Rabiya Mateo on viral hugging video with Miss Thailand Amanda Obdam: “Kami yung dalawang candidate na na-pressure talaga.”

by Bernie V. Franco
May 27, 2021
Rabiya Mateo (left) recounts approaching Miss Thailand Amanda Obdam (right) after the pageant: "When I saw her, I just hugged her and we hugged each other."
PHOTO/S: Facebook (Powerhouseph) / Instagram

Ibinahagi ni Rabiya Mateo ang kuwento sa likod ng viral hugging photo nila ni Miss Universe Thailand Amanda Obdam.

Bagamat dalawa sila sa mga paboritong manalo sa Miss Universe 2020 pageant, bigo sina Rabiya at Amanda na masungkit ang korona.

Nakaabot lamang si Rabiya sa Top 21, samantalang umabot hanggang Top 10 si Amanda.

Sa isang behind-the-scene footage matapos ang programa, makikita ang paglapit ni Rabiya kay Amanda at saka sila nagyakapan.

Panandalian din silang naghawak-kamay habang palabas ng entablado.

Rabiya Mateo, Miss Thailand Amanda Obdam hugging video

Continue reading below ↓

Ikinatuwa ito ng pageant fans, lalo pa’t kilala ang Pilipinas at Thailand bilang pageant-loving countries.

Ito ay sa kabila ng pagbabanggaan ng kani-kanilang fans kung sino ang mananalo bago ganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2020.

RABIYA DESCRIBES AMANDA

Paliwanag ni Rabiya, pareho sila ng naging sitwasyon ni Amanda dahil sa mabigat na pressure sa kanilang manalo.

“Maybe because kami yung dalawang candidate na na-pressure talaga coming from pageant-loving countries.

“Alam niya [Amanda], alam ko din kung how hard it is to please everybody around you, to please the fans,” pahayag ni Rabiya sa Instagram Live ng U.S.-based Filipino businesswoman na si Olivia Quido-Co, Huwebes ng umaga, May 27.

Nang hindi raw natawag ang pangalan ni Rabiya sa Top 10, lihim niyang ipinagdasal na makapasok ang kapwa niya Asians na sina Amanda at Miss India Adline Castelino.

“That’s why to be honest, nung hindi ako natawag sa Top 10, I was rooting for her and Miss India. I was rooting for them.”

Continue reading below ↓

Pero hindi na nakausad sa Top 5 si Amanda. Hinirang namang third runner-up si Miss India.

“And then, nung hindi din siya natawag sa Top 5, ramdam mo din kasi yung bigat.

“And when I saw her, I just hugged her and we hugged each other.

“You saw the video, guys.”

Rabiya Mateo, Miss Thailand Amanda Obdam holding hands

Continue reading below ↓

Sa kabila ng pagsasabong sa kanila ni Amanda noon, puring-puri ni Rabiya ang ugali ng Thai beauty queen.

“Amanda, she’s a sweetheart. She’s a sweetheart, and she deserves all the love, all the attention.

“She’s a genuine person,” sabi niya.

RABIYA INTENDS TO TRY SHOWBIZ

Binanggit din ni Rabiya na sa Hulyo pa siya uuwi sa Pilipinas dahil may mga commitment pa siya sa Amerika.

Inamin din ni Rabiya na balak niyang pasukin ang showbiz.

“I’m planning a lot of things, to be honest. But I might go into acting. I know, it’s crazy,” nahihiyang sabi ni Rabiya.

Nahilig daw siya sa pag-arte dahil high school pa lang ay sumasali na siya sa declamation contests.

“I can’t afford to pay a trainer. So what I do, I write my own script, I act it out. So, it’s like one of my talents.

“So, ngayon, if there’s an opportunity in acting, I might try.”

Continue reading below ↓

Horror daw ang gusto niyang genre.

“It’s challenging kasi. It’s very difficult to scare people so I’m up for that kind of challenge.”

Mga batikang artista naman ang gusto niyang makatrabaho, gaya nina Maricel Soriano, Vilma Santos, at Dingdong Dantes.

“Mga nasa haligi na ng pelikulang Pilipino… mangangarap na lang din ako tinaasan ko na,” hirit ng Ilongga beauty queen.

Ibinahagi rin ni Rabiya ang natutunan niyang leksiyon sa kanyang Miss Universe journey.

“Follow your own voice. Listen to that voice inside you. Make the decision in which you are most comfortable.

“At the end of the day, you may wear the Philippine sash, but it’s you who is going to represent the country.

“It’s all about you, not the voices around you.”

ALSO READ
, "widget":"Hot Stories"]

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabiya Mateo (left) recounts approaching Miss Thailand Amanda Obdam (right) after the pageant: "When I saw her, I just hugged her and we hugged each other."
PHOTO/S: Facebook (Powerhouseph) / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results