyndon "Don" Espanto ay nakikisama sa panunukso at panlalaglag kay Darren.

Tulad na lamang nang ipahiwatig ni Don na sa mga kaibigan ni Darren ay si Cassy ang nauna nitong binisita pagdating ng Pilipinas.

are cassy and darren calling each other "BEBE"?

Lalo namang kinilig ang fans nang mapanood ang video clip kunsaan magkausap si Cassy at singer na si Zack Tabudlo.

Continue reading below ↓

Si Zack ang kumanta ng love song na "Nangangamba" at kapareho ni Darren na bahagi ng MCA Music record label.

Nasa likod naman ni Cassy ang First Yaya co-star na si Clarence Delgado.

Hirit ni Zack, "Do you know my Bebe? I think Clarence knows him, e."

Tanong ni Cassy, "Singer?"

Sagot ni Zack, "Singer siya, e. I'm pretty loyal. Kami lang para sa isa't isa."

May punto namang natawa pareho sina Cassy at Zack nang kunwa'y matawa si Zack kung bakit "he" o lalaki ang sinasabi niyang "Bebe" niya.

May isa pang nakuhang video clip ang fans kunsaan tila gusto ni Cassy na magkaroon ng kantang nakapangalan sa kanyang full name na "Cassandra."

Panunukso naman ni Zack, "That will happen in the future, maybe sang by someone else, not by me. Baka si Bebe ko. Char!"

Sa puntong ito ay nanlaki ang mga mata ni Cassy at biglang napatakip ng mukha.

Continue reading below ↓

Dahil dito ay hinihinala ng fans na si Darren ang tinutukoy na "Bebe" ni Cassy.

Sa kasalukuyan ay tikom ang bibig nina Cassy at Darren kung may nabubuo na nga bang espesyal na pagtitinginan sa pagitan nila.

Rumored couple Cassy Legaspi and Darren Espanto

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cassy Legaspi shows photo of her and Darren Espanto on his 20th birthday today, May 24. Fans can't get over what appears to be a recent photo of the rumored couple. They are also asking if "Bebe" is Cassy and Darren's term of endearment for each other.
PHOTO/S: @cassy / @darrenespanto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results