Watch Now

Andre Brouillette finally speaks up about alleged romance with Rabiya Mateo

by Bernie V. Franco
May 29, 2021
Pinoy Big Brother ex-housemate Andre Brouillette finally addresses claim that he and Rabiya Mateo are allegedly romantically involved.
PHOTO/S: @andrebrouilletteph, @andrebrouillette, @rabiyamateo on Instagra

Nagsalita na sa wakas ni Andre Bruouillette at sinagot ang isyung may namamagitan na umano sa kanila ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Si Andre ay nakilala bilang fourth big placer sa Pinoy Big Brother Season 8 at isang showbiz newcomer.

Kamakailan ay ipinost ni Andre, isang Filipino-American, ang larawan nila ni Rabiya kasama ang isang kaibigan na kumakain sa labas.

Nag-upload din ng video sa Instagram Story si Rabiya, tampok si Andre at ang isa nilang kasamahan sa lunch out.

Magkasama sa Amerika ngayon sina Rabiya at Andre.

Binigyang kulay ng netizens ang post nina Rabiya at Andre.

Nataon pang binura ni Neil Salvacion, boyfriend ni Rabiya, ang mga larawan nilang dalawa ng beauty queen sa kanyang Instagram account.

RABIYA, ANDRE IN ONE TEAM

Si Andre ay kasama sa Team Philippines na bitbit ni Rabiya nang sumali siya sa Miss Universe 2020 pageant na ginanap sa Miami, Florida, noong Mayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Andre ang nagsilbing correspondent sa Miss Universe journey ni Rabiya.

Sabi ni Andre, “The way that me and Rabiya met, I’m actually here, or at a time in Miami recently, as a fly-in host and a correspondent in this pageant industry, coming up in this Miss Universe, right?”

Nagsalita si Andre sa Inside News ng Star Magic na ipinost sa YouTube nitong Biyernes, May 28.

“Si Rabiya is Miss Universe Philippines 2020 and we have the same agency. Same team that’s managing her.”

Ang tinutukoy na agency ni Andre ay ang Mercator Artist and Model Management na hawak ni Jonas Gaffud, na siya ring creative director ng Miss Universe Philippines Organization.

Dugtong ni Andre, “So, I was able to meet her as I came to Miami to do hosting for Miss Universe updates, which is about, I would say three weeks ago.”

ANDRE ON RABIYA: “WE’RE GREAT FRIENDS.”

Hindi na raw madidiktahan ni Andre kung ano ang iisipin ng ibang tao. “Really, I can’t control what people think, right? With that photo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkuwento si Andre kung paano sila nakunan na magkasama ni Rabiya.

Matapos ang Miss Universe pageant, sumunod si Rabiya sa Beverly Hills, kung saan nauna na ang iba niyang kasamahan kabilang si Andre.

Ani Andre, “What happened was I, we picked her up from the airport and we had time.

“We were all hungry. We went out and had a great lunch in Beverly Hills.”

rabiya mateo and andre brouillette

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala raw masamang intensiyon si Andre nang i-upload niya ang larawan kasama si Rabiya.

“So, with my intention of uploading that photo, was a great time with friends and a great lunch and with Miss Universe Philippines 2020 for the memories.”

Sa panig daw ni Andre, hindi na raw niya ito inisip pa dahil alam naman niya kung ano ang totoo.

“I can’t control what people say and not all people say is true.

“I try not to read into all that stuff ‘cause, of course, everybody is entitled to their own opinion.

“And when you really kind of read into it too much, it kinda… what I’m trying to do is build my mind with the truth.”

Aniya sa ugnayan nila ni Rabiya, “We’re great friends and I have the utmost respect for her.

“And she’s a great person and representing Miss Philippines 2020, so I wish her the success.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahuli niyang hirit sa tao, “Always focus on the truth."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Big Brother ex-housemate Andre Brouillette finally addresses claim that he and Rabiya Mateo are allegedly romantically involved.
PHOTO/S: @andrebrouilletteph, @andrebrouillette, @rabiyamateo on Instagra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results