Watch Now

Rabiya Mateo clarifies involvement with Andre Brouillette; quashes breakup with longtime boyfriend

by Arniel C. Serato
May 27, 2021
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo says former Pinoy Big Brother housemate Andre Brouillette is just her workmate and friend. She also reacts to new Instagram post of longtime boyfriend Neil Salvacion today, May 27.
PHOTO/S: Courtesy: @andrebrouillette / @neilow on Instagram

Pinabulaanan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na may namamagitan sa kanila ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Andre Brouillette.

Inuugnay ng netizens ang dalawa matapos lumutang ang balitang break na diumano sina Rabiya at ang longtime boyfriend nitong si Neil Salvacion.

Naging usap-usapan sa social media ang espekulasyong hiwalay na sila matapos burahin ni Neil ang lahat ng larawan nila ni Rabiya sa kanyang Instagram account.

Kahit maraming nagtanong na netizens kay Neil kung bakit binura niya ang mga larawan nila ng nobya, wala siyang sinagot ni isa man sa kanila.

Anim na taon nang magkarelasyon sina Rabiya at Neil.

Sa kanyang Instagram Stories kagabi, May 26, itinanggi ni Rabiya na may namamagitan sa kanila ni Andre, na naging bahagi ng Team Philippines sa Miss Universe 2020.

Diin pa ng Ilongga beauty queen, “ImNotAvailable.”

Ibig sabihin ay may karelasyon siya ngayon.

Buong caption ni Rabiya sa larawan nila ni Andre na ibinahagi niya sa kanyang Instagram Stories: “#Friends #Workmates #NoMalice #Empire #Mercator #ImNotAvailable”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IG Stories: Rabiya Mateo clarifies rumors with Andre Brouillette

RABIYA COMMENTS ON NEIL’S POST

Ngayong araw, May 27, nag-post si Neil ng beach photo niya na kuha sa Matabungkay, Batangas.

Sabi niya sa caption, “vacSEAnated”

View this post on Instagram

A post shared by Neil John Fel (@neilow)

Isa sa mga unang nag-comment sa post na ito ay si Rabiya.

Sabi ng Miss Universe Philippines 2020, "payat siya eh”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Neil, “@rabiyamateo sinegwelas for days.”

Base sa palitan nila ng mensahe, mahihinuhang mali ang akala ng iba na hiwalay na sila.

Rabiya Mateo and Neil Salvacion message exchange

Ikinatuwa naman ito ng mga tagasuporta ng dalawa.

Mapapanatag na raw ang kanilang kalooban ngayong napagtanto nilang walang hiwalayang nangyari.

IG comment: fans happy to see Rabiya Mateo and Neil Salvacion interaction

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IG comment: fans happy to see Rabiya Mateo and Neil Salvacion interaction

IG comment: fans happy to see Rabiya Mateo and Neil Salvacion interaction

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IG comment: fans happy to see Rabiya Mateo and Neil Salvacion interaction

Inaabangan na ng maraming Ilonggo ang pag-uwi ng kanilang "reyna" na si Rabiya, na inaasahang magkakaroon ng engrandeng pagsalubong sa kanyang pagbabalik sa Iloilo.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo says former Pinoy Big Brother housemate Andre Brouillette is just her workmate and friend. She also reacts to new Instagram post of longtime boyfriend Neil Salvacion today, May 27.
PHOTO/S: Courtesy: @andrebrouillette / @neilow on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results