Kim Molina reveals boyfriend Jerald Napoles sought permission of her parents before they lived together

by Rachelle Siazon
May 28, 2021
Jerald Napoles on girlfriend of seven years Kim Molina: "Mutual naman pag-uusap namin ni Kim. Wala naman tayong ibang plano sa isa't isa na hindi tayo magkasama."
PHOTO/S: @iamjnapoles Instagram

Inamin ng magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles na nagsimula silang magsama sa iisang bubong dahil sa COVID-19 pandemic.

March 2020 nang ipatupad ang community quarantine sa Pilipinas, at mula raw noon ay nagdesisyon silang manirahan si Kim sa bahay ni Jerald.

Sa PEP Live nitong Huwebes ng gabi, May 27, ikinuwento ni Kim na humingi ng permiso si Jerald sa kanyang mga magulang.

"Hindi naman talaga kami magka-live in before pandemic. Magkapitbahay lang halos, malapit lang mga bahay namin.

"Since nagkaroon ng lockdown, e, si Je nag-alala kasi wala akong kasamang lalaki dito.

"So, nagpaalam siya sa parents ko. Siyempre usap-usap yun ng magulang, 'Diyan na titira yung dyowa mo?!'

"E, nasa edad naman kami. Twenty-nine ako, si Jerald ay 30... Hahaha!"

Kuwelang binitin ni Kim ang edad ni Jerald na 38 taong gulang.

Sabay dugtong ng dalaga, naiintindihan ng mga magulang niya ang naging desisyon nila ni Jerald.

Continue reading below ↓

"So ayun. At the same time, si Mama ni Je, magkasama na rin kami dito sa bahay. Mag-isa kasi siya sa Tondo.

"So, parang isang family na kami dito sa house for safety reasons," ani Kim.

Hindi naman nila itinago ang kanilang live-in relationship.

Base sa kanilang patok na YouTube vlogs, nasubaybayan ng fans ang kanilang karaoke nights, cook-outs, household chores, at iba pang activities habang lockdown.

Makikitang swak sila sa isa't isa dahil bukod sa pareho silang komedyante, pareho rin silang singer at may background sa theater acting.

Kim Molina and Jerald Napoles

Continue reading below ↓

WEDDING TALKS

Dahil sa ganda ng pagsasama ng dalawa, hindi maiwasang usisain ng fans kung napag-uusapan na ba nina Kim at Jerald ang planong pagpapakasal.

"Ang hirap magsalita. Ako ang babae, e," ani Kim.

Sagot naman ni Jerald, "Ako na magsasalita. Alam naman natin. Nag-usap naman kami ni Kim kung ano plano namin in the future.

"Yung kasal kasi, alam kong maraming matutuwa at maraming naghihintay na mga tao at maraming salamat sa suporta niyo.

"Sa ngayon, hindi namin madesisyunan ang bagay na 'yan, dahil sa panahon ngayon ang dami pa kailangan gawin at mabuksan."

Ayon pa kay Jerald, sigurado sila ni Kim na gusto nilang makasama ang isa't isa habambuhay.

"Mutual naman pag-uusap namin ni Kim. Wala naman tayong ibang plano sa isa't isa na hindi tayo magkasama.

"Eto muna, isa-isahin muna natin. 'Ano kailangan natin ngayong taon? Pera. Dun muna tayo."

Mas pinaghahandaan daw nila ang financial security para sa future nilang magkasama.

Continue reading below ↓

Lalo pa't napagtanto nila nitong pandemya kung ano ang kanilang priority.

Dugtong ni Kim, "Kailangan buong pamilya natin naka-vaccine na. Yung mga ganung bagay ang inuuna namin.

"Kailangan meron tayong emergency money for health reasons o kung anuman."

Sabi pa ni Jerald, "Kailangan natin passive income."

Bilang babae, wala rin naman daw duda si Kim na si Jerald ang lalaking para sa kanya.

Nakangiting diin ni Kim, "Alam naman namin na hindi na kami maghihiwalay, guys. Itaga niyo iyan sa bato. Pag naghiwalay kami, paki-hunting si Jerald."

Kim Molina and Jerald Napoles kiss

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ON THE SO-CALLED SEVEN-YEAR ITCH

Magpipitong taon nang magkarelasyon sina Kim at Jerald sa July 22, 2021.

Hindi naman daw nag-aalala si Jerald sa tinatawag na seven-year itch, o paniniwala na lumalamlam ang relasyon ng isang couple pagtuntong ng ikapitong taon.

"I think yung seven-year itch, technically speaking, hindi siya particular masyado sa pagloloko, or paghahanap ng iba.

"But I think it's a big leap, a new era, a next category in the relationship. Are you gonna go on or are you gonna stop it right there and then?

"So ako, nae-excite ako dun sa leap na mangyayari sa relasyon."

Paliwanag pa ni Jerald sa PEP.ph: "Kasi ang dami na rin namin napag-uusapan ngayon. Nung bago pa lang relasyon namin, hindi kami nagsasalita nang tapos.

