Rabiya Mateo spotted with former PBB housemate Andre Brouillette amid breakup rumor with longtime boyfriend

by Arniel C. Serato
May 26, 2021
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo bonds with former Pinoy Big Brother housemate Andre Brouillette prior to her first official appearance a week after the 69th Miss Universe pageant.
PHOTO/S: Courtesy: @rabiyamateo / @andrebrouillette on Instagram

Nag-bonding si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Andre Brouillette, kasama ang isa pang kaibigan, sa Beverly Hills, California.

Sa kanyang Instagram Stories ngayong araw, May 25, nag-post si Rabiya ng maiksing video nila ni Andre at isa pang kaibigan.

Sinabi niyang kasalukuyan silang nagla-lunch sa 208 Rodeo restaurant sa Rodeo Drive ng Beverly Hills.

IG Storis: Rabiya Mateo having lunch with Andre Brouillette

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanya namang Instagram, ibinahagi rin ni Andre ang mga larawan nila ni Rabiya at isa pang kasama.

Saad niya sa caption, “Lunch with the lovely and beautiful Miss Universe Philippines @rabiyamateo

Hati ang reaksiyon ng netizens sa comments section sa post ni Andre.

Nataon kasing ngayong araw rin lumutang ang balitang baka break na si Rabiya at ang longtime boyfriend nitong si Neil Salvacion.

Ito ay matapos burahin ni Neil ang lahat ng mga larawan nila ni Rabiya sa kanyang Instagram account.

Si Andre ay talent ng Mercator Artist and Model Management, Inc. at Empire.ph na pinamamahalaan ni Jonas Gaffud, na siya ring creative director ng Miss Universe Philippines.

Posibleng kasama si Andre sa entourage ni Rabiya dahil siya rin ang nag-host ng press conference ng Miss Universe Philippines 2020 noong nakaraang taon.

FIRST PUBLIC APPEARANCE

Ngayong araw rin ang unang public appearance ni Rabiya pagkatapos ng Miss Universe 2020 pageant na ginanap noong May 16, 2021 (May 17 sa Pilipinas) sa Hollywood, Florida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginawaran ng Philippine General Consulate ng Los Angeles ng certificate of appreciation si Rabiya dahil sa kanyang pagiging kinatawan ng Pilipinas sa katatapos lamang na international beauty pageant.

Sabi ni Rabiya sa kanyang post, “Earlier today, I had an amazing time with the Filipino community here in Los Angeles.

“This is my first official appearance after the competition. It felt like my mini victory party.

"Things were even better because I was able to wear @theolivertolentino and @lunabydrakedustin.

“Tomorrow, I’m gonna have another meet and greet event with @oliviaquido!

“I’m so thankful with everything that I have. I am blessed to be surrounded by good people.”

View this post on Instagram

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Umabot hanggang Top 21 si Rabiya sa ika-69 edisyon ng Miss Universe.

Si Andrea Meza ng Mexico ang hinirang na Miss Universe 2020.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo bonds with former Pinoy Big Brother housemate Andre Brouillette prior to her first official appearance a week after the 69th Miss Universe pageant.
PHOTO/S: Courtesy: @rabiyamateo / @andrebrouillette on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results