Danica Sotto supports husband Marc Pingris’s decision to retire from PBA

by Arniel C. Serato
May 26, 2021
Danica Sotto on husband Marc Pingris's decision to retire from the hardcourt: "I will definitely miss watching him play but I’m also excited for what lies ahead. I know God has even greater plans."
PHOTO/S: Courtesy: @jeanmarc15 / @danicaspingris on Instagram

May halo mang lungkot, masaya pa rin si Danica Sotto sa naging desisyon ng asawang si Marc Pingris na magretiro na sa Philippine Basketball Association (PBA).

Halos labing-anim na taong naglaro si Marc sa PBA bago siya magdesisyong lisanin na ang karerang ito.

Si Marc, 39, ay naglaro para sa mga koponan ng FedEx, Purefoods, San Miguel, B-Meg, San Mig Coffee, Star, at ang pinakahuli ay para sa Magnolia.

Pahayag ni Danica sa kanyang Instagram ilang oras matapos ianunsiyo ng asawa ang desisyon nito kahapon, May 25, “Every time Marc has a game, especially an important one, yung tipong mga do or die games… di mo makaka usap yan!

“He’s quiet and not his usual kulit self. Naka focus sa talaga sa game. Minsan ilang araw pa. I give him his space kasi nag iisip talaga yan ng malalim.

“But once the game is over… he will always look for me and the kids in the crowd so he can hug us and say he loves us.

Continue reading below ↓

“Pag ganyan na siya saakin it means mission accomplished na siya. Nanalo na team nila, para sa family namin o kaya para sa bayan.”

Mami-miss daw ni Danica ang mga panahong may laro ang asawa, pero handa na rin siya sa mga magagandang bagay na mangyayari ngayong retirado na si Marc.

Aniya, “I will definitely miss watching him play but I’m also excited for what lies ahead. I know God has even greater plans.

“To everyone who has supported Marc in his basketball career, Thank you so much! We are eternally grateful for all your love and support.

“I will be forever proud of what you’ve accomplished @jeanmarc15 I’ll always be by your side. Love you so much! #forevercheerleader #SalamatPinoySakuragi #pinoysakuragi15signingoff

NEW CHAPTER

Ikinagulat ng maraming basketball fans ang post ni Marc tungkol sa kanyang pagreretiro sa basketball.

Sa pamamagitan ng Instagram, sinabi niyang bata pa lang siya ay pangarap na niyang makapaglaro sa PBA.

Continue reading below ↓

Pero napapanahon na raw upang harapin naman niya ang bagong yugto ng kanyang buhay.

Narito ang mahabang post ni Marc na nagpapasalamat sa lahat ng taong nakasuporta sa kanya sa buong labing-anim na taon niya sa PBA, kung saan tinagurian siyang “Pinoy Sakuragi”"

#pinoysakuragi15signingoff

“I remember my name being called during the 2004 PBA Draft. Doon nagsimulang matupad ang pangarap ng isang batang palengke. 16 years na din ako sa PBA pero alam ko na ngayon na din ang tamang panahon para umpisahan ang bagong chapter ng buhay ko.

“I want to thank everyone na naniwala at sumuporta sakin, sa MAMA ko na inspiration ko, sa ATE & KUYA ko na nagdisiplina sakin, at lahat ng relatives ko.

“Thank you to Mayor MORDEN, boss JESSIE CHUA who recruited me
Thank you sa AIR21 for drafting and trusting me, thank you Boss Bert Lina

“Salamat sa COACHES na nag guide sakin - coaches coach boyz zamar,Johnny Tam, Leo Austria, Siot Tanquincen, Ryan Gregorio, Chot Reyes, Jorge Gallent, Jason Webb, & Chito Victolero at asst coaches. To all my TEAMMATES Thank you! Appreciate you all!

“Thank you sa SMC, BOSS DANDING, BOSS RAMON ANG, BOSS ALFRANCIS, BOSS ALEJO, GOV PARDO, BOSS CAP at sa muse ng Purefoods si mam REENA. Thank you sa lahat ng BALL BOYS kay DOC RAFFY,NICK.RC.JOJO

“COACH TIM, it’s because of you that I grew to understand the sport as more than a game. Thank you for giving me the opportunity to become part of history with our 2014 grandslam. I am proud to have played the game we both love with you.

“Thank you tito ED PONCEJA na tumayong pangalawang ama ko. Salamat sa mga payo

“GILAS family, thank you!

Continue reading below ↓

“PBA FANS, salamat sa suporta nyo. Hindi mabubuo ang PBA kung wala kayo. Mamimiss ko ang games, ang mga sigaw nyo, lalo na sa Manila Clasico!!!

“To all MEDIA, thank you sa pagbuhos ng oras para mahatid ang balitang PBA.

“Sa TROPANG PINGRIS, Mahal ko kayo!

“To MIC & CAELA, I love you! Everything I do is for you. To my SOTTO family, I love you all!

“To DADDY VIC and MOMMY D, salamat sa supporta , pagmamahal at pagtanggap sakin. To Papi and Mamita, my PINGRIS fam. Thank you for your love and support.

“To my wife, Danica, thank you for your love. Thank you for all the sacrifices you made for me & our family. Thank you for staying beside me, for pushing me to work harder & never give up. I love you!

“Higit sa lahat, Salamat Lord God sa pag gabay at sa lahat ng blessings.

“It has been a glorious 16 years, #pinoysakuragi15signingoff

Continue reading below ↓

View this post on Instagram

A post shared by Marc Pingris (@jeanmarc15)

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Danica Sotto on husband Marc Pingris's decision to retire from the hardcourt: "I will definitely miss watching him play but I’m also excited for what lies ahead. I know God has even greater plans."
PHOTO/S: Courtesy: @jeanmarc15 / @danicaspingris on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results