"Kasi mataas din pangarap namin bilang individual. So, di namin alam, 'Ano ba?Kasama ba si Jerald sa mga plano ko sa buhay after four years?' E, usually, question natin, 'In five years time, asan ka na?'

Continue reading below ↓

"Biruin mo, after [more than] five years, magkasama pa rin kami."

Ang hiling ni Jerald ay patuloy silang mag-grow ni Kim bilang magkarelasyon at bilang indibidwal hanggang sa pagtanda nila.

"Kasi ang trajectory ng couple pag matanda na, complacency. 'Kampante na ako sa iyo. Hayaan mo siya diyan.'

"Biruin mo, at 50 years old, meron pang ilang years, puwede pa mag-grow.

"Gusto ko habang tumatanda, nagde-develop yung relasyon, may natututunan tayo."

Sa parte ni Kim, peg niya ang sariling mga magulang pagdating sa pagmamahalan.

"Kasi seven years na kami, pero hanggang ngayon kinikilig kami sa isa't isa.

"Sana hindi mawala yung time na, kami pa rin, alam namin mahal namin isa't isa. pero gusto ko lagi kinikilig pa rin.

"Magulang ko kasi ganun, e. Kahit antagal-tagal na nila, para silang high school."

Kuwelang hirit ni Jerald, "Huwag ka mag-alala. Palagi ako magsi-CR para lagi akong kiligin."

Kim Molina and Jerald Napoles working out

Continue reading below ↓

LOVE STORY OF KIM AND JERALD

Balik-tambalan sina Kim at Jerald, o may uniname na KimJe, sa comedy film na Ang Babaeng Walang Pakiramdam, na mapapanood sa VivaMax simula June 11.

Nagkatrabaho na rin sila sa mga pelikulang #Jowable (2019) at Camp Sawi (2016).

Pero unang nagsimula ang kanilang love story nang magkasama sila sa Rak of Aegis, ang critically-acclaimed play na unang ipinalabas noong 2014.

Lahad ni Kim sa PEP.ph: "Hindi ko in-expect kami na magtatagal talaga. Again, nag-start sa Rak of Aegis, tuksuhan lang, e.

"Kunwari, 'Sina Aileen at Tolits ng Rak of Aegis?' 'Sina Kim at Jerald.' 'A, KimErald night pala ngayon!' Yun ang tuksuhan sa amin talaga.'

"Akala ko, parang Rak of Aegis thing lang siya. Hindi ko in-expect na kahit walang Rak of Aegis, hinahanap-hanap namin isa't isa."

Nagkahulugan daw sila ng loob habang mas nakikilala ang isa't isa noon.

Sabi pa ni Kim, "Best friends kami, e, so lagi kami magkasama. Magka-hang out kami palagi.

Continue reading below ↓

"Yung conversations namin na tumatagal hanggang umaga. Hanggang sa, 'Ay, love ko na ba ito?' Dun talaga na-develop yung 'kami.'"

Kim Molina and Jerald Napoles in Rak of Aegis

Sino ang unang nagpakita ng interes sa kanilang dalawa?

Mabilis na pag-amin ni Kim, "Ako!"

"Si Kim!" napangiting sang-ayon din ni Jerald.

Hirit ni Kim, "Naniniwala kasi ako na kapag may gusto ka sa isang bagay, sabihin mo agad. Women empowerment!"

Continue reading below ↓

Natatawa si Jerald sa pag-amin ni Kim.

Pero paliwanag ni Kim, malakas ang loob niya dahil alam niyang may gusto sa kanya si Jerald.

"Kasi ang nangyari diyan, alam ko na talaga, natsismis na sa Rak of Aegis na tsini-check out mo ako. Alam ko na iyon kasi alam ko na mga trip mo!" natatawang sabi ni Kim kay Jerald.

Paliwanag pa ng dalaga, "E, di may isang beses na nakyutan ako kay Je kasi ang ganda pagkakanta niya ng sound check sa Rak of Aegis.

"Sabi ko sa kanya, 'Alam mo, crush kita ngayon!' The following day, sa group chat ng Rak of Aegis, tinawag ako, 'Hi, baby!' Ayan na! Hahahaha!"

Hindi na rin nagpatumpik-tumpik pa si Jerald na pormahan si Kim.

"Siyempre, grab the opportunity habang may chance! Pogi ko ba?! Ganun ba ako kaguwapo para hindi ko kunin yung chance?!

"Sakto naman din [na type ko siya]. Hanggang sa yun na, nilandi ko siya!"

Continue reading below ↓

Natatawang hirit ni Kim, "Na-baby ni Tondo Boy! Harot-harot ko!"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles on girlfriend of seven years Kim Molina: "Mutual naman pag-uusap namin ni Kim. Wala naman tayong ibang plano sa isa't isa na hindi tayo magkasama."
PHOTO/S: @iamjnapoles Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results